Chapter 25

300 13 0
                                    


Kinuha ko agad sa bulsa ko ang phone ko at tinext si Kana

Hehehe. Medyo hassle kasi kung sa twitter pa rin kami mag uusap since alam naman namin ang kanya kanyang number.

"Kana, sorry naiwan kita, may pumunta kasi dito e"

Send.

Walang ka-excite-excitement yung text ko pero deep inside gusto ko na i-capslock lahat ang nararamdaman ko ngayon, at sabihin sakanya ang lahat ^-^

10 mins later...

"Slr! Nag aayos na kasi ako ng mga shots ko dito sa pc, iniwanan mo na kasi ako e! So mas importante yang pumunta na yan kesa sakin, na hindi mo na ako sinabihan na wag ka na mag intay or may pupuntahan ka lang! Ang sakit e ㅠㅠㅠㅠㅠ"

Seriously Kana? ㅡ.ㅡ

I smile while typing my reply to her "Uhm, yes, medyo mahalaga nga siya kaya di na kita nasabihan kaya churriiii na pls"

Sent.

Habang naghihintay ng reply, Nagpalit na ako ng damit sa pyjamas ko at tinali ko na rin ang buhok ko.

"Hmp! Sino ba yan?"

And bingo! Yun lang talaga ang hinihintay kong tanong for me to tell her about mark!

"WAAA KANA! SI MARK! SI MARK TUAN NG GOT7! PUMUNTA SIYA DITO PARA YAYAIN AKO BUKAS HUHUHU"

Wala pa sigurong isang minuto naka reply agad siya sakin.

"OH MY GOD! WAIT. HINDI NAMAN APRIL FOOLS NGAYON DI BA? OMGGGG"

Umiling na lang ako at tumawa. December ngayon at ang lamig lamig! Hindi pa April jusko!

"HINDI BABAE! TOTOO TO! PAPAKALBO AKO KAPAG NALAMAN MONG DI ITO TOTOO!!!"

Sent.

I know, maniniwala na siya dahil crown and glory ko ang buhok ko! Mas mahalaga pa siya sa kahit ano ko no!

Nagulat ako nung sunod sunod na magvibrate ang cellphone ko. Tinadtad niya na ako ng message niya na kinikilig

"OMGGGHGGSJSHKSK"

"OMG! NIYAYA KA NIYA? FOR WAT! DATE? OMG JI EUN!"

"OMG SABIHAN NIYA NAMAN SI YOUNGJAE TO DATE ME ALSO! PLS"

"JOKE HAHAHA"

"HABA NG HAIR MO"

"I envy you girl ㅠㅠㅠㅠ"

Oh di ba? Si Kana yung tipo ng kaibigan na mas kikiligin at mas mag fi-freaked out kapag may kagulat gulat na nangyari sayo. Best example ito.

I simply typed "Hindi date 'to no! Wag kang mag assume!"

ㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡ

6am.

Hindi ko ramdam mag-jog ngayong umaga gaya ng nakasanayan ko.

It's like I wanted to be fresh this day. Ayokong mapagod.

Bumangon ako, at nakita ko na natutulog pa rin si Jackson. Nowadays late gumising si Jackson dahil late na rin siya umuwi sa schedules niya, sa lahat ng members siya ang may pinakamadaming guesting and appearance. So that's why.

Nararamdaman ko na ako nanaman ang unang gumising sakanilang lahat.

Yung mga bata kasi samin inuumaga na kakalaro ng playstation. Si JB ayun as a leader, mukhang nagcocompose ng song kaya late na rin matulog.

JOB: Fansite Masternim [ GOT7 FANFIC ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon