Summer 27

20 0 0
                                    


I really can't believe na sa konting panahon na nakasama ko ulit si Malcolm at naging masaya kami sa piling nang isa't-isa ay mapapawi lahat ng yun. Bakit ang daya ng mundo? Ano bang ginawa kong masama at ganito ang buhay ko? Talaga bang hindi kami para ni Malcolm sa isa't isa?

"Anak. Please. Umuwi ka nalang muna at kami na muna ang magbabantay dito. Magpahinga ka naman kahit konti. "

1 week na si Malcolm dito sa ospital. 1 week narin akong nag aabang na magising siya at ako ang una niyang makita sa pagising niya. Ayokong umuwi at magpahinga. Kung kukunin man lang din si Malcolm sakin eh mabuti narin kung kunin narin ako. Kung iniisip ng ibang tao na ang OA ko na, wala akong pake sa kanila. Mahal na mahal ko si Malcolm. Kaya kong sumama sa kanya kung kukunin man siya ng maykapal.

"No Mom. Dito lang ako. You can't force me to go home."

Walang nagawa si Mom kundi respituhin ang desisyon ko. Alam kong naiintindihan nila ang nararamdaman ko ngayon.

Habang hinahawakan ko ang kamay ni Malcolm, napatingin ako sa kanya na maraming nakakabit na kung anu-ano sa katawan.

Ganun na ba kalala ang sakit niya?

Bigla nalang tumulo ang mga luha ko at di ko mapigilang humagulhol ng iyak.

"Malcolm. Gumising ka na diyan. Sige na. Mahal mo ako diba? Gising na please. Pag gumising ka diyan, magpapakasal na tayo kahit di pa tayo tapos mag-aral. Please. I'm begging you, please wake up."

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit nagkakaganito kami ni Malcolm. Masaya naman kami nung mga nakaraang araw. Naisip ko tuloy na pinatikim lang kami ni tadhana ng kasiyahan kasi ganito naman talaga ang kahahantungan namin. Hindi ko alam pero naisip ko tuloy na baka naawa si tadhana sa pagkadesperada ko kaya pinatikim niya nalang ako ng konting kasiyahan sa piling ni Malcolm. Wala naman akong nagawang masama. Pinatawad ko naman si Malcolm.

Narinig kong bumukas ang pinto at nilingon ko ito.

Andun silang lahat nakatayo sa pintuan. Alam na alam ko na sila lang ang masasandalan ko ngayon kasi mismo ang sarili ko sumusuko na. Alam ko na sila ang mga taong bubuhay ng loob ko. Kailangan ko sila. Sobra.

Nginitian ko ang buong barkada kahit na umiiyak ako. Hindi ito peke na ngiti. Talagang masaya lang ako at hindi nila ako kinalimutan at andyan parin sila kahit na ganito ang nangyayari sa amin ni Malcolm. Kailangan ko pa ngang humingi ng tawad sa kanila kasi tinago ko ang tungkol sa amin ni Malcolm. Yet, here they are. Nagpunta parin sila para damayan ako.

"Hey guys. I'm so happy to see you."
Sabi ko sa kanila habang ang mga walangya kong luha ay patuloy parin sa pagtulo.

Agad naman silang lumapit sa akin at niyakap nila ako isa-isa. Naramdaman ko naman ang pagmamahal nilang lahat. Alam kong nag-aalala sila sakin. Ako rin naman nag-aalala sa sarili ko. Pano kung hindi na magising si Malcolm? Anong mangyayari sakin?

They all keep saying na 'everything will be alright' and 'gigising din siya para ipaglaban ang kung meron man kayo ngayon'

May part sakin na gustong maniwala sa mga sinasabi nila pero meron din namang part na nagsasabing, 'ay naku. Di na yan gigising. Wag mo nalang pagisingin para hindi na siya mahirapan.'

Ayoko naman ng ganun. Gusto ko siya magising dahil andito naman ako tutulong sa kanya. Andito ako para alagaan siya. Andito ako para mahalin siya.

Umalis na sila at ako nalang mag-isa naiwan dito dahil sila mommy ar tita jean ay umuwi muna para magpahinga. Wala akong ibang ginawa kundi ang kausapin si Malcolm dahil alam kong naririnig niya ako.

"Malcolm. Pag nagising ka talaga diyan, magpapakasal na agad tayo. Kahit anakan mo pa ako ng isang dosena ok lang sakin. Kaya sige na gumising ka na. "

Yun lang ang palagi kong sinasabi. Yung tungkol sa pagpapakasal namin at sa magiging pamilya namin. Yun naman ang gusto niya. Ang bumuo ng sariling pamilya.

Nagulat nalang ako ng biglang gumalaw ang kamay niya. Hindi ako makagalaw sa saya. Tatawag na sana ako ng nurse pero bigla niyang minulat ang mata niya at kahit hirap siyang magsalita, nakuha niya paring sabihin na...

"Tara. Pakasal na tayo."

Niyakap ko siya at tumakbo ako papunta sa nurse's station. Tinawagan ko agad sila mommy at dahil sa tuwa ko ibang number ang natawagan ko. Nagtaka tuloy yung natawagan ko kasi di niya alam kung ano ang sinasabi ko.

"Doc. Kumusta na po siya?" Tanong ko sa doctor.

"Miss Bernaldez, ok narin naman po ang lagay niya ngayon. Stable na po siya pero kailangan pa po namin siyang obserbahan. Lalo na po yung puso niya. Bawal po siyang mapagod. Baka next week pwede na siyang i check out."

Lumapit ako kay Malcolm na abot tenga ang ngiti. Napangiti narin siya dahil siguro para akong tanga na nakangiti ng napakalaki.

"I heard you kanina. Pakasal na tayo? Aanakan na kita?" Sabi niya habang nakangiti.

"Nukaba! Joke lang yun. Para magising ka na."

Bigla naman siyang sumimangot.

"Ah ok. Sana atakihin nalang ako ulit."

Bigla naman akong kinabahan kaya lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

"No. Joke lang yun. Oo naman kahit ngayon agad pakasal na tayo. Wag mo lang akong iwan ha? Promise?" Sabi ko.

Natahimik naman siya saglit bago siya ngumiti at niyakap ako.

"I promise. Lalabanan ko tong sakit ko. Para sa ating dalawa. Para sa magiging anak natin." Sabi niya.

Niyakap ko siya ulit. Nagulat kaming dalawa nang biglang bumukas ang pinto at nandun sila Mommy.

"Ay sorry. Nasa maling room pala kami." Sabi ni Mommy.

Tumawa nalang kami sa inasta nila.

Sana naman patuloy na ang paggaling ni Malcolm. Sana patuloy narin ang saya na to.

Sana mangyari lahat ng mga sana kong to.

-to be continue-

SUMMER LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon