ONE

93 3 0
                                    

"Shana! Kayo na ni Lauren next!" sigaw sakin ni Dave.

Andito kami ngayon sa gym at kasalukuyang P.E namin at kami na ni Lauren ang maglalaro.

"Uy! Si Shana kinikilig." Kinikilig na sabi ng mga kaklase ko.

Tinignan ko sila ng masama, pero kahit ganun napapangiti ako dahil sa kilig. "Tumigil nga kayo." Sabay irap ko sakanila. Hindi pa din sila huminto.

Loko tong mga to sarap batukan!

Naramdaman ko namang biglang may kumalabit sakin. May katabi pala ako?
"Shana! Namumula kana!" bulong nito sakin.

Nanlaki yung mga mata ko kaya dali dali akong tumalikod at kinalma ko muna sarili ko. Sa totoo lang kinikilig ako tuwing may activity sa class namin kasi parati kaming partners pag dating sa numbers.Inirapan ko lang siya.

Huminga ako ng malalim at pumunta na sa badminton court. Hindi kami magkalaban. Magkasama kami. Maya-maya ay sinimulan na yung laro.

-

Medyo pagod na ako pero push pa din, kailangan kong ipanalo to. Gusto kong mapansin naman ako ni Lauren kahit papano.

"Mine!" sigaw naming dalawa habang hinahabol yung shuttlecock.

Last thing i knew nakapatong si Lauren sakin. And my world turned to black.

~~~~~~~

Pagmulat ko ay puro puti ang nakikita ko wala akong maaninag. Dahilan para mapabangon ako sa panic at sumigaw.

"Ai! Ayos ka lang?" Narinig ko namang may nagtanong sakin. Napalingon ako dito, nakita ko si Lauren.

Nakita... nakita... nakita...nakakakita ako?

"L-lauren." Utal kong sambit.

"Yes, Ai?" Ngumiti naman eto sakin. Dahilan para umakyat lahat ng dugo ko sa mukha. Nagulat naman ako dahil napasimangot na tila nag aalala.

"W-what?"

Hindi siya nagsalita pero may kinuha siyang panyo sa bag niya at akmang ilalapit ito sa mukha ko. Instinct first, I immediately grabbed hands and twist his arms enough for him to shout in pain. BUT, I didn't broke any of his bones, crush ko kaya ito.

"A-aray! Ai! Kalma ka lang. I-i was about to wipe your nose because it's bleeding."

Dahil nagulat ako sa sinabi niya, binitawan ko naman agad siya at kinapa ko yung ilong ko at oo nga! May dugo.

"I-i'm sorry." Napa-peace sign nalang ako. "Kasi ikaw, hindi mo sinabi agad." Inis kong kinuha yung panyo sakanya at pinunas ito sa aking ilong.

"T-thank you." Pasalamat ko sakanya hindi ko na ibinalik yung panyo. Tumango lang siya.

Pwede na talaga akong mag lagay ng cricket sound dahil sa sobrang tahimik. To break the annoying sound of nothing. I calmed myself first. "Nasan tayo?" tanong ko.

"Nasa clinic, Ai! Okay ka na ba?" Tanong niya pero hawak padin niya yung wrist niya. Napangiwi naman ako, im guilty. Pero kahit pano pala concern din pala siya sakin.

"O-oo." matipid kong sagot. "I-ikaw? Sorry talaga. But I made sure that I didn't break any of your bones."

He chuckled. Namula naman ata mukha ko. "Medyo masakit pero ayos lang. Okay kana pala sige mauna na ako sa classroom." Parang nabasag ako dun ah? Hindi man lang inulit yung tanong at naniwala agad.

Tanging tango nalang nagawa ko tapos umalis na siya. Huminga ako ng malalim, naalala ko kanina nakapatong ako sakanya, iz dat rel? Ayieee em so keleg! Halos magulo na yung clinic bed sa pagulong gulong ko at halos malawayan ko na yung unan kakatili.

Crush kita noon, pero hindi na ngayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon