Chapter 20

330 13 10
                                    

Nagpapraktis ako para sa annual dancing contest dito sa JYPE. Dito rin nakakasalalay ang pagdedebut ko, kaya kailangan kong galingan!

Nasa dance studio ako ng mga trainees, 10pm na at may dalawang oras pa ako para tapusin ang praktis ko dito

Pumunta ako sa gilid at binuksan ko ang player.

Nagsimula na rin akong gumalaw. Medyo naging madali na ngayong araw na'to kesa nung mga araw na wala pa akong maisip na steps. Puro pag-b-boy ang nasa performance ko dahil yun ang especialty ko.

Nung tumigil na yung kanta, nagsimula nang tumulo ang pawis ko.

Grabe, ganito pala talaga kahirap maging trainee, Sana ako naman ang sunod na magdebut, hindi ko na kaya maghintay pa.

Humiga ako sa sahig. At pumikit. Binalewala ko ang pag aaral ko para sa pangarap kong to.

Sana may magandang resulta tong pinasok ko.

*clap clap*

Agad akong napabalikwas na higa nung narinig kong may pumalakpak!

"Napakasipag mong bata! Haha"

Napangiti ako nung makita ko na si Nichkhun hyung pala yon.

Napakamot ako ng ulo "Hindi naman po hyung"

Kinakabahan ako dahil sa lahat ng miyembro ng 2PM siya ang pinakahinahangaan ko!

Narinig ko ulit siyang tumawa dahil siguro ramdam niya ang pagkahiya ko.

Nakooo naman jaebum! Halata ka masyado!

"Hyung ano pong ginagawa nyo dito? Tapos na po di ba ang praktis ng 2pm sa taas?"

Nasa taas ang practice studio ng mga idols, kaming mga trainees nandito sa basement.

"Yap! Tapos na kami! Gusto ko lang makita ang progress mo. Mukhang nakuha mo na lahat ha? Magaling ka!"

Natuwa ako nung marinig yon

"Ah eh. Hindi pa hyung. Kailangan ko pa ng maraming praktis!"

"Tama yan! Pero alam mo sa palagay ko ikaw ang makakasungkit ng debut ngayon. Pero wag kang magpadalus-dalos kasi di naman ako ang magjujudge pero yun ang nararamdaman ko hahahaha"

Pagkasabi na pagkasabi ni Hyung nun! Parang nawala lahat ng pagod ko at napalitan ng lakas! At nag boost din ang kompiyansa ko sa sarili!

Di rin nagtagal ako nga ang nakakuha ng debut! Este kami palang dalawa ni Jinyoung. Parehas kaming tie sa score namin. Kaya simula nun naging bestfriend ko din siya.

"Hyung! Nakuha ko! Dalawa kaming nakakuha ng debut!"

Dala ko ang trophy namin ni Jinyoung at agad kong pinamalita kay Nichkhun hyung ang pagkapanalo ko.

"Sabi ko na nga ba eh! Sa sobrang sipag mo kaya ka natanggap! Congrats sayo!" Pinalo niya ang dalawa kong balikat

"Sige. Aalis ako meron pa akong pupuntahan eh! Sa susunod marami ako sayong ikekwento!"

Muli siyang ngumiti at umalis.

Grabe si hyung talaga ang role model ko.

*2 months later*

Niregaluhan ako ng mama ko ng DSLR dahil nabanggit ko sakanya na nahihilig ako sa photography. Ito rin yung regalo niya sakin sa pagkakapanalo ko.

JOB: Fansite Masternim [ GOT7 FANFIC ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon