5- Away

15 0 0
                                    

"Dalian mo na. Baka mahuli na tayo sa bus."
Rinig niyang sabi ng Ina. "Saglit lang mama."
Nakita niyang naglalakad na ang mga magulang kaya dali-dali siyang nag paalam sa mga kaibigan. "Bye alis na kami."

"Ba-bye!" Kumaway sa kaniya ang mga ito. "Balik ka ah," tumango siya at ngumiti.

"Sayang hindi mo na makikita si Ken." Tumawa ang mga kaibigan niya. " Oo nga 'yong crush mo."

Sumimangot siya. Oo nga. Kung kailan tuloy lumalabas na 'yong crush niya ng Bahay saka naman sila aalis. Dapat kasi nong una pa nagpakita na sa kaniya si Ken.

Nasayang tuloy ang isang araw niyang pag papansin dito. Hindi naman kasi siya pinansin. Parang ang hirap niyang maging kaibigan. Ang ilap sa mga Bata. Lagi pang nakasimangot ang mukha. Ang suplado.

Hayaan mo na hahanap nalang siya ng bagong crush.

Mahina siyang naglakad papalayo sa bahay nila.

Lilipat na sila ng tirahan. Sa probinsya kung saan doon din siya nanggaling. Isang taon din sila sa Lugar na'to pero hindi niya maitatanggi na napamahal na siya sa Lugar. Masaya kahit na madalas may away at habulan ng kutsilyo.

"Pa hindi na tayo babalik?" Tanong niya sa Ama. Busy ito sa pag papaakyat ng mga bagahe sa bus, maging ang Ina ay busy din. "Hindi na. Alam mo namang hindi nagustuhan ng papa mo ang Lugar na 'yon." Ang Ina niya na ang sumagot.

Nang matapos iakyat ang mga bagahe nila ay pinaakyat narin sila. Nag patiuna na siya at humanap agad ng upuan katabi ng bintana.

Sabagay maganda rin naman sa probinsya. Isa pa sariwa ang hangin at malinis, hindi katulad sa Maynila madumi at mabaho, may mga kanal pa na puno ng basura.

Mabilis ang panahong nag daan.

Naging isa, dalawa, tatlo hanggang sa naging siyam na taon. Bumalik siya.

"Makinig ka sa mga kapatid mo roon. Huwag karin mag bo-boyfriend ah." Paalala ng kaniyang Ina. Kahit ang papa niya ay palaging gano'n din ang sinasabi sa kaniya na, makinig at 'wag mag bo-boyfriend. "Yes ma'am and sir." Natatawa niyang sagot sa mga ito at sumaludo pa.

Sinundo siya ng kaniyang kuya. Walong Oras din ang byahe. Nang makarating sila ay bumaba na siya. Hinintay niya ang kuya bago naglakad. Nakalimutan niya na ang pasikot sikot na daan dito sa Lugar nila.

Napansin niyang marami narin ang nagbago. Mas dumami na ang Bahay at mas lalong sumikip ang makitid na daan. She miss the old place.

Naninibago siya sa mga nakikita. Siyam na taon din bago siya nakabalik. Nakalimutan nadin niya ang hitsura ng mga dating kaibigan pero 'yong iba naalala pa siya. 'Yong iba namang kaibigan nagbago at hindi na namamansin. Well gano'n siguro talaga.

Dito narin siya mag aaral ng señor highschool.

Naglalakad na siya sa corridor papasok ng Classroom pero may nahagip ang mata niya. Isang pamilyar na mukha. Alam niya ang pangalan nito pero hindi siya sigurado kung siya ba 'yon.

She made a research about the guy she saw earlier. Nag tanong-tanong siya sa mga classmates niya.

Nang mahanap niya ang account ng lalaki ay agad niya itong tiningnan.

Confirm! It's him!

Akala niya na nakalimutan na niya. But she was wrong. Parang bumalik ang lahat. Sa siyam na taon na 'yon na iisip niya parin ang lalaki. Akala niya crush lang, pero bakit? Bakit may kung ano sa ibang parte ng kaniyang katawan na nag sasayahan.

Akala niya wala na ang lalaki. Akala niya lumipat na ito sa ibang Lugar.

Subrang liit lang talaga ng mundo.

Nang makauwi siya sa bahay galing school ay agad niyang Kinuha ang cellphone at binuksan ang Facebook account. Nagulat siya at halos atakihin na sa puso ng makita ang pangalan ng lalaki sa friend request.

Alam niyang hindi naman siya naaalala ng lalaki kaya bakit hindi niya ito agad i-accept.

Nagpatuloy ang araw na parang normal lang. Inadd lang naman siya nito at wala ng iba. Minsan nakikita niyang nag re-react ito sa mga story niya pero baka normal lang sa lalaki ang mag react ng mga my day kaya inignora nalang niya.

Pero makalipas ang ilang buwan nag chat ito sa kaniya. She surprise, of course. Pero 'yon lang wala ng iba kaya hindi na siya nag assume pa.

Lumipas ang linggo nag Chat ulit ito hanggang sa sunod-sunod na. They become friends, pero sa chat lang. She avoiding the guy lalo na baka makasalubong niya ito sa personal pero hindi nga siya nag kamali. Nakatira lang sila sa iisang Lugar so anong ini-expect niya?

Parang sasabog ang puso niya. Ngumiti si Ken sa kaniya. And she smile back, awkwardly. Pakiramdam niya lalo siyang lumiit sa mga tingin nito o baka naman pangit talaga siya kaya gano'n. God, damn!

Masyado na siyang na pa-praning kakaisip. Mas Lalo pa silang naging close. May binigay sa kaniya ang lalaki. Hindi tuloy siya makapaniwala. Baka kasi pinag ti-tripan lang siya nito dahil halata na may gusto siya sa lalaki. Nanligaw sa kaniya si Ken at walang pag-iisip na sinagot niya kaagad ito.

Bakit niya pa patatagalin? Grab the chance na.

Nang maging sila mas lalong naging sweet si Ken sa Kaniya, 'yong tipong lalanggamin pati ang asin. Hindi rin ito pumapalyang mag chat sa kaniya nang 'Good morning'. Pero ang akala niya ay pang habang buhay ng masaya pero hindi pala.

"Lilipat na kami." Malungkot na saad nito. Tumabi siya rito at mahigpit na yumakap sa baywang ng lalaki. "Wag kanalang sumama sa kanila...please." pakiusap niya rito pero alam niyang masunurin si Ken at ayaw suwayin ang mga magulang.

Niyakap siya nito at hinagkan sa noo. "Babalik ako pangako." Namalisbis ang kaniyang luha. Bakit Ngayon pa? Bakit kung kailan masaya na sila? Kung kailan nakita at natagpuan niya na ang matagal niyang hinahanap?

"Mami-miss kita Ken." Halos ayaw niya ng kumawala sa pagkakayakap dito. "Hihintayin kita." 'Yon ang huli niyang binitawan na salita bago tuloyan itong sumakay ng barko.

Parang mapupunit ang puso niya habang tinatanaw ang papalayong bulto ng lalaki. Nang makarating sila Ken sa nilipatan ay agad na naka tanggap ng mensahe si Via mula rito. "Hi. I miss u. Wag kang mag papagutom Kumain ka ng agahan bago pumasok." Napapangiti nalang siya sa mga text nito.

Mabuti nalang naimbento itong cellphone kaya hindi na sila nahihirapan na kontakin at kamustahin ang isat-isa.

"Tita. Ano na? Nauunahan ka na namin ng mga pamangkin mo samantalang ikaw wala paring boyfriend kahit isa."

"Nako hayaan niyo ako sa buhay ko. Ang alalahanin niyo ang Buhay niyo. "

Tatlong dekada na ang dumaan pero andito parin siya. Naghihintay sa pagbabalik ng lalaking minahal niya ng subra.

"Tita anong laman nitong maliit na kahon?" Tanong ng pamangkin niya. It's a bracelet. Ito Yung binigay sa kaniya ng lalaki. "Lumang luma na. Parang panahon pa'to ni kupong-kupong eh." Komento ng pamangkin sa bracelet.

She's right. Matagal na ito pero ito lang ang bagay na mayroon siya at maaalala mula sa lalaki. Iningatan niya ang maliit na bagay na ito dahil napaka importante nito para sa kaniya.

Pasimple niyang pinahid ang luha. Marahil may asawa at pamilya na si Ken kaya hindi na siya naalalang balikan pa.

The end.

 One Shot StoryWhere stories live. Discover now