MEÍRA'S P.O.V
"Yes po ma. Opo mag-iingat po ako. Opo ma kayo rin po." Sagot ko sa mga paalala ni mama sa akin habang nakikipagvideo call sa kanila.
"Basta anak wag na wag kang sasama kahit kanino ah wala kami jan ng kapatid mo para bantayan ka." Naluluhang saad ni mama sa akin. I'm really lucky to have her as my mother.
"Miss you so much ate.. ilang months ka palang jan pero feeling ko parang ilang taon kana namin hindi nakakasama." Naluluhang saad ng napakacute kung kapatid.
"Aww don't cry na baby mama will cry too, sige ka papangit ka niyan." Biro ko sa kaniya.
"Ang cute ko parin kaya kahit umiiyak." Nakanguso niyang saad sa akin na ikinatawa ko naman.
"Oo na cute na wag kana umiyak. Palagi naman ako tumatawag ah kaya parang kasama niyo lang ako."
"Ehh... nakakausap ka nga namin but physically napakalayo mo sa amin." Saad naman ni Ella na naluluha na naman.
"Promise uuwi ako jan sa bakasyon."Nakangiting saad ko sa kanila.
"Really ate!!?? Yeheyy!!" Masayang saad ni Ella na tumatalon-talon pa sa subrang tuwa.
"Totoo ba anak?"Nakangiting saad ni mama.
"Opo mama, uuwi po ako jan sa bakasyon." Nakangiti kong sagot kay mama dahil sa tuwa na nakikita ko sa mga mata nila habang nakikipag-usap sa akin.
"Kaya huwag na kayo malungkot ok? Nalulungkot ako kapag nakikita ko kayong nalulungkot eh." Nakanguso kong saad sa kanila.
"Opo ate, excited na ako makasama ka." Ella said cheerfully. I chuckled because of her cuteness.
"Magpaalam kana kay ate baby kailan na niya magpahinga may pasok pa siya bukas." Malambing na saad sa kaniya ni mama habang nakangiti.
"Sige na anak magpahinga kana alam kong pagod ka sa skwela. Yung mga bilin ko sayo ah huwag mong kalimutan." Tumango-tango lang ako habang nakatingin sa screen na parang bata na pinapangaralan ng magulang.
"Opo mama ko. Mag-ingat din po kayo jan ni Ella ma. I love you mama and baby ella, goodnight." Masayang paalam ko sa kanila bago pinatay ang tawag.
Tumayo ako sa tapat ng railings at dinadama ang bawat pagdampi ng malamig na hangin sa aking balat, habang nakatingin sa mga ilaw na nagmumula sa mga building at mga sasakyan sa baba.
Tuwing gabi dito ako tumatambay bago matulog, magandang tanawin at malamig na simoy ng hangin na nakakapag-patanggal ng pagod ko. Pero minsan hindi ko rin maiwasan mag-isip na parang may nanunuod sa akin mula rito o baka nagiging praning na naman ako sino naman ang manunuod sakin dito.
Hindi sa nagrereklamo ako pero minsan ang cringe ng dorm na ito kasi feeling ko may tumatabi, humahaplos o kaya naman may humahalik sa akin tuwing gabi. Nakwento ko na rin sa mga kaibigan ko na baka may multo dito sa dorm pero tinawanan lang nila ako at baka naghahallucinate lang ako. Ganon naman diba talaga? karaniwan sa mga dorm eh may multo dahil sa mga studyante na nagsusuicide. After ng ilang minutong pagmumuni-muni sa labas ay pumasok na ako para magpahinga.
"Goodnight love." Mahinang bulong sa tainga ko at marahang pagdampi ng halik sa pisngi ko.
Napabalikwas ako ng higa ng marinig ko ang malakas na tunog na nagmumula sa alarm clock ko. Nakapikit ang aking mga mata habang hinahanap ng aking mga kamay ang alarm clock sa table.
Ang sakit ng katawan ko at feeling ko isang oras lang yung tulog ko kahit na 11pm palang tulog na ako. Parang ayaw kong pumasok ngayon pero bigla kong naisip sila mama at ella kaya pinilit kong bumangon at maghanda.
![](https://img.wattpad.com/cover/306177635-288-k870886.jpg)
YOU ARE READING
HER OBSESSION|(GXG)
Любовные романы☆[Taglish-GXG] Meíra Lillie Carter. Hindi man kompleto ang pamilya, masaya naman itong namumuhay kasama ang kaniyang ina at bunsong kapatid nito sa probensya. She's a delightful person, she is the life of the party and impresses everyone she meets...