Shanairah
"Lauren!" sigaw ko habang hinahabol siya, pero ang bilis niya maglakad. Napapagod na ako dahil kanina ko pa siya hinahabol. "Lauren!" sigaw ko ulit, pero wala pa din. Dire-diretso lang siya wala na akong ibang choice kung hindi pumikit at magbilang,
Isa..Dalawa..Tatlo...
Saka huminga ako ng malalim.
"LAAAAAAAUUUUUUUUURRRRRRRREEEEEEEEEENNNNNNNNN" and viola! Napalingon siya, hindi lang pala siya, lahat ng nasa hallway ngayon ay center of attraction ako dahil sa sigaw ko, lunch pala ngayon kaya madaming tao, pero ano bang pakialam ko? Halos mahilo ako dito dahil hindi man lang nila ako tinulungang pahintuin yung tinatawag ko.
Nakita kong may tinanggal siya sa tenga niya, baka earphones. "Ai?" nung mamukaan niya ako saka siya tumakbo papunta sakin. "Sorry ha?! Kasi naka earphones ako kaya hindi kita agad nalingon sorry talaga. Ayos ka lang?" Habang inaalalayan akong tumayo at umupo sa isang upuan malapit kung saan napaupo ako.
"O-oo. O-okay lang ako." nauutal kong sagot! O my gosh! Bakit ganito yung heart beat ko? Ang bilis. Kinakabahan ako hindi ko alam kung bakit. Waaaaahhh! Ano ba to? Ay mali, syempre kasi kausap ko siya kaya ako nagkakaganito!
"Anong sasabihin mo?" tanong niya.
Ngumiti ako sakanya at yinakap siya. "Lauren....." lumunok pa ako ng ilang beses at nagtatatlong isip pa ako kung yayayain ko siya.
"Bakit?" saka niya ako niyakap pabalik, ano ba yan! #Marupok "What's wrong?" tanong niya ulit.
Putatoness nemen! What's wrong pa tinanong.
"W-wala." saka ko siya tinulak pero hindi malakas. Pumikit ako at binilisan magsalita, "Magkitatayosacoffeeshop." Pagmulat ko ng mata ko ay nakita ko yung gulat niyang reaksyon.
Hanggang sa Friday ko nalang kasi siya makikita malapit na kasi recognition at hindi na ako aabot kasi lilipat na kami, at saka wala naman nang magagalit kasi balita ko wala na sila ni Alyson nakipagbreak si Aly sakanya last week. SAD! BUT I HAVE MY SOURCE!
"Kung okay lang, hindi mo naman kai--"
"Sige. Anong oras?" sabay ngiti niya.
"H-ha?" Narinig ko naman pero gusto ko lang ipaulit.
"Sabi ko sige anong oras ba?" nakangiti pa din niyang sagot.
Syempre ako din napangiti ng malawak kasi naintindihan niya yun. "Uwian." Sagot ko. "May importante lang akong sasabihin." saka ako tumakbo papunta sa room.
"Shana!" napalingon ako sa tumawag sakin. "Congrats." agarang bati ni Dave sakin sabay nakipag apir pa.
Bakit kaya? Napa-kunot noo ako sa pagtataka ko.
"Bakit?" tanong ko, at nanliit mga mata.
"Tignan mo sa Bulletin Board." utos niya sakin. Aba! Inutusan ba naman ako.
Pero wait ano na bang date ngayon? Ah! Alam ko na. "Ibig bang sabihin naipost na yung list ng honor students?" Pagco-confirm ko.
"Yup." saka siya tumango tango at ngumiti ng malawak.
"Pang ilan ka?" excited na tanong ko.
"7 hehe. Di kita inabot gumaling ka lalo."
"Eh ako?"
"Secret! Tignan mo kaya. Inspired ka talaga kay L ha?!" biro niya.
"Inspired? Baka expired na feelings ko." napatawa siya.
"Hala sige! Alis na ako, titignan ko muna yung list. Ge diyan kana nga!" paalam ko sabay takbo papuntang sa labas ng office andun kasi yung bulletin board.
![](https://img.wattpad.com/cover/37969745-288-k583382.jpg)
BINABASA MO ANG
Crush kita noon, pero hindi na ngayon
Fiksi Remaja"Love and infatuation are different. Sometimes we get confused that we love someone but the truth is you are only attracted to them." SHANAIRAH FUENTES confesses her puppy love since third grade for Lauren Stephen Lim before transferring to Maglinch...