IV.

32 1 0
                                    

SHE'S POV

Magsasalita na sana ako pero nagsalita ulit sya.

"Umalis ka! Alis! Malay ko kung klepto ka at akyat bahay! Alis!" -galit na galit na asik nito.

"WAW! Ako akyat bahay?! Mukhang to? Akyat bahay?! Ang ganda ganda ko para mag ober da bakod no! Atsaka alam mo bang kani-kanila lang,muntikan na akong ma-rape. Ibigsabihin non,MAGANDA AKO!" -bulyaw ko.

Ngumisi yung lalaki. Ay! Gwapo! Char!

"Tss. That doesn't mean you're beautiful just because you got almost raped. Wala nalang talagang pinipili ang mga manyak ngayon." -nadugo ata yung ilong ko.

Tumayo ako at pumaywang.

"HOY GAGO! KUNG ALAM MO LANG KUNG GANO KAGANDA ANG NASA HARAPAN MO,BAKA AKUSAHAN MO PA AKONG ARTISTA! PERO HINDI PO! AT PARA RING SABIHIN KO SAYO,DALAWANG BESES AKONG KAMUNTIKAN MARAPE. HINDI KO LANG NAINTINDIHAN YUNG ENGLISH MO PERO KERI NA!" -inis na sabi ko.

"You're now talking nonsense. Pwede ba,umalis ka nalang? Hindi ka pwedeng tumira sa likod ng pick-up ko dahil ginagamit ko pa yan." -matabang na sabi niya.

Umupo ako sa pick up at umiling-iling.

"Hindi. Hindi. Hindi. Hindi! Hindi ko alam kung nasan ako eh! Tapos papaalisin mo ako?! Kaya dito lang ako! Ikaw ang nagdala sakin dito kaya dito lang ako!" -pagmamatigas ko. Aba,ayoko nang malayo pa ng malayo noh! Konting kendeng lang sa lalaking to,siguradong makakabalik na ako.
Ay gaga.. babalik ka pa? Papa yang nasa harap mo. Nako,papakawalan mo pa?

Heh! Gagong konsensiya to! Ano naman kung gwapo?! Yung ugali? Waley?! Wag na uy. -_-

Ngumisi na naman sya at nag 'hah'
"Ako? Ako pa ang nagdala sayo dito? Hey,come to think of it. Sino bang babaeng laboy ang sumampa sa pick up ko ha?"

Napasimangot naman ako sa sinabi niya.

"Heh! Anong laboy? Para sa iyong kaalaman,tumakas lang ako samin dahil minamanyak ako ng kapitan namin! Kaya hindi ako laboy! May bahay ako! Pero barung-barong lang." -sabi ko.

"May bahay ka pala,eh bat di ka umuwi?! Sige na,umalis ka na!!" -pagtataboy pa nito.

"Manong naman! Yun nga ang problema ko! Wala akong pamasahe!"

Napataas sya ng kilay nya.

"So,what are you trying to say?"

"PAKITAGALOG NGA!" -sigaw ko.

Napabuntung hininga naman sya.

"Ang sabi ko,oh anong gusto mong ipahiwatig?" -mahinahong sabi niya.

Napakamot ako sa batok ko.

"Ihatid mo ako. Uy,manong! Isang beses lang! Siguro tadhana to! Ikaw ang maghahatid sakin sa bahay sakaling mawala ako! Kaya ngayon,eto! Nangyari na!"

"What? Tadhana? Insane wowan you are. Hindi kita ihahatid,manigas ka dyan. Kung gusto mo,maglakad ka papuntang barangy hall at don ka humingi ng tulong. Abala ka pa sa mga tao eh. 11 na ng gabi at inaantok na ako. Kaya pwede ba,get out on my pick-up and go to brgy hall?"

"Ang haba naman nun! Tapos may english pa! Hindi mo ba nakukuha ang ibig kong sabihin pag sinabi kong magtagalog ka?! Ibig sabihin nun,hindi ako marunong mag english!" -simangot na sabi ko.

Tinalikuran nalang ako nung lalaki at nagsalita nalang.

"Aalis ka dyan or ipapadampot pa kita? In that way baka may matirhan ka na. Pero sa kulungan nga lang." -sabi niya at tuluyan ng papasok sa pintuan.

"Antipatiko!"

"I know." -sabi niya.

Nakakainis naman yung hulma ng ugali nun! Iparesbak ko yun pag lang nakauwi ako!

Gusto ko nga sanang sundin ang sinabi nyang pumuntang barangy pero tumitibok ang paa ko. Siguro,hihintayin ko nalang ang mga pulis na ipapatawag nya.


Kaso lumipas na ang matagal na oras,wala man lang pulis na humuhuli sa akin. Andito pa rin ako sa likod ng sasakyan nya.

Inaantok na rin ako dahil hindi naman ako natutulog nung lalaboy-laboy ako. Kaya siguro,dito na lang. Baka bukas pa dumating ang mga pulis na yon.

Unti unti na rin akong nilamon ng antok..

--

SHE'S TROUBLESOME. HE'S MISERABLE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon