Chapter 4.

785 66 12
                                    

Inilayo nila sa akin si Celine, hindi man nila inalam kung anong mararamdaman ko kapag inilayo nila sa akin yung pinakamamahal ko'ng tao. Hera, ikaw naman ang magdudusa ngayon. Hindi ko hahayaang sumaya ka, gagawin ko'ng miserable ang buhay mo tulad ng ginawa mo sa buhay ko ng ilayo mo si Cece.

"Miss sino po'ng dadalawin niyo?" tanong ng isang nurse, nasa Mental Hospital ako kung saan naka-confine si Cece. Kukunin ko na siya, ibabalik ko na siya sa masayang buhay na dapat niyang nararanasan ngayon. Dalawang taon na siyang mag isa. Ngayon na yung araw na makakawala siya sa miserable niyang buhay.

"Celine Lamoreaux." nagsimulang maghanap yung babae sa computer.

"Ka ano ano niya po kayo?"

"Kaibigan."

"Mark, samahan mo si Miss sa Room 108." utos niya doon sa lalaking nakaputi din. Naglakad na siya at nakita ko sa mga selda yung mga baliw, hindi dapat nandito si Cece! Hindi siya baliw! Nang nasa hallway na kami at walang tao kinuha ko yung panyo ko na may pang patulog at dumikit ng konti sa lalaki. Inilagay ko ito sa ilong niya, nagpupumiglas siya pero kalaunan ay nakatulog din siya.

Hinila ko yung lalaki papunta sa isang kwarto at hinubaran, nag hubad na din ako. Pinagpalit ko yung suot namin at kinuha ko yung Id niya. Mga ilang oras din siyang makakatulog kaya magagawa ko ng maayos yung plano ko. Naglagay ako ng face mask at nag simula ng mag lakad papunta sa kwarto kung na saan si Cece.

Miss na miss ko na siya, walang araw na hindi ko siya inisip. Makakawala kana, Ce, magkakasama na ulit tayo. Hindi kana babalik dito, ipinapangako ko.

Itinapat ko yung ID sa sensor at agad naman bumukas ang bakal na pintuan. Pumasok na ako, at dahan dahan isinarado yung pinto. Nakatulala lang siya, naiiyak ako sa kalagayan ni Cece. Humanda ka sakin Hera, pagbabayaran mo ito!

"Celine?" tawag ko sa kanya, dahan dahan akong lumapit sa kanya at agad niya akong niyakap. Niyakap ko din siya ng mahigpit.

"Alam ko'ng dadating ka! Alam ko'ng hindi mo ako papabayaan Lily!" maiyak iyak niyang sabi.

"Hindi ko kayang mabulok ka dito sa kwartong 'to, Cece. Gaganti tayo, ha? Pagbabayarin natin sila sa mga ginawa nila sa'yo." hinawakan ko yung magkabila niyang pisngi, kitang kita sa mga mata niya yung saya na nararamdaman niya ngayon. "Kailangan natin magmadali,"

Hindi na ako nag aksaya pa ng panahon, inilabas ko na ng kulungan si Cece. Dadaan kami sa may Fire Exit kung saan may naghihintay samin. May nakasalubong kaming doctor kaya lalo ko'ng binilisan yung lakad ko, pero bigla niya kaming tinawag.

"Nurse, saan mo dadalhin ya'ng pasyente?" tanong nito, hinigpitan ko yung kapit sa braso nito at umakmang galit.

"Dadalhin na po siya sa kabilang hospital, sabi po ng mga kamag anak niya."

"Ah ganon ba, bakit ikaw lang mag isa?"

"Harmless naman po yung pasyente kaya--"

"Tumatakas sila!" sigaw ng nasa likod namin. Tumakbo na ako at tinulak yung doctor, umakyat kami sa isang hagdan at lumiko. Ang daming humahabol samin, kaya hindi na ako makapag isip ng maayos. Medyo malapit na kami sa Fire exit pero sobrang dami nang security guards na nasa harapan namin. Dead end na.

"Ibalik mo na yung pasyente miss kung ayaw mo'ng ikulong ka din namin dito!" sigaw ng isang security guard. Ibibigay ko na sana si Celine ng tapatan niya ako ng syringe sa leeg ko.

"Cece--"

"Ano hindi kayo lalayo!? Hindi niyo kami papadaanin!? Papatayin ko itong babae na 'to!? Hahahahaha." tumawa pa siya na parang nasasaniban. Alam ko'ng hindi ako kayang saktan ni Celine, kaya nag inarte na lang din ako.

MBMMB II: Forever Is Not EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon