SHE'S POV
Nang matanaw ko nga ang dulo yon ay hutanes! Dali-dali akong naglakad. Syempre sakit pa ng paa ko nakayapak lang ako tapos nabubog eh. Ano yun? Tatakbo kaagad ako? Baliw.
Tsk. Nakalimutan ko ring humingi ng kahit gamit na tsinelas dun kay ate Adelaida. Pero wow na sa kakapalan ang mukha ko pag ganun.
Pagkarating ko dun,hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis dahil sa napuntahan ko.
Puro bar ang mga nakahanay sa isang kanto! Baka mas lalo lang mapahamak ang ganda ko! Charing!
Nakakita naman ako ng isang ispeys at doon muna ako naupo. Sino bang mag-aakalang may mga ganito pang puntahan sa isang liblib na lugar. Siguro kaya walang mga masyadong tao dun sa subd. na napuntahan ko ay dahil dito nagpupunta ang karamihan. Syempre,hayahay ang piling nila dito. Lalo na yung mga lalaki. Pagkapasok na pagkapasok pa lang nila,makikita na nila kaagad ang mga nagseseksihang mga babae,na hindi ko kasing ganda sysmpre,na sumasayaw ng naka panty't bra lang. Syempre,magigising ang diwa ng kamanyakan sa isip nila at iisiping chinochorva na nila yung babae,tapos maya-maya lang,lalapit na ang babae at kakandong sa lalaki habang sumasayaw. Paniguradong magiinit na ang ugok at mapapangiting-gago. At,at--
"Hoy Ms!"
"Ay puta!" -napamura ako nang wala sa oras nang may magsalita sa likuran ko.
Pagtingin ko,isang mukhang hitong lalaki at may hawak pang gin sa kamay. Awts,lasing tong gago,mga pre!
"Anong ginagawha moh dihtoh? Gahbih nah ah? Hindih moh bah alahm na marahmihng rehpist dito?" -sabi nito habang pasuray-suray na lumalakad papalapit sa akin.
"Gago! Walang makakareyp sakin dito! Upakan ko pa sila!" -kaso lang,naisip ko din,paano kung marami sila? Eh ang sakit pa naman ng paa ko ngayon.
Nang makalapit na sa akin ang lakaki ay napakunot-noo ito at napatigil.
"Ay teka,pulubi ka ba? Mukha kang artishta ha!" -bulalas nito. Pwe! Talsik pa ang laway.
"Tangina,de sana kung artista ako ngayon,hindi ako namumulubi dito. Eh puta ano ako,mga palabas sa tv? Mga mayayamang tumatakas sa kalaban tapos lalaboy-laboy? Wag ganun,manong! Kalokohan yon! Alis na nga ako. Ambaho mo manong eh! Tsk!" -tumayo na ako at balak na sanang umalis nang haltakin nya ang kamay ko.
"Aray puta!"
"Teka...shan ka naman pupunta? Eh kashashabi mo lang na pulubi ka? Ang ganda mo pa naman baka mapano ka. Halika,ishashama kita sa kondo ko. Marami dung fudsh." -sabi nito sa talsik talsik laway manner. Oha! English yan!
"Pwe! Eh parang sayo nga lang,mapapahamak na ako! Tsaka pwede ba,tarantado! Walang kondo dito! Ulul nito! Tangina mo pag di mo pa inalis ang kamay mo sa braso ko hayop ka,makakatikim ka ng bugbog sakin!" -imbis na hintayin ko pang tanggalin nya ang kamay nya,aba! Ako na no! Nakakabanas ang gagong to!
"Wow. Tapang mish! Halika nga dito at pupugpugin kita ng halik ko." -kinabig ako ni manong pero mabilis ako nakailag at tinadyakan sya sa tagiliran.
"ARAY!!" -sinamantala ko ang pagkakataon at tumakbo pero sa kasamaang palad,hindi ko kaya. Masyado sigurong malalim ang pagkakabubog ko kaya naman ang sakit talaga.
"Ah! Tae!" -daing ko.
Hindi ko namalayang nakasunod na pala si manong manyakol at hinapit ako sa baywang.
"Haha! Ngayon wala ka ng kawala! Naks! Ngayon nalang ulit ako makakatikim ng masarap na putahe at hindi ang asawa kong tigang na!" -ang haba pa ng sinabi nya bago ako bitbitin eh! Kinuha ko nalang yung pagkakataon at agad na umalis sa pagkaka-akap nya.
Lumakad ako ng mabilis at ganun pa din. Naabutan pa rin ako. Pero dis taym(naks ulit),tinadyakan ko na sa bayag ang lalaking iyon at patuloy na naglakad.
Bahala sya umungol dyan sa sakit. Ang tanda na kasi,manggagagahasa pa! -_-
Bilis ang paglakad ko at may nakita naman akong pick-up sa di kalayuan at agad na sumakay doon.
Huhu sana hindi ako makita ng may ari. T__T
Humiga ako at parang makalipas lang ng ilang minuto ay pinaandar na ito ng kung sino.
Huhu. Sana hindi manyakol ang isang to.
At sa katangahan kong taglay,mukhang mapapapunta na naman ako sa isang lugar na hindi ko alam.
***
Nagising ako bigla. Naramdaman ko kasing tumigil ang makina ng sasakyan.
Naginat-inat muna ako hanggang sa..
"SINO KA?! PAANO KA NAPUNTA SA KOTSE KO?!" -tanong ng isang gwapong lalaki sa harapan ko.
Hehe mukhang bagay kami. Kiber lang! :D
--