Summer 17

28 0 0
                                    


MALCOLM'S POV

"Hello? How's she? What? Ok send her something. Maybe flowers. Basta send her something. Babayaran naman kita. Sige bye."

Aiiissh! I really hate that Tyler. Wala lang ako dun eh kinukuha na niya si Mikz. Tsk! Pag nakabalik talaga ako sa Pilipinas... Lagot talaga yun sakin.

Aiiissh! Ang sakit ng dibdib ko....

MIKU'S POV

It's been a month. One month ko nang di pinapansin si Malcolm. Walangya rin naman yun kasi may girlfriend na pala siya? Pinaasa niya ako. May pa promise-promise ba. Tsk! Bahala nga siya sa buhay niya. Magkasakit sana siya. -_-

"Miss Bernaldez. May delivery para sayo." Sabi ng teacher namin.

Napatingin ako sa pinto at may nakita ako dung tao na mukha talagang delivery boy.

Tumayo ako at kinuha ang delivery.

"Flowers? Who sent these?" I asked the delivery man.

"Paki pirma po dito maam."

Duh! Ang layo ng sagot niya sa tanong ko.

Aisssh!

Bumalik na ako sa seat ko. Tinukso naman ako ng mga kaklase ko kasi nga November ngayon hindi February!!! May nagpapadala ng bulaklak. Ano ako patay??? Tsk.

Lunch Break....

"Mikz! Kailangan ko talaga ang tulong mo. Please help me."

"Spill." Sabi ko kay Trick

"There's this girl...."

"Aisssh! Bitter ako ngayon!"

Yumuko naman siya. Bakit ba dito sila nagpapatulong sakin sa lovelife eh bitter ako ngayon. Loveless nga ako eh.

"Aisssh! Ok fine!"

Bigla nalang ngumiti ng nakakaloko ang loko.

Kung di ko lang to kaibigan, matagal ko na tong pinatid palabas ng Earth.

"Mikz. May transferee kasi sa kabilang section. Ano kasi eh... Eeeehhh! Nakakahiya."

Bakla ba to?

"Ang bakla mo. Kung ayaw mo sabihin edi wag."

"Ok eto na. Chill ka lang. Eherrm!
May crush ako sa kanya!" Sabi ni Trick

Buong lunch break siya nagkwento sa feelings niya dun sa babae na Kiara ata pangalan. Di ko pa naman yun nakikita. Wala naman akong pakialam sa mga tranferees.

"Mikz! Are you listening? Nagsasayang ako ng laway dito tapos di ka nakikinig. Ang langya mo naman."

"Nakikinig ako! So anong maitutulong ko?"

"Help me na ma notice niya ako."

"She'll notice you pag gumwapo ka na. Hahaha!"

Bumalik na kami si Trick sa room. Langya talaga ang lalaking to. Tinutukso ako kay Harry. Tinukso ko rin naman siya. Nang nasa harap kami ng room nung transferee, buti nga at nandun siya.
Bigla akong sumigaw ng May Crush si Trick sayo Kiara!
Naghabulan kami ni Trick sa buong 4th floor. Binato niya pa ako ng sapatos. Langya talaga!

"Hoy Trick! Ang baho ng sapatos mo. HAHAHA!"

Sana nga ganito nalang ako palagi. Walang iniisip na problema at masaya lang palagi sa piling ng mga kaibigan ko. Ok lang sakin kahit pagpawisan ako sa kakatakbo dahil hinahabol ako ng mga kaibigan ko pero wag lang yung pinagpapawisan ako dahil sa kakahabol sa isang tao na wala namang pakialam sa nararamdaman ko. Yung mga taong paasa.

May girlfriend na si Malcolm. Wala na akong hihintayin pa. Pero mahal ko siya. Ok lang naman sigurong magpakatanga minsan. Susubukan kong maghintay kahit alam kong wala narin naman akong hinihintay. Maghihintay ako sa wala. -_-

I will spend my Christmas, New Year, Valentine, Graduation at lahat ng pwedeng i celebrate with my family and friends.

Mas masaya siguro kung sila ang kasama ko sa mga special occassions. Alam kong super advance ako kasi nadamay na dito ang pasko and whatsoever. Pero mabuti narin yung advance mag-isip ang utak. Alam mo na ang mga possibleng mangyari at hindi ka na masasaktan ng bonggang-bongga.

Pero ito lang ang masasabi ko,

Susubukan ko siyang hintayin. Magbabakasakaling siya ang makakasama ko during SUMMER.

*end of Summer 17*

Ang boring naman ng chapter na to. Pero don't worry. I fafastforward ko na next chapter. Wala rin namang magyayari kasi diba... Nasa America si Malcolm. Nagtatampo si Mikz sa kanya. Wala namang lovelife ang mga barkada niya. Si Tyler at Harry parang hinihintay na bumalik si Malcolm para magka-alaman na kung sino ang mas matimbang sa puso ni Mikz. Basta ang boring.

Vote at Comment kahit boring. Hahaha!

I recommend nyo rin to. Sige na

SUMMER LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon