Lily
"What the fuck!?" She said as I arrived at the house with Hera's twins. "Anong pinaplano mo Lily? Bat idadamay mo ang mga bata."
Hindi siya sang ayon sa plano ko na kunin ang mga bata, ako ang nagplano ng lahat, actually wala na ngang plano si Celine na mag higanti. Gusto niya lang makalabas siya ng mental hospital at magpakalayo kasama ako. Pero ako at si kuya Froilan hindi matatahimik hangga't di nababawian si Hera, at tanging mga anak niya ang mga kahinaan niya. For sure nangangatog na ang tuhod ng mga Alonso at Alvarez ngayon.
And surprise bitches, ako din ang nasa likod ng pagpapasabog ng yate kung saan andun si Hera. Hanggang ngayon pinaghahanap pa din siya.
"Who are you? What is your name po?" The girl said with a smile, she asked Celine and Celine lean down to cupped her cheeks.
"I am tita Cece." She replied, "I am sorry if Tita is mad ah? But we can play later, we'll buy some ice cream and toys later okay? Do you like that?"
Natuwa naman ang mga bata at niyakap si Cece. Nagbuntong hininga naman ako at tumingin kay kuya Froilan. "Mahilig siya sa mga bata" He mouthed.
"Let's go to your room first kids and Tita Lily and Tita Cece will talk first." Masaya namang sumama yung kambal kay Kuya at ng nakalayo na sila samin agad naman si Cece tumayo at masama ang tingin sakin.
"Ano ba'ng iniisip mo at dinadamay mo pa sila? Sinabi ko ng ayoko na Lily, I don't want to hurt Hera again, I don't want to repeat the same mistake twice! At lalong magagalit yun sakin pag nalaman niya na kinidnap natin ang mga anak niya." She said in a very calm way, "Aren't you happy that I'm already here?" Nalungkot yung mukha niya dahilan ng pag kirot ng puso ko. Ayokong nakikitang malungkot ang babaeng mahal ko. Pero hindi ako titigil hanggang sa mabawian ko si Hera at ang pamilya niya sa ginawa niya sayo.
"Of course I'm happy Cece," lumapit ako at niyakap siya, "Pero di ka ba masaya na nakuha natin sila? Atin na sila ngayon Cece, ituturing natin silang sariling mga anak."
Nakita ko naman yung saya sa mukha niya, kung di ko masasaktan ang mga anak ni Hera, ilalayo ko na lang ang mga ito sa kanya.
"Really!?" Sagot niya, "Ang tagal ko ng gustong magkaanak and thank you for fulfilling my dreams Lily. Pero paano kung kunin sila ulit sa atin ni Hera?"
"I won't let that happened Ce," I kissed her forehead before heading to the room where the twins located.
Tinitignan ko yung mga bata habang nalulungkot sila, gustong gusto ko ng makita si Hera na mabaliw kakahanap sa mga anak niya. Ngumisi ako bago pumunta sa lamesa para kausapin si Kuya Froilan.
"So what's your next plan?" Tanong ni Kuya at napaisip naman ako.
"Gusto ko'ng lumayo na dito." I replied. "Dalawang taon pa lang ang mga bata at hindi pa nila hahanapin ang mga magulang nila, papalakihin ko sila sa states kasama si Cece."
"Bakit parang nag iba ang plano mo? Akala ko ba balak mo'ng torturin ang mga bata? Is it because of Cece?" He asked and I nod. I want her to be happy, at mangyayari lang yun pag umalis na kami ng bansa.
"Aayusin ko lang ang mga papers ng mga bata at aalis na kami ora mismo." Sabi ko bago tumayo para pumunta sa kakilala ko'ng nag aayos ng fake na passport.
Nag bihis ako ng maayos, di naman alam ng mga tao na ako ang dumukot sa mga bata kaya wala akong dapat ikatakot. Di na ako nagpasama sa ibang guards ni Kuya at ako na lang ang nag drive. Medyo malayo yung pupuntahan ko, pero sigurado naman na maayos agad. Nagtatrabaho siya sa gobyerno at the same time meron din siyang under the table businesses. Lahat naman ng tao sa mundo gago, maski ako, lahat ng ginagawa ko'ng kagaguhan kahit na alam ko'ng mali pero para sa ikasasaya ni Cece gagawin ko.
After a few hours I arrived at my friend's hideout, agad naman ako sinalubong ni Raven.
"Kailangan ko ng tulong mo," hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at sinabi ko na ang sadya ko. Umupo naman siya sa swivel chair niya at pinapakinggan ako habang nagsasalita. "Kailangan ko'ng umalis ng bansa kasama yung girlfriend ko at yung mga anak namin."
"Osige, kailan mo ba kailangan?" Tanong niya habang may pinipindot sa may keyboard ng computer niya, "May bago din kasi akong client na inaasikaso ngayon maya maya ang dating niya."
"As soon as possible, kailangan na namin umalis." Sagot ko.
"Pwede ko naman matapos 'to ngayong gabi, pero willing ka ba maghintay?" Tanong niya at um-oo na lang ako. Pinasulat niya yung details ng mga bata at ni Cece, since kailangan naming maging illegal pinalitan ko ang pangalan ng mga bata. Yung lalaki si Kristoff at yung babae naman ay si Isabelle. Habang si Cece naman ay naging si Mariz at ako ay si Ria.
Habang naghihintay kinocontact ko na ngayon yung pinsan ko na nakatira sa New York. Dun muna kami titira habang di pa ako nakakahanap ng matitirahan. Hindi close si Hera at ang pamilya ko kaya panigurado akong wala silang sasabihin kay Hera, in fact siniraan ko siya simula ng high school kami. Wala akong ginawa kung di ikwento kung paano niya ginawang miserable ang buhay ng isa ko pang kaibigan.
Walang dapat maniwala kay Hera kasi isa siyang malanding sinungaling. Nainis ako at naging matigas yung kamao ko. Ilang minuto lang ay biglang may kumatok sa pinto.
Tumayo naman si Raven, "Andito na yung isa ko pa'ng kliyente, kung gusto mo magtago may pintuan dyan sa gilid dun ka muna."
Bago niya pa man buksan nagtago muna ako sa may pintuang sinasabi niya at nilabas yung baril ko. Malay ko ba kung pulis pala yang kliyente niya diba. Nung nakita niya na nakatago na ako binuksan niya naman yung pintuan.
Hindi ko sila nakikita pero naririnig ko sila.
"Raven, kamusta na yung pinapaayos ko sayo?" Sabi nung lalaki, may kaboses siya...
"Tapos na boss, ready to use na to'ng bago mo'ng driver's license." Sagot naman ni Raven. Nacu-curious ako kung sino yung tao na yun kaya tinago ko sa likuran ko yung baril at bahagyang binuksan yung pinto.
Di ko masyadong maaninag yung lalaki at nung sumandal pa ako sa pinto tuluyan na itong bumukas at kitang kita ko sa mukha niya ang pagka gulat.
"Zeus!?" Sabi ko at hindi pa din makapaniwala sa mga nakikita ko. Cece is not lying.
BINABASA MO ANG
MBMMB II: Forever Is Not Enough
Fiksi RemajaDalawang taon. Dalawang taon akong nag luksa. dalawang taon akong mag isa. Dalawang taon akong umasang buhay siya, tanga kasi e. Bakit kailangan ko'ng maniwala sa sinabi ng babaeng nag tangkang patayin ako? Paano kung, buhay siya at balikan niya ako...