Chapter 3

816 64 6
                                    

COMMENT AND VOTE.

"Ma'am, ayos lang 'ho kayo?" Tanong isang staff sa photoshoot. Tinaasan ko siya ng kaliwang kilay.

"Bulag ka ba o sadyang tanga ka lang? Can't you see? From head to toe, basang basa ako ng ulan tapos ang sakit ng pwet ko kasi bumagsak ako sa semento. Tapos tatanungin mo kung okay lang ako? Ikaw kaya dito!" Sarkastikong sabi ko. Masakit talaga yung pwet ko, seryoso ako dun. Parang nabasag nga yung spinal cord ko e. Medyo OA, Hera.

"Sorry po ma'am, tulungan ko na po kayong tumayo." Hinawakan niya ang braso ko at iniakbay sa leeg niya. Omaygad, di ako makalakad. Daig ko pa ang navirginan. Uww. Sakit.

Iniupo na nila ako at binigyan ng tuwalya. Kinuha ko naman yung phone ko at dinial ang number ni Lucusiere na agad niya namang sinagot.

"Hello?

"Lux, I need you here now. Sa may downtown."

"Anong nangyari sayo? Are you okay? Papunta na ako, saglit lang." In-end niya na yung phone call at ibinulsa ko na ulit yung phone ko.

Si Lux yung tipo ng lalaki na sweet, mapag alaga at palaging andyan pag kailangan mo. Zeus na Zeus yung dating. Hindi niya ako binalewala kahit minsan, isang tawag ko lang sa kanya halos paliparin niya na yung kotse niya para makitang ligtas ako or whatever. Siya yung masasabi ko'ng lalaking perfect para sa isang babaeng tulad ko. Pero hindi ko talaga siya masagot sagot.

Una dahil si Zeus pa din, pangalawa umaasa akong yung mayabang na yun ay si Zeus. Pangatlo, masakit maiwan. Malay ko ba'ng may dala akong malas at gusto akong maging forever alone ni Tadhana kaya never akong nakakatikim ng happily ever after. Pero ang unfair ko ano? Dahil sa mga experiences ko hindi ko mabigyan ng chance yung isang lalaki na hindi pa gumagawa ng katarantaduhan ever since nagkita kami.

"Hera!" Nagmamadali siyang tumakbo sakin at hinawakan ako sa magkabilang pisngi. "God, baby are you alright? Do you want me to take you to the hospital!? Anong masakit?"

"Yung puso ko." seryoso ko'ng sagot. Well seryoso naman talaga ako at walang halong biro. Mas masakit pa yung sakit ko sa puso kesa sakit ko sa pwet. Nakita ko na siya pero hindi niya naman ako matandaan, sad life.

"Sana makatulong." niyakap niya ako ng mahigpit at di ko napigilan at naiyak ako sa damit niya. "Mag move on kana Hera. Andito naman ako palagi e, ako hindi kita iiwan. Pero kung ayaw mo talaga sa akin, I will always be here as your friend."

"Gusto kitang bigyan ng chance, Lux. Pero minsan lang ako mag bigay ng chance kaya wag mo'ng sayangin." hinigpitan niya yung pagkakayakap niya at ganun din ako sa kanya.

"Thank you Hera! Thank you! I promise that you won't regret this." masayang sabi niya sakin bago ako halikan sa noo. Sana nga hindi ako magsisi sa ginawa ko'ng 'to, Lux.

Natuloy yung Dinner Date namin ni Lux sa well known resto malapit sa shooting kanina, pero nagbihis muna ako sa bahay ang dumi na kasi ng damit ko gawa ng pagkakabagsak ko sa ulanan kanina. Pesteng Zeus, humanda ka sakin inamo.

"Baby, anong iniisip mo?" tanong ni Lux. Baby? Ano, sanggol? Sanggol?

"Kailan pa ako naging sanggol, aber?"

"Ngayon lang. I will call you whatever I want Hera. I'm you're boyfriend now." cool na cool niyang sabi.

"Maka baby ka, eh mas matanda nga ako sayo ng dalawang taon." I joked, bigla naman nag iba yung aura niya. "Atsaka sino nagsabi sayo'ng pwede mo ko'ng underin? Baka gusto mo'ng mag break agad tayo."

"Wag ka ngang maingay na mas matanda ka sakin, ang pangit kaya tignan." pabulong niyang sabi.

"Ah kinahihiya mo ako ganern?"

MBMMB II: Forever Is Not EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon