CHAPTER 14: The miserable Kingdom of Barovian

17 2 0
                                    

Xeviona's POV.

"Nakapag impake na ba lahat?" Astrid asked while pulling her luggage.

We all nodded at her. Napatingin naman kami sa hagdanan kung saan pababa na sina Vladimir at Xelize.

Nakagabay si Vladimir kay Xelize dahil namumutla ito at parang inaantok.

Kailangan na namin makabalik sa Barovian dahil hindi namin alam kung ano ang ginawa ng matandang iyon kay Xelize.

Nawawalan ito ng lakas habang si Vladimir naman ay nakatutok lang sa asawa niya buong oras, buong araw.

Hindi nito hinahayaang mawala sa mga mata niya ang kaniyang asawa.

"You ready?" Astrid asked.

Sabay sabay kaming sumagot sa kaniya at napagdesisyunan na pumasok na sa kotse.

Apat na kotse ang nandito sa harapan namin.

Magkasama kami ni Vladimir, Xelize, Astrid, Alastair, Xylie, Klyvone, Dark, Apollo, Von and Zarovich.

Sa ikalawang kotse naman ay sina Averlys, Cannix, Avonlea, Hunter, Aphrodite, Eros, Auci, Zakrem, Zalero and Lazaros.

Sa ikatlong kotse ay sina Max, Mason, Mitzie, Mage, Daemon, Godric, Baldazarr, Lurkch, Claud and Niklaus.

Sa ika apat na kotse ay sina Adalee, Macian, Marceline, Mijashi, Malvina, Xavyera, Spike, Rheid and Alexandier.

Si Von ngayon ang nagmamaneho nitong Van na sinasakyan namin, ang katabi naman nito ay si Zarovich. Sa harap naman namin ay sina Vladimir, Xelize, Astrid, Xylie and Klyvone. Kami naman na nasa likod nila, kasama ko sina Apollo.

Tahimik lang ang biyahe namin papunta sa lumang eskwelahan na katabi lang din ng pinasukan namin. Napatingin ako kila Vladimir dahil naririnig ko ang pag uusap nila.

"We are almost there, wife... I promise, hahanapan ko ng paraan para mabalik ang lakas mo..." Vladimir said and kissed the forehead of his wife.

Napabuntong hininga ako at tumingin kay Von. Nakatingin pala ito sa akin. Napaiwas ako ng tingin rito at napatingin sa bintana.

Nagtataka ako at madilim na agad sa labas. Umaga kami bumyahe diba?

"Bakit ang dilim na?" Tanong ko.

Napatingin din sila sa labas at si Apollo naman ay napamura bago tumawag sa iba naming kasama.

"Hey, you guys are okay?" Tanong niya.

"Yeah. Nakakapagtaka lang at dumidilim na ang paligid kung kailan malapit na tayo..." Sagot naman sa kabilang linya, halatang si Lazaros iyon.

"Mukhang masama ito... Iba ang pakiramdam ko... Parang may mali e," saad naman ni Hunter, "diba?" patuloy pa nito.

"Bilisan niyo na lang ang pagmamaneho, naiiwan na tayo. Puro kayo daldal diyaan." Rinig naming sermon ni Xavyera.

She really changed. Mabilis itong mainis. I miss the old Xavyera...

"Malapit naman din tayo. Ibababa ko na, mag ingat kayo, baka may umaaligid na lobo dito." Ang sabi ni Apollo na ang tinutukoy ay ang entrance hallway ng lumang eskwelahan.

Namimiss ko ang eskwelahang ito... Kung dati ang saya pa namin pero ngayon... Nagbago lahat dahil lang sa misunderstanding...

Nabalik ako sa wisyo nang maramdaman ang pagtigil ng sasakyan. Pinatay na din ni Von ang makena ng sasakyan at sinabihan kaming bumaba na.

Agad din kaming nagsilabasan. Dahan dahan kong inilibot ang paningin ko. This place is still creepy...

"Let's go." Zarovich said.

The Vampire King's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon