Xelize's POV.
"How is he?" I asked Astrid.
Nakita ko namang bumuntong hininga ito bago humarap sa akin.
"I, we don't know, Xelize. We are still working this out, ang biglaang pagkawalan ng malay ni kuya ay hindi normal..." naguguluhang sabi nito.
"What do you mean?" Tanong ko sa kaniya.
"What she meant is, it's not just an accident why Vladimir suddenly passed out." Sabat ni Zarovich.
Napatingin naman ako kay Vladimir. Who could be doing this to you? Naguguluhan ako sa nangyayari. Hindi kaya yung nasa panaginip ko ang gumawa sa kaniya nito?
But, I don't have enough information to tell them about that, ni hindi ko alam kung sino ang mga iyon na nasa panaginip ko.
Napaupo naman ako sa tabi ni Vladimir at hinawakan ang kamay nito. Natutulog padin ito at wala sa amin ang may alam kung kailan siya magigising.
Pag nalaman ito ng bayan ay baka magkagulo sila... Napakagulo, naghihinala na ako sa lahat ng bagay, kasama ba ito sa nakita niya?
Pero hindi naman nito nasabi sa akin na mangyayari ito o sadyang hindi lahat ay nakita niya?
"Xelize, may problema tayo..." pag agaw ng atensiyon sa akin ni Xeviona.
"Anong meron?" Tanong ko sa kaniya.
"Nagpupumilit si Eudorah na makita si Vladimir." Pagsagot nito.
Magsasalita pa sana ako nang makarinig ako ng ingay sa labas ng kwarto, hindi ko inaasahan ito.
"Papasukin ninyo ako! Ano ba! Anong problema niyo!?" Tanong nito sa mga nakabantay.
Napatayo naman ako at agad na naglakad palabas.
"Anong ginagawa mo rito?" Nagtatakang tanong ko nang makalabas ako sa kwarto.
"Gusto kong makausap si Vladimir." Ang sabi nito nang ibinaling niya ang tingin sa akin.
"He is still resting, bumalik ka na lang sa susunod." Diretsong saad ko.
"Resting? Why? May nangyari ba sa kaniya o sadyang tinatago mo lang siya sa akin?" Inis na tanong nito.
"Let's say, tinatago. So what? Sino ka ba para gumaniyan? May kayo ba? Baka nakakalimutan mo na ang kausap mo ay ang mapapangasawa nitong hinahanap mo?" May diing tanong ko.
Tinaasan naman ako nito ng kilay na 'kala mo hindi apektado sa sinabi ko.
"So? Magiging asawa ka pa lang, baka nga kinabukasan ay makipaghiwalay na sa iyo si Vladimir." Nakangising saad nito.
"Iyan naman palagi, gusto mo maghiwalay kami. Bakit ba napakadesperada mo? Dahil ba gusto mo siya? Gusto mo na mapasayo si Vladimir? Pinagpipilitan mo yung sarili mo sa isang bampira na hindi ka naman gusto." Sunod sunod na sumbat ko rito.
Humalakhak naman ito ng tawa na parang nagbibiro ako dito.
"And do you think Vladimir also love you? Bakit alam mo ba ang nangyari dito noong wala ka pa sa Barovian? Ni hindi mo atah naitanong kay Vladimir kung ano ang nangyari sa amin noong wala ka!" Ang sabi nito at ngumisi sa akin.
Bigla akong napatahimik sa sinabi nito. Ano nga ba ang meron sila? Napapansin ko din noong dumalaw kami sa bayan ay sila ang palaging pinag uusapan. May sila kaya?
"Natahimik ka ano? Baka kasi niloloko ka lang ni Vladimir. I should be the one who's in your place! Ako dapat ang maikasal sa kaniya, napilitan lang siya na ikaw ang pakasalanan dahil lang sa siya ang sumagip sa iyo dati–naalala mo pa ba na binili ka niya sa sampung bilyon? Oh come on, Xelize. Wake up! Observe everything! I am the one na dapat nandiyan sa position mo! Mas mahal ako ni baby Vladimir keysa sa'yo, remember that!" Ang sabi nito bago padabog na lumayo sa mga nakabantay sa silid namin.
BINABASA MO ANG
The Vampire King's Wife
FantasíaVladimir Devillah, also known as King Vladimir, was a vampire who ruled the Barovian Kingdom and devotedly waited for Xelize, his love, who died as a result of Tanler, the deranged and most powerful wizard. After 60 years, Xelize was brought back to...