TWO

64 4 2
                                    

Shanairah

"Shana! Tulala ka nanaman! Wag kang magalala mahal ka din nun." Napalingon ako sa nagsalita sa likod ko. Nakita ko yung isang lalaking may abot bangs ang buhok, singkit ang mata, medyo matangkad, siya si Alvin mutual friend namin ni Lauren.

"Talaga?" nagliwanag yung mukha ko sa narinig ko, syempre dahil narinig ko yung gusto kong marinig.

"Syempre joke lang yun." napatawa siya agad. Dahil sa sobrang inis ko siniko ko siya sa tagiliran dahilan para mapamura siya at mapahawak sa parteng nasiko ko. Yes, I'm feeling guilty pero sinira niya ang train of thoughts ko.

"Aray!" pagrereklamo niya. "Hindi kana mabiro! Mapanakit ka talaga." Saka siya ngumuso.

"Yan kasi paasa!" sabi ko sabay irap na may kasamang pag-iling.

"Joke nga lang kasi. Mahirap magassume. Sinabihan ka lang ng 'andito naman ako bakit si Dave pa?' may meaning na agad sainyo yun. Tsk tsk. Okay lang yan. Atleast hanggang ngayon di ka padin nakakamove on sakanya kahit na--"

Hindi ko siya pinatapos magsalita. Nagstop hand gesture ako. "Hep! Hep! Wag nang ituloy."

"Oo na! Nakoo! Inlove na inlove ka diyan kay Lauren magmula grade school tayo. At talagang sinundan mo pa siya dito kahit public 'to. Nakoo pagibig nga naman." umiling-iling ito habang pinapat yung ulo ko.

"Hindi ko siya sinundan dito. FYI dito kasi nagaral si ate dati, hindi ko alam na nandito siya. Hindi ako inlove sakanya, okay? Crush ko lang siya." Paglilinaw ko at umirap ako. Pero mukha yatang hindi siya kumagat. Sana galingan mong magsinungaling Shanairah.

"Deny kapa, samantalang nung graduation natin nung grade six tinanong mo kaya sakanya kung san siya mag aaral. Kilala na kita Shana!" saka siya tumawa.

Sisikmurahin ko na sana bigla kaming napalingon ni Alvin sa sumigaw.

"Shana! Alvin!" sigaw ni Dave, napatakbo si Alvin sa pwesto ni Dave, nahalata siguro niyang masisikmuraan siya kaya tumakbo na siya saka siya ngumiti yung ngiting tagumpay.

"Uwi na tayo." Nagmamadaling tawag sakin ni Alvin.

Tumayo ako at tumakbo papalapit sakanila. "Tara na!" Nagmadali akong maglakad.

"Teka Shana," napahinto ako sa paglalakad, "Sabi ng ate mo kanina sakin na pumunta daw muna tayo sa grocery." Saka niya winagayway yung phone niya para malamang nagtext or tumawag si ate sakanya.

Para-paraan si ate, kung hindi ko lang alam na may kuya si Dave na kasing edad niya, iisipin kong pedophile ate ko.

"Bakit daw?" tanong ko.

"Baka dun ka matutulog?" pilosopong sabi ni Alvin. I glared at him, pero tumawa parin lang ito.

"Hindi! May pinapabili sayo si ate Lori." sabi ni Dave, hindi naman niya pinansin si Alvin.

"Nakoo yun talagang babaeng yun. Tara na nga!" pagiinarte ko pero wala din naman akong magagawa kasi ate ko siya, and I should respect and obey her.

Habang naglalakad kami papunta sa grocery. Yup! Lakad kahit magabihan ako pero I don't think that's gonna happen kasi malapit lang naman yung grocery store sa school mga limang kanto. Pero if ever, I have these two to walk me home. Sila lang dalawa yung talagang close ko sa school, every time I remember that I'll be transferring makes me sad.

"So...kailan ka ulit aamin? Malapit na recognition. Two weeks nalang." Dave broke the silence. He has a habit of not staying quiet.

I frowned and shrugged my shoulders.

Crush kita noon, pero hindi na ngayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon