II.

39 1 0
                                    

SHE'S POV

Tatlong araw na akong palakad-lakad. Aktwali nyan,parang probinsya na nga tong nilakakaran ko. Eh tapos may sugat pa ang isa kong paa. Nabubog ako! T_T

Iniisip nyo ba kung paano ako nakasurvive sa tatlong araw na yun?

Ganito kasi yan... simpleng pagpapaliwanag.

MAGANDA LANG TALAGA AKO.

Flashback...

Naglalakad ako sa di ko malamang lugar. Taena kasi! Kung hindi lang sana ako nahuli sa pagbayad ng singkwenta at muntikang reypin ng panotchang Kap namin! >__<

Umupo muna ako sa gilid at humihilab ang tyan ko. Tapos pansin ko lang,medyo liblib na ang lugar na to. Magga-gabi na rin eh!

Napadaan naman ako sa isang bekeri. Kaya napagpasiyahan kong umupo muna. Grabe! Walang-wala talaga ako!

Pero naisipan ko pa ring kapain ang bulsa ko. Hehe,you know.. nagbabakasakali. :D

Nang may makapa akong bilog na bakal! OMAYGASH! May kusing pa ako! Yuhooo! \o^o/

Pagtingin ko,25 cents lang pala. (_ _)

Grabe naman. Akala ko pa naman,makakakain ako kahit isang pirasong putok o pan de coco.

Bakit kasi hindi muna ako tumuloy dun kay Ate Becky? Yung baklang lab na lab ako?! Nakakainis! Ngayon ko lang naisip na pwede pa pala akong makahingi ng tulong! Tumakbo pa ako ng bonggang-bongga!

*krrrr*

Umay! T^T nagwawala na ang sawa sa tyan ko! Hindi to pwede kasi baka mahimatay ako! Sayang ang ganda! Keme lang! ^^v

Hindi ko na napigilan at pumunta ako sa harap ng bekeri. Nakakahiya naman ang suot ko. Pil na pil ko ang pagiging pulubs ah! Ang gus-gus ng damit ko tapos yung tokong ko,okay lang. Pero madumi pa rin.

Nandun sa bekeri ang isang babaeng nakikinig sa radyo.

Paglapit ko,mangiyak-ngiyak yung babaeng nakikinig habang kumakagat sa ensaymada nya. Huhu. Tom jones na ako! Y_Y

Yun pala,pinakikinggan nya sa radyo eh yung nagsasalitang babae na karanasan daw nya.

"Opo. Simula non,I learn to give not because I'm hoping to be gived too. But because I know the feeling of needing help." -hindi ko naman masyadong naintindihan yung sinabi nung nasa radyo kasi nga english. Hehe,you know,#boplaks sa english eh! ^^v

Umiiyak na nga yung ate eh.

Grabe no? Naintindihan kaya nya yung sinabi?

Pero kahit anu pa man,lalapit na talaga ako! Gutom na gutom na ang bayawak,sawa,butiki,palaka,leon,dragon,buwaya at kung anu ano pang laman ng tyan ko.

Kinatok ko ang bakal dun sa bekeri. Baka sakaling maputol ang drama ni ateng at bigyang pansin ang kagandahan ko. Kiber!

*tok tok*

"Ate?" -kinatok katok ko ang bekeri at napansin naman ni ate yun.

"Ha? Eto na ba ang sinasabi sa radyo? Grabe ako mainspire! Whoo! Huhuhuhu. T__T" -tinitingnan ako nung ate habang kumakain ng ensaymada.

"Ate,kakapalan ko na ang mukha ko ha? Kasi eh,nagugutom na ho ako. Pwede po bang makihingi ng kahit kapiraso nalang ng ensaymada mo po oh?" -hehe. Okay lang yan. Makapal naman talaga mukha ko. Tingnan mo nga yung kap namin,sinuntok ko eh. Sabagay kasi sya naman ang naunang gumawa ng katarantaduhan samin.

Nagulat ako ng napaiyak ng tuluyan ang ate.

"Waaah!! Naku! Oo naman! ToT Grabe! Kailangan kong bigyan ang nangangailangan. Sabi nga sa radyo! Oh eto,10 balot ng buns! Iyo na yan. Pantawid-gutom mo hija. Huhuhu. Ang ganda mo naman. Sugurado ka bang pulubi ka? Para kang mayaman! Medyo maputi ka ah. Huhuhu." -hindi mapigil ni ate ang pagiyak kahit nagsasalita pa sya.

Pero waaah *^* BLESSING in DISGAYS ang babae sa radyo! May pagkain akooo!

Hinawakan ko ang kamay ni ate at nagpasalamat ng nagpasalamat.

"Waaah. Thank you po ate! Utang na loob ko ang buhay ko sainyo. Pero ate..." napakamot ako sa batok ko. "May panulak ka dyan? Hehe. Binigyan nyo nga ako ng chibog pero walang panulak."

Napanganga si ate pero binigyan nya ako ng isang bote ng tubig galing sa ref sa likudan nya.

Ngumiti ako ng pagkalawak-lawak at agad na iniabot ang tubig.

"Hehe. Maraming salamat po talaga ate! Hayaan nyo,pag ako naging model,babalikan ko po kayo!" ^______^ Hindi na maialis ang ngiti ko ngayong may kakainin na ako.

Napatawa naman ang ate at kaagad nagsalita.

"Adelaida Cruz ang pangalan ko. #117 Eco Distant Subdivision ako nakatira. Bale,dito yun. Pag naging model ka talaga,o kahit hindi man,wag mo pa rin ako kakaalimutan." -Ate Adelaida

"Opo naman ate! Basta,ipagdasal nyo lang ako na sana maging model na ako! Hehehe"

"Naku siguro kahit naman na hindi ko ipagdasal eh magiging model ka! Ang ganda mo nga. Di man masyado kagandahan ang kutis mo pero yakang-yaka mo na yan!"

Nagkwentuhan lang kami ni ate tapos nagpaalam na ako na uuwi na. Dun kila ate Becky.

End of flashback...

At yun nga! Pero alam nyo ang problema? Uuwi na nga talaga dapat ako pero habang lakad ako ng lakad eh pawala ng pawala ng establisimyento ang nilalakaran ko at habang lakad din ako ng lakad,pagutom naman ako ng pagutom. Grabe nga! 2 balot ng buns nalang ang nasa sa akin eh! Huhu T__T

Pero sa totoo lang,natatakot na rin ako. Paano kung may mga lalaking padaan-daan at naghahanap ng mga biktima nila. Puro pa naman talahiban na dito.

Paano nalang ako makakalaban kung nabubog ang paa ko. Atsaka nanghihina na rin ang mga paa ko no. Hindi naman ako makatulog dahil maraming kung anong insekto ang dadapo sakin. Wala naman akong pantaklob.

At sa wakas.

May natatanaw na akong maraming ilaw sa bandang dulo.

Siguro,marami ng tao dun.

--

SHE'S TROUBLESOME. HE'S MISERABLE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon