HE'S POV
Tsk. Pagkasara ko ng pinto ay tiningnan ko muna sya sa bintana at wow. Bilib naman talaga ako sa kakapalan ng mukha nya. Who knows na may ganito pa palang babaeng nag eexist. Like,she can't do English. Makapal ang mukha nya. She even said she's beautiful even she's dirty. She's tough. And brave.
Pero aaminin ko,na-a-amuse ako sakanya.
It's 11 in the night and yet she was still there. Nakakabilib lang na kahit anong pagpapaalis ko sakanya,she keeps insisting na ako ang nagdala sakanya dun.
Tinakot ko lang naman kasi sya kaninang tatawag ako ng pulis para umalis sya sa pick up ko pero wala syang tinag. She was still there. Hindi ko nga alam ang number ng mga pulis.
Maya-maya pa'y she laid down again. Mukhang doon pa matutulog ah? Tsk tsk.
Napapailing na lamang ako habang tinitingnan syang nagpapagpag ng sarili nya.
She didn't listen to me. Ang sabi ko,pumunta sya ng barangay at matutulungan sya dun. But hell! Gusto nya pa,ihahatid ko sya! Unbelievable woman she is.
Medyo nagalala naman ako dahil I know,It's a cold night. At baka ginawin sya. Pero ang tigas naman kasi ng ulo niya! Sinabi ngang magpunta sa barangay hall eh!
40 something minutes has passed before I decided to take her in. Nakakakonsensiya if I would let her sleep under a breezy night nang walang heater or something.
Kaya ginising ko sya at pinatayo.
"Hey," -pangangalabit ko sakanya.
"Hmmm" -ano ba to,tulo laway pa. Gross.
"Tsk! HEY!" -sigaw ko atsaka yugyog ng malakas sakanya.
Napabalikwas naman sya ng bangon.
"Ay putanginang bakla to! Asan ang sunog?! Asan?!" -she keeps on tilting her head back and forth.
Ito pa ang isa sa mga kina-a-amuse ko sakanya,lagi syang nagmumura at para sa isang babae,hindi magandang pakinggan pero pag sya ang nagmura,parang normal lang. She's a cowboy-type of girl. Very rare.
Hinawakan ko sya sa balikat.
"There's no fire around,okay? Pinapabangon kita dahil papasukin kita sa loob. You will get cold in here."
Napatingin naman sya sakin in disbelief.
"Waw naman. Ang bait. Parang kanina lang gusto mo pa akong ipapulis. Tss,kung alam ko lang,nandyan yung mga pulis sa bahay mo. Pero manong,hayaan nyo naman muna akong makatulog dito. Handa na akong magpahuli sa pulis bukas. Eh kung pupunta pa ako sa barangay hall,baka muntikan na naman akong ma-rape. Uy,manong ha? Sige." -bigla syang bumalik sa pagkakahiga at pumikit na.
Napailing nalang talaga ako. What kind of woman is this?
"Tsk. Walang pulis. Basta,tumayo ka na dyan 'cause I'll let you in. Kapag hindi ka pa tumayo,tatawag na talaga ako ng pulis. One..."
"Ano ba yan puta! Pinapapasok mo ako tapos tatawag ka ng pulis? Kinokorner mo ako eh! Sabi ko namang,magpapahuli na ako sa pulis!" -naiinis na syang bumangon at nagkakamot pa ng ulo. Funny.
"Two..." -nagbibilang pa rin ako para tumayo na sya. Ang tigas naman talaga ng ulo nito! Aalis nalang sa pick-up amg dami pang sinasabi.
"OO NA ETO NA!!! OH YAN! ANTIPATIKO MO! SINABI NANG BUKAS NALANG EH! PARANG NAKIKITULOG LANG SA LIKOD NG SASAKYAN MO KUNG MAKAPAGPAALIS KA DYAN,KALA MO NANAKAWIN KO! ULUL MO!" -patalon syang bumaba tapos bigla syang napahiyaw.
"AAAAHH!" -hiyaw nya.
Napaupo naman ako sa tabi niya at hinawakan ko ang balikat nya.
"Napano ka?!"
Tsaka ko lang napansin na nagdudugo yung paa nya.
Damn! She's wounded!
"Woman,may I ask where did you got this?" -hinawakan ko ang paa nya. Nainfection na ata dahil may buha-buhangin ang paa nya. Ibigsabihin,nakayapak lang sya.
Tiningnan nya ako ng nagtataka.
"Anong sabi mo?! Hilig mo naman magenglish eh! Sabi nang wala akong alam dun!" -inis na sabi niya.
I sighed. Hindi pala sya nage-english.
"Tinatanong ko kung saan mo nakuha ang sugat mo?" -I patiently ask. Pero actually,patient pa rin ako kahit sigaw sya kung makipag-usap.
Ewan ko ba,na-a-amuse kasi talaga ako sa babaeng to.
"Doon. Nabubog ako. Wala kasi akong tsinelas eh!" -sabi niya.
Eto pa,kahit ang laki ng sugat nya sa paa,hindi sya umiiyak. Brave.
"Tough woman." -pagkatapos kong sabihin sakanya yun ay binuhat ko sya. Bridal style.
Okay,naaawa lang ako. Don't think so stupid.
***
SHE'S POV
Nagulat ako nang buhatin nya ako.
"Hoy gago! Ibaba mo ako! May sugat lang ako hindi ako baldado!" -pinagpapalo ko sya sa dibdib niya.
Impernes,ang tigas.
Hindi niya ako pinansin at tumuloy sya sa bahay nya.
Ang laki ng loob. Tapos ang haba ng upuan nya. Nung bata ako,upuang plastik lang ang meron kami. Pero oks na sakin yun kasi kahit sa sahig,umuupo ako.
Ang dami naming dinaanang kwarto. Umakyat kami tapos dumiretso kami sa isang kwarto at pumasok sa isang banyo.
Doon na ako naalarma.
"H-hoy! Anong balak mo?! Ikaw manyak ka rin pala! Hah! Bakit ba ako napapalapit sa mga manyak?! Lord,ganito ba ako kaganda para parusahan ng ganito? Lord,sorry naman kasi hindi ako nasabihang magbigay rin ng blessing Lord! Huhuhu." -sinasabunutan ko yung lalaki habang nagdadasal. Huhu. Lord. T__T
"Aishh! STOP!" -dumagundong yung boses nya sa buong kwarto at ewan ko lang kung sa iba din. Nakakatakot rin pala tong manong na to.
Tumigil ako. Alam ko yung stap eh. Haha! Kiber lang.
Binaba na nya ako at tumayo naman ako.
"Maligo ka. There's a towel over there. May bathrobe rin. Teka,alam mo ba yung bathrobe?" -umiling lang ako bilang sagot.
"Well,para syang towel pero sinusuot. May ilalapag akong mga damit ko dyan. Go take a shower. Ah,sandali. I'll set your shower warm." -may kinalikot sya dun sa isang pihitan at bumalik na sa akin.
"You may now go to shower,woman."
Nagtataka na naman ako sa sinabi nya. Ano ba to?! Hilig mag english! -_-
"Sabi ko,pwede ka ng maligo."
"Pero...dyan ka lang? Di ka man lang aalis. You kno,pre...preba... anong bang tawag dun? Yung gusto mapagisa ng tao?" -ayan. Haha. Sinubukan ko pa eh no? Wala nga akong alam-alam sa English. Tsaka Pilipinong laking Maynila ako kaya Tagalog ang salita ko!
Bumuntong-hininga na naman sya.
"It's privacy. Wag kang mag alala,aalis ako dito. At saka hindi kita minamanyak. You don't even meet my standards,woman." -sabi niya saka umalis ng pintuan at sinarado yon.Bahala sya sa sinabi niya. Basta ako maliligo lang.
--
Note: Hello po! Happy 65 reads. Haha. Dapat yan,sine-celebrate. Kasi,yan ang starting point! :) Malay nyo lang,haha. XD Keep supporting STHM guys! Lovelots po. Godspeed. :)