VII.

28 0 0
                                    

HE'S POV

Maaga talaga akong nagising para gisingin talaga yung babaeng yun.

Nakakabaliw pala talaga yung ginawa ko. Napag isip-isip kong bakit ko sya pinapasok sa bahay ko? Hindi ko naman alam if she has bad intentions. May mga pretty girls nga diba na ginagamit ang kanilang mukha for bad. I don't know her name,either.

Pero I guess,kung meron man syang kinuha dito sa bahay,madali nalang syang ireplace dahil ang mga valued things ay nasa locked room. Ang gitnang kwarto.

Kaya nga habang papunta ako sa guest room ay inaasahan ko ng wala na sya dun.

Pagbukas ko,andun sya sa carpet at natutulog in a fetal position. Yung dalawa nyang kamay,nakaunan dun yung pisingi nya. Imagine? She looks like a toddler having a nap time.

Natitigan ko rin yung mukha nya. Maganda ang kilay nya. Yung mata nya,singkit pero bilugan. Her nose is not that pointy na ang O.A na pero I can say,matangos. Her lips,hindi pink,hindi rin red. Pale red sya. Pero maganda. Aakalain mo talagang anak-mayaman sya.

Nagulat ako ng bigla syang magising. What a timing?! Ang cliche ng pagkakataon!

Napatayo tuloy ako tapos naupo dun sa kama. Why sht happens anytime? No specific nor intervals.

Tumayo sya tapos nag inat-inat at nagkamot ng ulo. Meron ba syang mga lice?!

"Ikaw ha...malisosyo ka. Tinititigan mo ako habang tulog. Di kaya...gusto mo akong pagsamantalahan?" -lumapit yung mukha nya sa akin dahilan para lumayo naman ako.

Nangunot yung noo ko.

"What are you talking about? Ako pagsasamantalahan ka? Ang lakas talaga ng tiwala mo sa sarili noh? Hindi porque nakita ko ang kabuuan mo ng hindi sadya-" -naputol ang sasabihin ko nang maramdaman ko ang awkwardness. Sht this woman.

Lumayo sya sakin.

"Tss. Binibiro lang kita. Pinaalala mo pa talaga yung nangyari kagabi-na nakita mo. Alam ko namang hindi ka tsismoso kaya naman may tiwala akong wala kang pagsasabihan nun. Sige. Hilamos lang ako." -tinapik nya ako sa balikat at tumungong banyo.

Malumanay lang pala pag bagong gising? Kagabi,sigaw ng sigaw eh.

Kinatok ko sya sa banyo.

"Woman,what's your name?"

Huminto yung gripo tapos nagsalita sya.

"Ano ulit?"

"Anong pangalan mo?"

"Andrea. Andrea Dolores. Bakit? Siguro balak mo na akong ipakulong."

Umiling lang ako bilang sagot. Useless. Nasa loob sya ng banyo eh.

"Nah. Gusto ko lang malaman. Bakit ba? Can I call you Dea? Para maikli."

"Andy ang tawag ng karamihan sakin. Sang lupalop mo naman nakuha yang Dea? Andrea. Andrea ang pangalan ko. Teka,lalabas muna ako ha? Para makapagusap tayo ng ayos." -lumabas nga sya ng banyo.

"Ikaw nga pala,anong pangalan mo?" -she asked.

"Andrei. Andrei Saavedra. Coincidence lang ba to oh ano?
You're Andrea and I'm Andrei. Siguro,para hindi tayo mailang sa isa't isa,we should call each a name. Ako,Dea ang itatawag ko sayo. Ikaw?"

Hinawi nya ang mukha ko.

"Sus. Di na yun kailangan. Aalis naman na ako maya-maya. Siguroo,Andrei nalang. Sya nga pala,thank you sa pagpapatuloy sakin ah. Di ka manlang nagdalawang isip na papasukin ako eh hindi mo naman ako kilala. Aalis na ako mamaya. Ituro mo nalang sakin ang papuntang brgy hall ha? Makakaauwi na rin ako." -nakangiti pa sya habang sinasabi sakin yan.

SHE'S TROUBLESOME. HE'S MISERABLE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon