Chapter 15

333 10 6
                                    

Ji Eun's POV

I really died! I really died! Super! As in!!

"Eotteokeeeeeeeee eotteokeeeee??!?!?!?" I said while jumping in my bed. Ramdam ko ngayon sirain ang kama ko sa sobrang saya!

Juskopo ikaw ba naman i follow ni Mark sa twitter at i-mention saying thank you at take note may 'awesome' pa. At hindi pa natatapos dun! Ginawa nya pang display picture lahat ng photos ko sakanya.

Wait God? This is too much! Hindi ko kinakaya ang sobrang pagmamahal nyo sakin!

Humiga ulit ako at niyakap ko ang hotdog kong unan at isinigaw ang huli kong kilig

"WAAAAAAAAAAAAHHHHGH!!!!!!"

Nanatili akong nakahiga, i want to feel this moment.

Maraming nag congrats sakin, syempre si Kana ang pinakamagandang bati. Naglabas pa siya ng isang shot niya kay Mark during dream con para lang sa congratulatory message niya sakin. Baliw talaga.

He (Mark) made my day! Sobrang saya ko.

Ahhhhhhhh~ letcheng Mark! Wag niya akong ganituhin baka makalimutan ko nanaman ang limitations huhu.

Nag scroll scroll pa ako ng balita. Fan rin naman ako at marunong rin ako mag spazz no!

Kinilig ako ng sobra nung may nabasa akong "baka may gusto si Mark kay Vestigium masternim?" Okay. That's too much pero kinilig ako. Oo na!

Pero alam ko naman na hindi yun mangyayari. Hello? Fan lang po ako.

Binatukan ko ang sarili ko "wag mag assume Ji Eun!"

Nagtuloy tuloy ako sa pagbabasa ko. Pero puro english na ang nakikita ko, e basic lang naman ang alam ko. Kaya tumigil na ako.

Pangako, aaralin ko rin yang english-english na yan

I was about to press the back key, nang mag popped up ang tweet ni @Redone1993 ito yata yung kasabayan kong fansite ni Mark? Hindi ko siya finollow, may nag RT kaya nakita ko ang tweet niya.

Naglabas na rin siya ng Hq photos ni Mark nung dream con. Okay rin ang kuha niya, maganda naman.

Nagtaka lang ako dahil parang nasa same row lang kami dahil parehas na parehas ang background ng mga kuha namin.

Kung same row lang kami, bakit di ko siya nakita?

ㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡ

Mark's POV

"Okay na hyung! Ayos na ayos na ang kusina! Nakakadulas na din ang tiles! Kumikinang ang lababo!"

Nag thumbs up pa si Jackson kay Hyung hoon, habang pawis na pawis.

Halos lahat naman kami ay naliligo na sa sariling pawis dahil pinaglinis kami ni hyung ng dorm, dahil yung mag fi-fitting samin ng costumes sila na lang ang mismong pupunta dito, nakakahiya daw kung napaka kalat ng lugar na aabutan nila at tsaka baka wala na kaming oras pa mag linis pag nag comeback kami dahil malamang full schedules nanaman kami.

"Jb, youngjae? Okay na ba yang shoe rock niyo??" Sigaw ni hyung kela jb

"Teka lang hyung! Hindi na magkasya sa lalagyanan! Paano to??"

Nagpapanic na si Youngjae dahil 1 hour na lang darating na yung mga tao na inaasahan namin dagdag pressure pa dahil wala pa samin ang ligo.

Di ba nasabi ko naman na agawan kami sa cr, sa pagligo dahil pito lang naman kami. That's hassle dude..

JOB: Fansite Masternim [ GOT7 FANFIC ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon