SHE'S POV
Hingal na hingal na ako!! Shet naman!
Bakit kasi ako binigyan ng isang napakagandang pagmumukha?! T_____T
Kanina kasi,chinachansingan ako nung tomboy dun sa eskenita! Eh napadaan lang kaya ako! Sukat ba namang hawakan ang pwet ko?!
Kaya ayun,hinabol ko sya!
Kaya eto rin,pagod na pagod ako!
"Di pa ako tapos sayong gag* ka! Pag nakita ulit kita ipa-patira kita sa mga tropa ko gag*!!! Mawawala yang pagka-kati ng kamay mo! Ul*l!" -walang humpay kong mura sa kanya.
Pasalamat sya babae rin sya(na may pusong lalaki). Kundi,lahat talaga may latay sakanya!
Bumalik na ako sa eskenitang pinuntahan ko. Bumibili kasi ako ng dugo at isaw manok doon eh! Uulamin ko sana!
Hingal na hingal na binalikan ko ang mga binili ko. Puta,ang sakit ng paa ko!
Sya nga pala,ako pala si Andrea Dolores. 21 yirs old. Dyan lang ako sa kanto nakatira.
Nakatingin ang mga tao sa akin nang bumalik ako sa tindera.
"Oh? Naabutan mo ba si Maan?" -tanong ni Ate Budang. Yung nagtitinda ng barbeque.
"Maan ba pangalan non? Gago yun eh! Paparesbak ko talaga yong gagong yon!" -nanggagalaiti kong sabi.
"Oh. Isaw mo. Ikaw ha? Di kaya mayaman ang pamilya mo? Ganda-gandang bata kung kumilos parang siga eh! Haha!" -ani ate Budang.
Nginitian ko nalamang sya at umuwi na.
Grabe naman,lagi nalang ako nasasabihang maganda.
***
Umagang umaga ay may kumakalampag ng pintuan ng barung-barong ko.
"Putaena naman! Baka masira yung pinto! Plywood na nga lang eh!" -nagmamadali akong pumunta sa pintuan para pagbuksan ang balasubas na gustong sumira ng pintuan ko.
Pagbukas ko,tumambad sa akin ang mukha ni Kap Pit. Talagang kakapit ka sakanya sa sobrang hirap ng buhay.
"Ahehehe." ^______^v.
Shet na! Hindi pa pala ako bayad ng renta!
Oo,nirerentahan pa tong bahay na to! -____-
"Hija! Ano ba yan?! Tatlong araw ka nang hindi nakakapagbayad! Parang singkwenta pesos lang ang babayaran mo eh!" -inis na sabi ni Kap.
Napakamot tuloy ako sa batok ko.
"Ahehe. Kap naman! Parang tatlong araw pa lang eh! Ay! Hayaan mo Kap,didilihensya talaga ako ngayon! Pramis! Yun kasing pambayad eh pinambili ko ng isaw kagabi! Wala akong pagkain!" -pagdadahilan ko dito.
Napabuntong-hininga sya.
At biglang napatingin sakin ng malapot.
O.o?
"Haaay Andy... ok lang naman talagang hindi mo mabayaran eh. Basta ba...isang beses lang oh! Tagal na akong nagpipigil sayo eh! Pramis pagkatapos nito,hinding-hindi na kita ulit sisingilin! Libreng-libre ka na!" -malanding pagkakasabi nito at papasok na sana.
"HEP! Oy gago! Mas okay nang magbayad ng singkwenta noh! Atsaka wag kang makalapit-lapit sa akin! Hayop ka!"Bigla nalang akong sinunggaban ni Kap at napahiga kami! Aba! Chansing na to ah!
Hahalikan nya sana ako sa labi kaso inundayan ko sya ng suntok!
Napabalikwas sya at ako naman ay nagmamadaking lumabas.
Gagong to! Ako pa papatusin!
Pero medyo natatakot rin naman ako kaya tumakbo ako papalabas. Partida wala pa akong tsinelas nyan.
Bigla akong napahinto at babalik sana dahil may mahalaga akong nakalimutan.
Nakalimutan kong bayagan ang panotcha na yon! Para nang sa ganon,hindi sya makaka-score sa asawa nya! Puta sya!
Tatakbo lang ako ng takbo hanggang makalabas ako ng kanto namin.
O___O.
HALA PUTA SAN NA AKO PUPUNTA? HINDI NA AKO PWEDENG BUMALIK DUN SYEMPRE RERESBAK SAKIN SI KAP! WALA PA NAMAN AKONG PERA DITO! T____T
--