SHE'S POV
Nang matapos na ako maligo eh deretso labas ako. Hindi ko naman ginamit yung bathrobe kasi...ewan ko lang. Baka makati yan o ano. Malay mo.
"Oh andito na yung mga dam--what the fuck?!"
Halos magulantang naman ang buo kong pagkatao nang makita ko si manong na naglalapag ng damit sa kama.
Homay! Wala akong saplot.
Hindi kaagad ako nakapag react dahil ngumanga nga ako pero wala naman nalabas na salita.
"AAAAHHH!!! BASTOS! LUMAYAS KA NGAYON DIN! LAYAAAAS!" >\\\\< Hindi ko mapigilan yung hiyang nararamdaman ko.
Tumalikod kaagad sya pero hindi pa sya umaalis.
"Didn't I said na merong towel at bathrobe dyan?! Bakit ka lumabas ng naka...uh. N-never mind." -halata ring nahihiya sya sa pangyayari.
"Aaah! Umalis ka na kasi parang awa mo na! Namaalam na nga ang dignidad ko eh! Alam mo bang sa dinami-dami ng nagtangkang chansingan at hubaran ako eh ikaw lang ang taong nakakita nito?! Ugggghhhh!"
Umalis nalang kaagad sya. Hindi lumilingon. Ay subukan nya lang. Babalatan ko sya ng buhay.
Pinilit ko nalang na kalimutan yun at naglakad na para kunin ang damit.
Short lang at isang malaking damit lang yun. Walang panloob.
Napilitan tuloy akong kunin yung bra ko na sinampay ko sa banyo at ang panty kong nilabhan ko. Medyo tuyo na ito dahil mainit sa loob ng banyo. Kinuha ko na rin yon.
Nagmamadali akong magbihis dahil baka bigla na namang sumulpot ang manong na yon.
Pag naiisip ko talaga yon,di ko maiwasang mahiya at mainis! Arrrrgghhhh!
***
HE'S POV
Sht. Sht. Sht. What was that?! Ugh.
Pagkalabas ko ng kwarto—guest room ay nagpunta muna ako sa kitchen to eat some tsaka ko lang naisipang pahiramin sya ng damit.
Di ko naman alam na katatapos nya lang maligo. Pero kahit na katatapos nya lang! Merong towel at bathrobe na pwedeng ipang-takip nya sa katawan nya.
Sinabi ko naman yun diba? Uggh.
Now,I know my little buddy's reached his full. I need to go to bathroom.
Napailing nalang ako nang maisip kong na-aroused ako sa nakita ko.
She has a body. With curves and not so O.A boobs. Her skin is not that pretty but I guess,fair.
Teka lang,napapadalas na ang pag iling ko. Atsaka,dinedescribe ko ba yung nakita ko?! Ugh. Enough of that! I need to go.
***
SHE'S POV
Humiga na ako. Ang lambot ng kama. Ang bango pa.
Dati,pinangarap lang namin magkaroon ng ganito. Pero wala eh. Ang hirap lang ng buhay.
Minsan,iniisip ko,paano kung lumaki ko sa layaw? Baka siguro,hindi ako matapang. Konting kibot,iiyak na ako. Kaya nga nagpapasalamat pa rin ako na kahit laki sa hirap ako,alam kong lumaki akong matapang.
Flashback...
"Tatay! Bili mo ako nito!" -tinuturo ng batang Andy ang isang stuffed toy na kulay blue. Paborito nyang kulay.
Hinarap naman sya ng tatay nya at lumuhod para maging magka-pantay.
"Pasensya na anak. Hindi natin mabibili yan kasi kulang ang badyet natin. Hayaan mo,kapag nakaluwag na tayo bibilhan kita nun." -nakangiting sambit nito at naglakad na sila.
Ang totoo nyan,gusto nang magwala ni Andy sa sobrang lungkot. Bakit hindi mabili ng tatay nya yun? Para maliit na teddy bear lang?
Pero hindi. Hindi sya umiyak. Sa halip,sya ay ngumiti at sumagot ng "opo Papa!" Nakasanayan nyang hindi umiiyak sa kahit na anong bagay. Dahil paalala ng tatay nya,wag na wag syang iiyak sa mga bagay-bagay dahil wala namang magbabago.
Kaya lumaki syang hindi tipikal na bata.
End of flashback...
Napabuntung-hininga nalang ako sa naisip ko.
Ang mga nakaraan ay dapat nang ibinabaon sa limot...
Tumayo nalang ulit ako at naisipan kong bumaba. Chosera lang ako dito. Umeepal lang sa bahay nya at maglilibot. ^^v Syempre mga pards,pano kung may gawing masama yon si manong gago? Alam ko kung saan ako pupunta.
Sa uber laki ba naman nitong bahay na to. O MANSYON na ata,eh baka mahilo ako kung nasaan dito yung ano,yung eto. Ganun.
Una muna,nilibot ko yung taas. May tatlong kwarto. Yung isa,lak. Sarado. Yung isa,may awang pa. Baka dito natutulog yung manong.
Tapos naaalala ko na naman eh noh? Dali-dali nalang ako bumaba at ngayon,para akong nakatayo sa kawalan.
Siguro kung dito ako titira,baka patirahin ko na din yung 10 pamilya doon sa amin. Tapos si ate Becky na kaibigan kong bakla. Kasyang-kasya kami dito.
Pumunta ako doon sa isang pasukang walang pinto. Pagpasok ko,naaninag ko namang may lutuan ng manok,kaldero,syanse,at kung anu-ano pang gamit pangluto ng mga mayayaman. Eto ang kusina. Sa baba,liko sa kaliwa.
Lumabas na ako at deretsong pumunta don sa isang pintuan. Isa pala tong garden. Oh alam ko ang garden. English yan! Hoho.
Uy! Pwede tong sibatan. Pagkinorner na ako dyan,dito lang ako tatakbo at tatalon sa bakod nito. Yakang-yaka yan. Sa baba,liko sa kanan.
Ay gago! Ang lamig!!! Pumasok na ako at medtyo tinatamaan na ako ng antok.
Nagmamadali akong umakyat nang tumama yung sugat ko sa kanto ng hagdan. Ugh. Malas!
Hindi ko na nga napapansin eh tapos tumama pa. Nagdugo tuloy! Ang sakit.
Pero kahit pa man,umakyat nalang ako sa kwarto. Tanda ko naman yun. Pinakadulong kwarto sa kanang bahagi.
Hinugasahan ko kaagad yung sugat ko at naghanap ng kahit gamot man lang. Amoksisilin o betadayn. Pero wala. Ayos lang. May tuwalya dito. Itatali ko nalang para tumigil yung dugo.
Ang labas,pa-ika-ika ako maglakad. Pero ayos lang ulit. Matutulog naman na ako.
Napaka-komportable ko dito sa kama na to. Ang labot para akong lulubog. Pero syempre,mas sanay ako sa manipis lang na pom o di kaya banig.
Paikot-ikot tuloy ako sa higaan. Sa sobrang lambot,hindi na ako makatulog. Naiinis na rin ako.
Kaya ang ending(naks english ulit),sa sahig ako natulog. May karpet naman kaya hindi malalamigan ang kung sinong hihiga. Alam ko yung karpet kasi may ganun sa bahay ni ate Becky. Kaya lang butas butas na dahil kinakalmot ng pusa nilang si Talandi. Eh malandi naman yung pusang yon at maharot kaya bagay ang pangalan nya sakanya.
Ayos. Mas kumportable. Makakatulog na ako nito.
Sa wakas. :)
--