MEÍRA'S P.O.V
"GO BABY MEÍ"
"MEÍ-MEÍ ANG GANDA MO"
"MEÍRA YOU'RE SMOKING HOT"
Nahihiyang napayuko ako dahil sa mga naririnig ko mula sa ibang mga studyante na nanunuod sa practice namin ngayon dito sa volleyball court. Kahit practice palang marami paring nanunuod sa amin mula sa ibat-ibang department.
Pangatlong araw na namin ngayon na nagpapractice para sa nalalapit na sportsfests na gaganapin nextweek at isa ako sa mga nakapasok sa tryouts. Although may alam ako sa paglalaro ng volleyball hindi naging madali ang pinagdaanan ko sa tryouts, talagang hinasa ng mga seniors kaming mga freshmen.
Ginawa ko talaga ang best ko para makapasok sa tryouts ng volleyball para masiguro ko ang scholarship ko dito, though kaya naman kahit walang extracurricular activities para masecure yung scholarship ko, mabuti na yung sigurado dahil kapag may naibagsak ako na kahit isa sa mga subject ko automatic na matatanggal ang scholarship ko. Hindi basta-basta ang paaralan na pinasok ko kaya pati mga extracurricular activities hindi ko pinalampas.
"Ok guys let's take a break." Natigil ako sa pagpalo ng bola ng marinig ko ang malakas na pito at ang pagsalita ni ate Kendra mula sa kaniyang lapel.
Si ate Kendra ang team captain ng volleyball namin kaya hindi na ako magtataka kung bakit hindi naging madali ang pagpasok namin dito sa volleyball team. Subrang higpit niya pagdating sa ensayo namin kahit kaunting pagkakamali mo lang ng pagserve ng bola sisigawan ka na niya may mga ilan pa nga na umiyak at nagwalk out palabas ng gym dahil sa pamamahiya ni ate Kendra. Hindi rin ako nakalampas sa pamamahiya niya pero ok lang sa akin dahil sanay na naman ako sa mga ganiyan noon. And hubby ko talaga ang paglalaro ng volleyball kaya ingat na ingat ako sa pagseserve ng bola para lang hindi magkamali.
"Ang galing mo babe." Tuwang-tuwa na saad ni Alex sa akin sabay abot ng tuwalya ko. Niyaya ko si Alex magtryout no'ng nalaman ko na marunong din pala siya maglaro ng volleyball, kaya pasok rin siya sa team. Ngumiti ako at kinuha iyon para punasan ang pawis na pawis kong katawan.
"You played so good Meí!!" Tili ni Livey sabay yakap sa akin. Isa si Livey sa mga kateam mates ko at 2nd year college na siya sa kursong medicine.
"A-ah thank y-you." Utal kong saad sa kaniya dahil naiilang ako sa pagiging clingy niya hindi ako sanay.
"And you're hot while playing." Manghang saad naman ni Jessel sabay yakap rin sa akin pagkabitaw sa'kin ni Livey. Napasinghap naman ako nang dumampi ang labi niya sa leeg ko.
"A-ahmm ate pawisan po ako, m-mabaho po ako." Nahihiya kong saad sa kaniya. 3rd year college na siya kaya tinatawag ko siyang ate. Nakakahiya sa kaniya baka nangangamoy ako.
"You're so cute. You're not mabaho naman don't worry." Natatawa niyang saad sabay pisil ng pisngi ko. Nahihiyang napangiti na lang ako sa kaniya bago siya nagpaalam sa amin.
Kaliwa't kanan naman ang natanggap kong papuri sa mga kaibigan ko. Nandito silang lahat maliban kay Gabrielle na hanggang ngayon hindi parin nahahanap. Kung nasaan man siya ngayon sana ligtas siya. Nagkwentohan muna kami ng mga kaibigan ko bago nagsimula ulit kami sa pag-iensayo. Inilapag ko sa bench ang ginamit kong towel pati ang tumbler ko bago pumunta sa gitna ng court.
Ibat-ibang mga tricks at mga payo ang sinabi sa amin ni ate Kendra bago natapos ang nakakapagod na practice namin ngayong araw. Hingal na hingal ako habang nakatukod ang dalawang kamay sa aking tuhod habang hinahabol ang aking hininga.
YOU ARE READING
HER OBSESSION|(GXG)
Romance☆[Taglish-GXG] Meíra Lillie Carter. Hindi man kompleto ang pamilya, masaya naman itong namumuhay kasama ang kaniyang ina at bunsong kapatid nito sa probensya. She's a delightful person, she is the life of the party and impresses everyone she meets...