Summer 7

52 6 0
                                    

*Tok tok tok*

Andito ako ngayon sa labas ng kwarto ni Malcolm. Sabi kasi ni Tita naglalaro daw siya sa laptop niya. Gusto ko kasing magpasalamat sa kanya dahil sa pag cooperate niya kahapon. Gusto ko rin naman siyang maka bonding kasi 6 days nalang at babalik na sila sa America.

Binuksan rin naman niya ang pinto dahil kung hindi sapilitan ko talagang bubuksan ang. Sisipain hanggang sa bumukas.

"Bakit Mikz? You need something?"

"Ah ano eh. Ahm. "

Puta nahihiya talaga ako. Nasan nayung mga pinraktis ko kanina bakit naging blangko ang utak ko.

"Ahm. Ano. Wala ka bang ginagawa? Pwede mo ba akong samahan?"

"Ah ano kasi eh." Sabi ni Malcolm sabay kamot sa batok niya.

"Ah hindi ok lang. Sige salamat!"

Disappointed ako. Amg sakit sa dibdib. Tumakbo ako palabas ng bahay. Nakabihis na kasi ako, ready na ready na. Pero hindi naman siya pumayag so itutuloy ko parin ang plano ko kahit ako lang mag-isa.

I'm on my way na sa simbahan. Magsisimba muna ako bago ako pupunta sa susunod kong destination.

Pagkatapos ng misa, sumakay na ako ng taxi papunta sa mall. Nanood ako ng sine, kumain sa Mcdo kasi feel ko ngayong kumain ng burger at tsaka Mcflurry, namili ng konting damit, naglaro sa arcade, at nagtambay sa foodcourt para mag meryenda. Yun kasi ang mga plano ko para sa lakad namin ni Malcolm kaso di siya sumama pero sinunod ko parin ang nasa listahan ko. Oo tama kayo, nilista ko talaga ang mga gagawin namin.

Tiningnan ko ang listahan ko kung saan na ang susunod kong destination.

5:00 pm na at papunta na ako sa carnival. Maganda kasi dun pag gabi kasi maraming ilaw, makulay at may fireworks display pag 7 pm na. Inenjoy ko nalang ang sarili ko sa mga rides kahit loner ako.

Andito na ako ngayon sa ferris wheel. Grabi kalahating oras din akong nakapila dun. tig dadalawa kasi ang sasakay. Pagkarating ko sa tuktok, di ko alam pero bigla nalang akong naiyak. Baka nagandahan lang talaga ako sa fireworks at dahil emotera ako naiyak ko. Di naman siguro to dahil sa hindi pagsama ni Malcolm. Dahil sa kakaiyak ko nakalimutan ko tuloy na may kasama pala ako dito sa loob.

"Miss. Bakit ka umiiyak? Diba dapat natutuwa ka kasi may fireworks?"

Ang FC naman ng lalaking to. Biglang kumulo ang dugo ko sa kanya kasi naman moment ko na yun pang soap opera na umepal lang siya. Itulak ko kaya to para matahimik pero wag nalang kaha kasuhan pa ako ng PUSHING. XD

"Wala kang pakialam. Feel ko lang ngayon mag drama." Say ko.

"Ang sungit naman. Eto oh."

Inabot niya sakin ang hanky niya. Shit ang bangooo!

"Salamat."

"I'm Tyler."

Tapos inabot niya yung kamay niya. Nagdadalawang isip ako kung magpapakilala ako. Sabi kasi ni mommy don't talk to strangers eh stranger naman siya.

Pero naalala ko yung ginawa ni kuya Jordan at Malcolm sa beach. Yung Seth at Nathan thingy ba yun?
Iniba kasi nila ang pangalan nila.

"I'm Amy." At biglang lumabas ang nakakaloka kong ngiti. Grabi di ko talaga mapigilan. Napapangiti ako pag naiisip ko na Amy na pala ang pangalan ko ngayon? San nanggaling yung Amy?
Ay grabi talaga ang bongga! Ang sarap mantrip ngayon. Bigla akong nabuhayan.

"What's with the crazy smile?"
Tanong niya sakin. Nahalata niya pala?

"Ah wala. Hehe. Ano kasi pambabae yung pangalan mo. Hahaha!"

SUMMER LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon