Chapter 2

1K 69 8
                                    


I know you're here. I know Zeus is here. Nakita ko siya. Di ako nagkakamali. Halos lahat ata ng lalaki dito sinuri ko na, at lahat sila ang tingin sakin baliw. Putaena, naiiyak na ko Zeus lumabas kana! I hold my tears back, nakita ko kasi yung likod ni Zeus. Niyakap ko kaagad ito ng hindi ito makawala.

"Zeus.." Bulong ko sa likod nito, at kahit madaming tao naiyak na ko. E sa anong magagawa ko? Miss ko na si Zeus. "Miss kana ng mga anak natin.."

"Get off me, Miss. What the hell are you talking about?" Pilit niyang tinanggal yung mga braso ko sa kanya. Siya si Zeus, yung minahal ko hanggang sa dulo, yung tatay ng mga anak ko. "Guards, palayo nga sakin to'ng babaeng 'to. Ano kayang iniisip ni Tita Glenda at nagpapasok siya ng baliw dito?"

"Bitiwan niyo ako!" Hinawakan kasi ako ng dalawang guard, Anong nangyayari sa'yo Zeus? Baliw kana din ba? "Zeus, ako 'to si Hera. Di mo ba ako natatandaan?"

"Hindi kita kilala Miss, and for your stupid brain, I'm not Zeus. I haven't seen you before--"

"Sir Eir, pinapatawag na po kayo ni Ma'am Stacy." One guy interrupted, binaling niya ulit sakin yung atensyon niya at sinenyasan niya na rin yung mga gwardiya na bitawan ako na agad naman nilang ginawa. Eir? Siya si Zeus! Not Eir!

"How dare you cried on my coat, you'll pay for this." Inis niyang sabi. Tumalikod na siya ng makaramdam ako ng inis sa katawan ko. Eh punyeta pala to e.

"Hoy kaloka-like ni Zeus! Ang kapal ng mukha mo'ng tawagin akong baliw. Namatay yung boyfriend ko'ng kamukha mo. At kamukha mo lang siya! Yung ugali mo wala pa sa kalingkingan ng kalyo niya. Atsaka, teka, magkano ba ya'ng coat mo at parang gigintuin ang presyo at bawal iyakan? And let me remind you of this, I am the CEO of the MMC Elegant wears, punta ka lang dun at babayaran ko ya'ng coat mo'ng minana mo pa sa lolo mo sa sobrang baduy ng style!" I burst out, leche to'ng lalaking to. Ang yabaaaaaang. Lumapit siya sakin, at halos inches na lang yung layo ng mukha namin.

"Isa lang ang sasabihin ko sayo, Miss. I.Dont.Care." He smirked before he left me. Yung inis bar ko tumodo, kaya hinubad ko yung sapatos ko at ibabato sana sa kanya ng may humawak sa kamay ko.

"Hija, stop it." Pag pigil ni Daddy. Gago yung hangin na yun badtrip.

"Dad, did you see him? He look like Zeus." Sabi ko, kumbinsido pa rin ako na si Zeus yun. Baka kasi nauntog yung ulo kaya nagbago pati ugali kaya nagkaganun.

"Nakita ko hija, pero di ka dapat gumawa ng eskandalo dito. Nakakahiya kay Glenda." Dad whispered. "Tara na, umuwi na tayo."

Pagkapasok na pagkapasok ko ng bahay agad na tumakbo sakin yung mga anak ko. They hugged me very tight. "I miss you, littles." I gave them small kisses on their face and they giggled.

"Aphrodite, may kailangan tayong pag usapan." I said to My sister, bago kami umakyat sa kwarto ko pinatulog muna namin yung kambal sa kwarto nila na katabi lang din naman ng kwarto ko. Atat na atat na kasi akong sabihin kay Aphrodite yung mga nangyari kanina.

"Ano yun, Ate? Tungkol ba kay Kuya Zeus? Nakita mo na naman ba siya? Ate, wala ka ba'ng bagong kwento? Medyo nakakaumay na e." She sighed, nahampas ko naman siya ng di gaanong kalakas. Kailan pa naging manghuhula 'to, aber?

"Gaga." Inis ko'ng sabi sa kanya. "Pero promise, this time totoo na. Hindi na ako nagbibiro."

"Ganyan din sa--aray ko! Para saan yun!?"

"Para sa pag sabat mo dahil di pa ako tapos may side comment kana. Di lang naman kasi si Zeus yung nakita ko e, pati si Mommy. Natapunan pa nga niya ako ng champaigne e." Pinakita ko sa kanya yung stain ko sa damit and she was about to say something ng unahan ko na siya. "Ano, may side comment ka?"

"Wala."

"Niyakap ko si Zeus, at di ko sinasadyang maluhaan yung coat niya. Tapos sabihan ba naman ako ng baliw!? Nakakahigh blood. Tapos ang yabang grabe, over sa yabang. Muntikan ko na ngang mabato ng sapatos kanina e, pinigilan lang ako ni Daddy."

"Baka guni-guni mo lang Ate?"

"Hindi, Aph e, totoo."

"Ate, namimiss mo lang siguro si Kuya. Di ka kasi pumunta sa death anniversary niya e. Yan tuloy nagmumulto na, at sumapi sa ibang tao para takutin ka." She said, "Matagal ng wala si Kuya, Ate, move on, move on din. Kung sinagot mo na lang si Kuya Lux edi sana may father dear yung mga cute ko'ng mga pamangkin."

"Sa tingin mo ganun nga ang nangyari?"

"Oo Ate, uso na ang retoke at botox ngayon. Baka sa sobrang pogi ni Kuya may copy cat na siya."

"No, pag napatunayan ko'ng hindi si Zeus yun saka lang ako titigil. Atsaka tigil tigilan mo ya'ng mga sanib sanib na yan at kaunti na lang mababaliw na ako."

"Celine Lamoreaux lang ang peg?" She kidded. At napaisip naman ako dun. Di kaya totoo yung sinabi ni Cece? "Hoy ate, may anak kana. Sila na lang yung isipin mo. Sinayang mo lang yung dalawang taon na pag hihintay sa wala. Atsaka, bigyan mo naman ng chance si Kuya Lux. Ang tagal mo na yung manliligaw e."

Minsan natutuwa ako dito kay Aphrodite e, napakagaling mag payo dinaig pa si Papa Jack. Minsan naisip ko kung bakit accountancy ang kinuha niya e pwede naman siyang values education teacher. At di ko akalain na tatagal sila ni Percy kala ko mag bre break din yung dalawang yun. Bittermelon, Hera? Pati lovelife ng kapatid?

"Oo na, bibigyan ko na ng chance si Lucusiere. Happy now?" Agad naman umabot yung ngiti niya sa tenga. Niyakap niya ako ng mahigpit at ganun din ako. "Matulog kana, maaga pa yung pasok mo."

"Good night, Ate! Kalimutan mo na yun ha?" She gave me a kiss on my left cheek before she leaved the room. Someone knocked on my door before it opens.

"Hi Hera." Mama greeted. I smiled on her and she smiled too. "May appointment ka tomorrow sa downtown. Dun kasi gaganapin yung photoshoot, di ako makakapunta kaya ikaw na lang yung mag asikaso sa mga models ha?"

"Sige po Mama, good night po." Lumabas na si Mama sa kwarto ko at napasandal na lang ako sa couch. Ang dami ko ng iniisip. Minsan napapagod na yung brain cells ko at hindi na nag fu-function ng maayos. Siguro kailangan ko ng mag delete ng mga memories. Kailangan na kitang kalimutan.

Tanghali na ako nagising, tinamad kasi akong pumasok. Atsaka wala talaga akong balak pumasok. Tinignan ko yung phone ko at meron akong 53 missed calls galing kay Lux. Naghintay na naman siguro to sa wala. Nag asikaso na ako ng sarili ko 1 pm kasi kailangan nasa photoshoot na ako. Pagkababa ko nakaready na ang sasakyan at nagpahatid na ako kay Manong Ben. Tinawagan ko si Lux at agad naman niyang sinagot.

"Hello, Lux?"

"I WAITED HERE FOR YOU. MATAGAL. BAOG NA NGA ATA AKO DITO E! DI MO MAN LANG AKO SINABIHAN NA HINDI KA PAPASOK!" Sa sobrang lakas ng sigaw niya pati ata tao sa labas ng sasakyan narinig siya.

"Kalma. Dinner date tonight?"

"Sure, I'll pick you up."

"Magpapareserve na ako, text ko sayo kung saan, okay?"

"Sige. Mag ingat ka." I-eend ko na sana yung call ng may sabihin pa siya. "I love you."

"I love you too, bye." I end the phone call. Gusto ko na mag move on kay Zeus. At alam ko'ng si Lucusiere lang ang makakatulong sakin. Nag drive pa si manong ng mga 25 minutes bago kami makadating sa downtown.

"Manong Ben, wag niyo na po ako sunduin mamaya." Sabi ko kay Manong Ben at tumango naman siya, umalis na yung sasakyan at naglakad na ako papunta dun sa set up ng photoshoot.

"Hi Ma'am Hera!" Masayang bati ng mga models, I wave my hand to them. Ang ganda ng background ng photoshoot. Eiffel Tower. Dito namin gusto pumunta ni Zeus dati e. Kaso iniwan niya na lang ako bigla.

Napahawak ako sa sing sing ko at sa kasamaang palad dumulas ito at hinabol ko ng biglang umulan. Malas. Nakuha ko na yung singsing ko ng pagtayo ko may nakabunguan akong lalaki. Muntikan na akong madulas ng mahawakan niya ako sa bewang.

"Zeus.."

"For the second time around, I'm not Zeus. Ang ganda mo sana e, tanga ka lang. Atsaka baliw.." Bigla niya na lang akong binitawan dahilan ng pagtumba ko sa sahig.

"Humanda ka sakin! Isinusumpa ko'ng maiinlove ka sakin! Arghhhh!" Sigaw ko sa sobrang inis. Lintik na lang ang walang ganti.

MBMMB II: Forever Is Not EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon