Chapter 6

358 18 3
                                    

MARK'S POV

Halos lahat ng tao nagsigawan nung inannounce na nalalabas kami. Unang lumabas samin si Jackson-- mahahalata mong nagpopose ang loko kunyari pa cool hahaha

Sunod sunod na kaming lumabas. At nung kumpleto na kami sa red carpet hindi magkamayaw ang pagkuha samin ng pictures halos mabulag na nga ako.

Pero ang hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit ako nag aegyo

Parang tanga! Bakit ko ba ginawa yon?

Tinignan ako ng nakakaloko ni Bambam na parang sinasabi niya na 'Hyung~ good job!'

Tch.

Muli ulit akong ngumiti ng simple.

Tingin sa kanan, kaliwa

--- at harap. Si Vestigium nakita ko.

Napaka catchy ng itim nyang hood at itim nyang mask pero bakit siya nandito. I mean, reporters lang ang pwede dito sa red carpet.

Hindi nya ininda ang kakulangan niya sa tangkad para lang makakuha ng pictures namin.

Ang kyut lang dahil tumatalon talon pa siya haha.

Nag try pa siyang lumapit pero laking gulat ko ng tinulak siya nung babae sa gilid niya

Napabalikwas ako---

Hindi lang pala ako dahil pati si Yugyeom at JB nakita din ang pagbagsak niya.

Gusto kong lapitan siya kaso napaka imposible.

Sinenyasan na kami para bumaba ng red carpet dahil turn naman ng ibang groups.

Sana okay lang siya.

Yugyeom's POV

Nakita ko yung pagbagsak ni noona at alam kong masakit yun! Bakit hindi man lang siya tulungan nung babae! Grabe kawawa si noona ㅠㅠ

Lumapit ako kay Jackson hyung kasi gusto kong magpasama kay noona

"Hyung~ samahan mo ko! Kailangan ako ni noona!!"

Napakamot naman ng batok si hyung sakin "Gyeomie! Adik ka ba? Gusto mong maturpit ni Manager hoon? O baka gusto mo ng hadduken ni JB?"

"EHHHHHH HYUNG! KAILANGAN NIYANG MADALA SA CLINIC BAKA DI MAKALAKAD SI NOONA!!!" Konting pilit na lang yugyeom. Kaya ko to.

"Ay nako! Nakaka stress ka yugyeom! Dun ka kay Mark!!!"

Iniwan ako ni Jackson hyung doon pero lumapit sakin si Mark. Siguro narinig nya ang pangalan nya na binigkas ni Jackson hyung.

"Hyung....." malungkot na sabi ko

"Bakit ano ba yon?"

"Hyung kailangan ako ni noona~ alam ko naman na nakita mo yun e"

Naghikab si mark hyung "haaay maknae~ kaya na niya sarili niya"

Tinapik tapik ako ni Mark hyung pero hindi pa rin talaga ako mapalagay. Nag aalala ako kay Noona : (

"Hyung! Fansite mo yun! Pero di ka man lang ba nag aalala para sakanya?"

"Alam mo Yugyeom, mahirap kung lahat ng fansites natin aalalahanin natin. Kapag nag alala ka sa isa dapat mag alala ka rin para sa lahat. Oo nandun kana. Dapat mag alala tayo para sa mga fans natin. Pero Maknae. Isa lang tayo. Mag wish na lang tayo na sana okay lang sila. Yun lang."

Tama si hyung.

Napayuko na lang ako. Pero nagulat ako ng may tumapik sa balikat ko mula sa likod.

Jaebum hyung?

"Kayong dalawa. Wag na kayong mag alala. Sigurado akong okay na siya"

Ngumiti si hyung at iniwan kami ni Mark hyung na nagulat.

Paano niya nalaman na si Vestigium noona ang pinag uusapan namin? At paano siya nakakasigurado na okay na si noona?

"Tch." Sabi ni mark hyung at umupo sa sofa at natulog.

ㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡ

JI EUN'S POV

Nasa medics booth ako ngayon. Kasi tinitignan nila yung bewang ko. Nagtataka nga ako dahil alam ko pang idols lang tong ganitong medics. Iba yung pang fans.

Alam kong parehas kami ng iniisip ni Kana. Parehas din kaming nalilito at walang alam.

"Maam. Eto po ang tubig tsaka pain killers. Inumin nyo po yan para mawala yung sakit." Sabi sakin nung isang kuya. Kaya inabot ko yung bottle water at yung gamot

"Kuya, pwedeng magtanong?" Nacucurious na kasi talaga ako

"Of course ma'am"

"Di ba pong pang idols lang po kayo? Hindi naman po ako idol e. Fan lang po ako" sabi ko pa sakanya

Mukhang naintindihan niya naman ako "ah~ may lumapit kasi samin na lalaki. Mukhang idol siya base sa make up niya."

WAAAAAAT IDOL? LALAKI? SINOOO?!?!?!

Nagkatinginan kami ni Kana omg

"Kuya!! Idol po? Kilala nyo po ba?"

Nagulantang si kuya sakin dahil sa pagsigaw ko. Aba ang feels ko hindi matatahimik kapag hindi ko nalaman kung sinong IDOL yun!!

"Nako. Hindi e. Hindi naman ako pamilyar sa mga mukha ng idol."

Napasimangot naman ako. Huhuhuhu

"Describe nyo na lang siya kuya pls" hindi talaga ako matatahimik

"Matangkad, maputi"

"YUN LANG KUYAAAA?!?!?!" Npakaganda ng description ni kuya-- nakakaiyak! Halos lahat ng idol, maputi at matangkad jusko!!!

Inakbayan ako ni Kana "ahahaha kuya pasensya kana! Mukhang malala yung tama neto sa bewang! Sorry po!"

Hinila na ako palabas ni Kana sa tent ng medics at hinarap niya ako sakanya "Oy babae! Grabe ka kay Kuya! Naninigaw kapa!!"

"Hindi ako matatahimik kapag di ko nakilala kung sinong idol yun!"

Kapag namatay ako, baka di pa ako makapunta ng langit dahil baka hanapin ko pa rin yung idol na yon. Baka maging wild ghost ako : (

"Tange ka talaga! Baka mali lang si kuya! Ano ka ba tumingin ka sa paligid bilis!!!" Sabi ni Kana kaya tumingin naman ako.

Okay maraming tao, puro fans. Anong meron?

"Oh ano naman yon?" Sabi ko sakanya

"Maraming fanboy dito na matatangkad at mapuputi! Marami ding mga staff na ganon din! Kung titignan mo si kuyang medic, mukhang wala talaga yun alam sa kpop. Trabaho lang kaya yun nandito! I'm sure nagkakamali lang siya--- and beside! Wala ng oras ang mga idol para sa ganon! Pagkatapos ng red carpet aayusan na yung mga yon para sa performance nila.."

Ang daming sinabi ni Kana at lahat may point.

*sigh*

"Oo na~ imposible nga yung sinabi ni Kuya huhu"

Lumakad na kami pabalik ng stadium para sa seat namin

"Ready mo na yang camera mo! Mukhang marami rami tayong kukunan ngayon!" Sabi ni Kana sakin

Ngumiti ako sakanya "Ayt! Ayt!"

"Kung sino ka man. Maraming salamat sayo!"

ㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡ

May nagbabasa pa ba neto? Feeling ko walang readers tong kwento ko huhu

Medyo tinatamac na tuloy akong mag update.

Squishyjae.

JOB: Fansite Masternim [ GOT7 FANFIC ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon