Chapter 13

333 13 6
                                    

Ji Eun's POV

"Miss?"

Boses pa lang niya alam ko na

Pero bakit siya nandito?

Naramdaman ko na hinawakan niya ang balikat ko. Teka hindi niya ako maaring makita!

Halos maghalo halo ang nararamdaman ko ngayon, Sumasakit ng sobra ang dibdib ko at dahil doon hindi normal ang paghinga ko. Kinakabahan din ako dahil nandito siya!

Si Mark Tuan!

Humigpit ang hawak niya sa balikat ko habang nakatalikod ako "miss okay ka lang?"

Tumingin ako sa paligid kung saan pwedeng tumakbo pero halos mapamura ako dahil sa daming pupuntahan ko bakit sa may tapat pa ng pinto ng cr ng mga lalaki!! Ngayon alam ko na kung bakit ako nakita dito ni Mark!

Tanga Ji Eun!

"Sakto nandito ka Mark! Kelan comeback nyo? At anong concept niyo ngayon? Anong balak ng jype ngayon na nalalagpasan kayo ngayon ng ibang companies? Kamusta na pala ang wonder-"

Alam kong si Stephen yun dahil alam na alam ko sa nakakainis na tono at boses niya

"Aish hindi ko alam!" Rinig kong sagit ni Mark, dahil nakatalikod pa rin ako

"Waaaaaaaah si MaaaaaaaarKkKKkKKkkkkkk!!!!!!"

"OPPPPAAAAAAAAA SARANGHAEEEE"

"HSKSJSJSJSJSKSKSK MARK MARK MAAAARK!"

"Damn it. Nandito na sila!!"

First time kong narinig mag cuss si Mark at take note english pa. Narinig ko siyang tumakbo kahit medyo ika ika siya dahil sa injury niya-- kaya humarap na ako, nakita ko yung mga fangirls na nagtakbuhan -- at nakita ko rin ang mukha nitong si Stephen tch.

Mabuti na lang medyo magaling na siya

"Bat ka alis ng alis?!!" Binulyawan niya ako sabay pitik sa noo ko

Aba! Sinong may sabing pitikin niya ako?!!

Bago ako gumanti, pinakaramdaman ko muna ang puso ko- at mabuti naman dahil muli ng siyang naging normal.

Inimbaan ko siya "SINONG MAY SABING PITIKIN MO KO?"

Pinagwalang bahala niya lang yon at naglakad na, mabuti na lang wala ako sa mood mangotong ngayon!

Sinuot ko ang cap ko at ang mask kong puti. Mas mabuti na ang nag iingat dahil muntikan na ang lola niyo kanina -.-

"Oy! Stephen! Tignan mo muna kung nakaalis na ang got7 at 2pm!" Nagtago muna ako sa may pader dito

"Oy! Kinakausap kita! Sumagot ka!!"

Akala naman nito kagwapuhan para intayin! Tsk tsk!

Humarap siya sakin at inalis ako sa pader "Para kang tanga dyan! Wala na sila!"

Nakahinga naman ako ng maluwag.

ㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡ

Mark's POV

"Napakakulit mo sinabi kong wag na kayong lumabas ng van pero lumabas ka parin!"

"Alalahanin mo on process pa din ang pagpapagaling mo sa injury mo"

"Dapat ikaw ang maging role model ng mga dongsaeng mo pero ikaw pa ang nagkakaganyan!"

"...Kung wala ako don! Malamang marami ka ng kalmot ngayon! Tandaan mo sa susunod na buwan comeback niyo na! "

JOB: Fansite Masternim [ GOT7 FANFIC ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon