Shanairah Fuentes
Our new house is not neighbor friendly dahil sobra sa social distancing ang paligid. Yung mga bahay mga 60 meters ang layo. Okay medyo OA, sige nasa 40 lang ganon pero malayo pa din. Ang tagal ko din kayang walang ginawa buong summer humiga lang ako. I deactivated all of my social media accounts, and you're asking why did I do that? Simply because I don't want to stalk Lauren's socmed, and I have books to ease my boredom. Dave and Alvin are always texting me, kinu-kumusta ako nagrereply ako pero hindi lagi. I sometimes intentionally ignore them, not that I don't want to talk to them but I'm really busy reading. Wala din naman kaming pag-uusapang iba kung hindi si Lauren, and hell! I just want to move on from the things that happened to us. Kahit wala talaga Shana? Umasa ka lang talaga. Oo, umasa na ako.
At dahil bukas pa ang pasukan, I decided to have little walk around subdivision na nilipatan namin. Ngayon pa lang ako lumabas ulit matapos magkulong halos buong summer. Nang makita ako ni ate na naka-bihis pang jogging ay ngumiti ito na parang baliw. Siguro masaya siya na makita akong lumabas dahil lagi niya akong pinipilit lumabas at lagi ko rin siyang tinatanggihan.
"Text ka sa 'kin pag pauwi ka na, baka maligaw ka." Pahabol pang sabi ni Ate Lori.
Tumango lang ako bilang tugon at lumabas na ng bahay. Medyo hapon na kaya hindi na mainit. Nagstretching muna ako bago ako mag jogging, nang matapos ay sinalpak ko muna ang earpods sa'king tainga at nagpatugtog ng Fly high by Burnout Syndrome, actually opening song yan ng anime na Haikyuu. Sinimulan ko na mag-jogging.
Mga isang oras na ang nakalipas simula nung nagjogging ako pero hindi ko pa din alam kung saan bandang lupalop na ako napadpad. Feeling ko medyo malayo na yung natakbo ko mula sa bahay. Wow! So much for sight seeing. I am about to call Loriah, when I heard a loud bang dahilan para mahulog ang cell phone ko. Napayuko ako at iginala yung mga mata ko para hanapin kung saan banda nanggaling yung tunog na 'yon. Ngayon ko lang din napansin na pag dumiretso pa ako ay kakainin na ako ng mga puno baka hindi na ako makita pang muli, ayaw ko namang mangyari 'yon kasi magga-gabi na. Nakakatakot kung ano pang mangyari sa'kin.
"Excuse me, are you okay?" Napalingon naman ako sa nagsalita sa likod ko.
Tumayo ako ng maayos at pinagpagan yung damit ko. Tinignan ko muna ito ng mabuti, he has a dreamy eyes and those blue pair orbs can lure you into depths of something magical, he has also refined jaw. I just noticed his hair dyed blue, lalo siyang pumuti. Sa tingin ko ay mas matanda ito ng dalawang taon sa 'kin. Ngumiti muna ako at saka tumango.
"Did I startle you? Natumba kasi yung trash can do'n kasi nabangga ko." Sabay turo niya nung natumbang basurahan na nasa harap ng isang kotse. Napakamot pa ito ng ulo. "Sorry, nagtry kasi akong mag-drive. Are you new here?" Ngiting tanong niya.
Normally, hindi ako kumakausap ng hindi ko kilala. Kaya gano'n ang ginawa ko. Tumango lang ako at akmang aalis pero nagsalita ulit siya. "If I were you I won't go in there." Napalingon ulit ako sakanya, tinignan ko siya ng may pagtataka. "Maraming wild animals dyan and even cannibals." Napatakbo ako papalapit sakanya, nagiginig sa takot dahil sa sinabi niya.
Tumawa naman eto. "Joke lang. I'm Aguero." Inirapan ko siya, iniisip ko kung tatanggapin ko ba yung kamay ng lalaking 'to wala akong tiwala sa kanya. So I decided to just give him a smile, not a friendly one.
Nagsimula na akong maglakad palayo sa kanya, dahil dapat bago magdilim ay makauwi na ako, may pasok pa bukas. Naramdaman kong hindi na niya akong sinundan at kinapa ko na sa bulsa ko yung selpon ko, hindi ko mahanap kung saan. "Shit!" Tangi ko lang nasambit. Napasabunot ako sa aking buhok nang mapagtanto kong nalaglag ko iyon nung napayuko ako. Pabalik na sana ako biglang may itim na kotse ang huminto sa harap ko. Siguro na hit and run na ako kung hindi ako hinintuan. Lumabas naman ang nasa loob ng sasakyan. I saw a familiar face, kanina lang ay alam kong hindi na niya ako sinusundan pa. Papalapit itong nakangiti sa 'kin. "Sa'yo ba 'to?" Saka niya pinakita ang cellphone ko.

BINABASA MO ANG
Crush kita noon, pero hindi na ngayon
Novela Juvenil"Love and infatuation are different. Sometimes we get confused that we love someone but the truth is you are only attracted to them." SHANAIRAH FUENTES confesses her puppy love since third grade for Lauren Stephen Lim before transferring to Maglinch...