Chapter 10

370 22 16
                                    

Hera's Point of View

Nagising na lang ako sa tibok ng puso ni Eir, ang bilis kasi e parang lalabas na sa ribs niya yung puso niya. Pero habang natutulog siya, pansin ko naman yung maumbok niyang, ugh, stop it Hera!

Ang harot susme! So ayun na nga nung nagising ako sa katotohanang umaga na pala, napansin ko na hindi ako makagalaw masyado kasing mahigpit yung pagkakayakap ni Eir at pagkakahawak niya sa boobs ko. What!?

"Hoy! Umaabuso naman ata ang pagkakasakit mo!?" I tried to recoil from the hug pero sobrang higpit nito, pero nung napatingin ako sa mukha niya nakapikit pa siya pero nakangisi na siya.

"Good morning nurse," He opened his eyes. "My beautiful nurse."

Shet, kalma matres, kalma. Kaya ka nagkaroon ng kambal e. Hinawakan ko naman ang leeg niya para icheck kung may lagnat pa siya at mabuti naman ay wala na.

"Okay kana, that means kailangan ko ng tumayo para gumawa ng paraan para makaalis sa isla na 'to, and you, that's what you supposed to do also." Mataray ko'ng sabi, patayo na ako ng lalo niyang higpitan yung pagkakayakap niya sakin at inches na lang yung layo ng mga mukha namin.

"Hera--" He's about to kiss me when I pushed him away, tumayo na ako at inayos yung sarili ko.

"Stop playing games with me, Eir. Alam ko pinag lalaruan mo lang ako dahil alam mo na anytime kaya ko'ng bumigay sayo dahil kamukha mo yung ex-boyfriend ko. No, you're wrong. Now stay away from me." I said firmly, before Zeus came into my life I am a strong and independent person. Kaya ko'ng i-under lahat ng tao sa school namin before. Sobrang tigas ko kaya lahat natatakot sakin. Wala akong sinisino.

But when Zeus came into my life, he changed me. He's the reason of my weakness. Siya lang ang dahilan kung bakit lumambot na ang matigas na Hera. And Eir is not Zeus kaya kailangan ko maging matigas ulit. Zeus is dead and he's not coming back again.

Nasa dagat ako at sinusubukan manghuli ng isda gamit itong mahabang stick na ito. Patuloy lang ako sa pangingisda, hanggang sa makahuli ako.

"Hera." Eir called me and I raised my brows at him. "I just want to say sorry for being a jerk a while ago, and thank you for taking care of me last night. Pwede ba akong bumawi sayo?"

Inilabas niya yung kamay niya na may dalang mga prutas at napa heart shape naman agad ang mga mata ko. Tinignan ko yung mukha niya at baka pinagtritripan niya lang ako pero hindi mukhang sincere naman siya sa pag sosorry niya.

"Hmm, walang lason yan?"

"Of course not." He smiled again. O dahil cute naman siya sige okay na bati na kami. Lumapit ako sa kanya at kinuha yung mga prutas.

Tinulungan ako ni Eir magset up ng ihawan para maihaw namin itong isdang nahuli ko kanina. Pagabi na din, ang bilis ng pagdaan ng araw parang kanina sunrise pa lang ngayon pa sunset na. Nakaharap ako sa may dagat habang nanunuod ng sunset at habang binabantayan yung niluluto ko. Nag eemote ako ng maramdaman ko na may nilagay si Eir na tela sa likod ko.

"Malamig na mamaya baka lamigin ka." Sabi niya at umupo sa may tabi ko. "Ang lalim ng iniisip mo ah, sila Ares ba yan?"

"Wala naman akong ibang iniisip kundi sila lang. I miss them so much." Nagsisimula ng mamuo yung mga luha sa mga mata ko.

"Hera, if you wouldn't mind, pwede ko ba'ng itanong kung anong kinamatay ng dad nila?" Napalingon ako sa kanya at napatitig ng sabihin niya, "I'm just curious, pero kung hindi okay---"

"Car accident." Sagot ko, napatingin ako sa malayo bago magsalita ulit. "Nakidnap ako ng pinsan niya nung araw na yun, at sinundan niya ako hinanap niya kung asan ako. Nakatakas ako sa kamay ng pinsan niya at bumalik sa bahay, pero nung mga oras na yun umalis na pala siya. Hanggang ngayon sinisisi ko yung sarili ko sa pagkamatay niya."

"For sure he did that to save you." Sagot niya, "That only means he'll do everything, he'll give everything just to save you."

"Si Zeus," I sighed, "He's the sweetest person I've ever met, napaka caring, napaka maaalalahanin, lahat ng hinahanap ko sa isang lalaki sa kanya ko lang natagpuan. He's not perfect but he's the only one I want. But I guess he's not the one for me kaya kinuha agad siya ni God sakin."

Hindi ko na napigilan at napaiyak na ako. Agad agad ko'ng pinunasan yung mga mata ko, "Mahal na mahal na mahal ko si Zeus, at kung buhay ko lang ang magiging kapalit para bumalik siya ibibigay ko."

"Hera... I'm really really sorry kung di naging maganda yung start natin, hindi ko alam na ganun ang nangyari sa kanya. I'm sorry." He apologized, lumapit siya sakin at niyakap ako. "Mali ka na pinagkamalan mo ako na siya, he's perfect, but me? Wala akong ibang ginawa kung di saktan ka."

Hindi ako nakapagsalita, hindi ako umalis sa mga yakap niya. Ngayon ko na lang ulit naramdaman to'ng ganito, yung feeling na safe na safe ako na kay Zeus ko lang naramdaman. This is the perfect moment for me, ang sarap pagmasdan yung lumulubog na araw habang yakap niya ako.

"Oh tara na Hera kain na tayo, lutong luto na yan oh." Tinanggal niya na yung mga yakap niya at kinuha yung isda na iniihaw namin. Ako yung nag himay ng isda dahil hindi siya marunong. Ano ba namang aasahan mo sa isang milyonaryo diba?

After namin kumain tumambay muna kami sa tabing dagat nag chikahan, nagtanungan ng mga likes and dislikes, parang nag gegetting to know each other. Ganern. Hanggang sa lumalakas na din yung alon kaya bumalik na kami sa kweba na tinutulugan namin.

Pero habang naglalakad pabalik may nakita akong isang kumikinang na bagay na inaalon sa tabing dagat. Agad agad ko itong kinuha para icheck kung ano ito, at nakita ko ang isang picture frame. Hindi ko maaninag ang litrato kaya naisipan ko na sa kweba na lang ito tignan.

"Eir tignan mo may nakita ako baka sa'yo--" napatigil ako sa sinasabi ko ng tignan ko yung frame na hawak ko. Nasa loob na ako ng kweba at may apoy na nagbibigay ng liwanag sa amin kaya imposibleng namamalik mata ako sa nakita ko.

"Yeah that's mine." Kinuha niya yung frame at pinagpagan. "That's my mom and my dad."

At yung nasa picture na yun ang mommy ko at daddy ni Zeus na matagal ng patay.

MBMMB II: Forever Is Not EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon