Chapter 7

372 12 4
                                    

Ji Eun POV

Nandito kami ni Kana sa seat namin, Hindi kami masyado malapit sa stage dahil panget ang kuha if puro patingala ang shot namin.

Dito sa lugar namin marami kaming fansites ng ibat ibang fandom. So medyo maingay kami, okay lang naman mag ingay ngayon dahil hindi pa naman nag uumpisa ang concert

"Ji---"

Pinanglakihan ko agad si Kana! Dahil sasabihin nya lang naman ang pangalan ko!!

"Aish fine! Vestigium~ meron ka bang pang wipe ng lens? Or any tissues na lang?" Sabi ni Kana na parang napilitan. Hahaha

Ngumiti ako sakanya at kinuha ko yung wipes ng camera ko at binigay sakanya.

Yung aking camera nakasabit na sa leeg ko. Excited na talaga kase ako.

Maya maya pinatay na ang ilaw sa concert hall at sa di sinasadyang pagkakataon na sana di ko na lang nakita

-.-

Nakita ko si INYOUNG! yung babaeng tinulak ako at hindi man lang ako tinulungan at ang mas malala hindi pa nag sorry! Tsk! Kaasar talaga lalo na kapag naiisip ko na wala akong nakuhang group photo kanina!! aish!

"Thank you oh~" binalik na sakin ni Kana yung wipes

Binalik ko na lang ang tingin ko sa stage. Good vibes lang dapat ngayon para maganda ang mga shots ko sa got7!!

"Di ba pang lima ang GOT7 sa magpeperform?" Tanong ko kay Kana na nagtaas na ng lightstick

"Ah oo!" Tuwang tuwa si Kana sa lightstick niya di man lang niya na naisip na pang GOT7 lang yung LS nya -.-

"Oy babae~ hindi pa GOT7! Excited ka sa lightstick mo." Sabay hila ko ng kamay nya. Mahirap na baka akalain pang immature fan tong si Kana.

"Wag ka nga! Namiss ko tong gawin" Muli nyang tinaas yung LS at muling ngumiti na parang engot

*sigh*

Naputol ang pagbugtong hininga ko nung biglang sumabog ang smoke effect sa stage! Potek buti na lang wala akong sakit sa puso!!

Dahil dun naghiyawan ang buong hall dahil syempre may first group na magpeperform

Sino ba yung unang group na magpeperf? Tanging got7 lang ang natandaan ko geez -.-

Pinaghalong kulay pink at yellow ang mga ilaw sa stage pero lamang pa rin ang pink.

Parang kinakabahan ako..

Napatingin ako sa paligid ang daming lightstick na kulay pink

Kung hindi ako nagkakamali. Mukhang sila ang una. Pero bakit parang ang aga? Dapat di ba silang mga group ang highlight ng event?

At lumabas na sila.

Ang SNSD.

Ewan ko ba pero kapag nakikita ko si Tiffany parang nasasaktan pa rin ako : (

Kinalabit ako ni Kana "Ayos ka lang ba?" Si Kana lang ang Hottest na nakakaalam sa ginawa ko dati.

Ngumiti ako ng pilit sakanya at tumango.

Yun lang naman ang kaya kong gawin di ba? Ang maging okay. Kasi naman FAN lang ako. Isang FAN. At sino nga ba ako para mapansin ng Thai prince na si Nichkhun at sino nga ba ako para ipantay kay Tiffany? Isang hamak na fan lang ako.

Dapat ba akong masaktan ng ganito? Nakakainis kasi parang sobrang OA ko na! Nakakainis bakit ba sa isang idol pa ako nainlab? Bat di na lang sa pang karaniwang tao.

JOB: Fansite Masternim [ GOT7 FANFIC ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon