Summer 26

15 0 0
                                    


Haaaay! Ang sarap sa pakiramdam na katabi ko sa paggising ko ang aking pinakamamahal na Malcolm.
Sa mga bitter dyan... Wag na akong idamay. Masaya na ako.

"Good Morning." I hugged him so tight.

"Good Morning rin." Sabi ni Malcolm tapos hinalikan ako sa noo. Ang sweeeeet!

Sabay kaming bumaba sa kitchen. Pagkarating namin dun, walang tao. Ah siguro nag mall ang mga yun.
May pagkain na sa mesa at may note na nakalagay...

Nag mall kaming lahat. Ibig sabihin kayo lang dalawa dyan. Know your limitations. Naglagay ako ng CCTV sa buong bahay.

From: Margie, Jean, Morgan, Jordan, Hamish and Yayas

Natawa naman ako sa note na iniwan nila. Kinuha iyon ni Malcolm at binasa niya.

"Baka mabuntis kita ngayon Mikz kung hindi ka magbibihis." Sabi ni Malcolm at ngumiti naman siya ng nakakaloko.

Hinampas ko naman siya ng bonggang-bongga.

"Ang pervert mo!"

Wala kaming ibang ginawa kundi ang magtawanan.

Siya ang pumili ng damit ko at pinasuot niya sakin ang polo niya. Hahahaha! Bagay naman sa akin.

Naglinis kami sa buong bahay kasi wala talaga kaming magawa.

"Ayan tapos na. San na tayo ngayon?" Tanong ko.

"Sa park tayo."

Umakyat ako sa taas at nagsuot ng sneakers. Di na ako nagbihis kasi ang cute ko kaya tingnan sa polo ni Malcolm. Tinupi ko nalang ang sleeves at 1 inch above the knee ang polo. Kumuha ako ng Como na hanky at kinuha ko ang skateboard at rollerskates ko.

"Tara!"

"Wait! You're still skating?" Tanong niya sakin.

"Uh huh! Kaya tara na!"

"No. Maglakad nalang tayo. Baka mapano ka pa."

Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming lumabas ng bahay.

Habang papunta kami ng park, nag share kami ng earphones while HHWW(holdinghands while walking). Which is akala ko sa wattpad ko lang nababasa. :)

Sabay kaming kumakanta ng Marry Me by Train. Nakakakilig ang setup namin ngayon. Wag nalang kayong mainggit. Ok? XD

Pagkarating namin sa park, nagulat kami ni Malcolm sa nakita namin.
Gusto kong tumakbo sa kahihiyan.

Halata rin sa mga mukha nila ang gulat.

Lumapit kami sa kanila at nag HI.

"What's happening?" Tanong ng barkada.

Hindi ko naman talaga alam na nandito sila. Hindi ko pa naman nasasabi na kami na ni Malcolm. Pano na to ngayon...

"Pre. Laro tayo basketball." Sabi ni Tyler kay Malcolm.

Hindi naman nag reklamo si Malcolm at sumali na.

4 vs. 4 ang laro.

Si Malcolm, Trick, Axel at Kit ang kakampi.
Si Tyler, Harry, Bryle at Brandon naman ang magkakampi.

Habang nasa kalagitnaan ng laro, napansin kong medyo namumutla si Malcolm.

"Teka guys. Timeout muna." Sabi ko sa kanila.

Lumapit ako kay Malcolm sa gitna ng court at pawis na pawis siya. Pinunasan ko ang pawis niya.

"Ok ka lang ba? Bakit parang namumutla ka? "

Tumawa naman siya ng mahina at hinalikan ako sa noo.

"Tss. Ganyan naman talaga pag naglalaro ng basketball, hinihingal kaya medyo namumutla. Nukaba! There's nothing to be worry about."

Nag desisyon ang iba na di na tapusin ang laro kasi may lakad sila Tyler. Umuwi na kami ni Malcolm pero iba talaga ang kutob ko eh. Parang may dinaramdam siya. Inoobserbahan ko kasi ang bawat kilos niya. Malalim ang kanyang paghinga at may minsan na parang lasing siya kung maglakad.

Pagdating namin sa bahay, nandun na sila mommy. Pinaupo ko si Malcolm sa sofa at kumuha ng tubig sa ref.

Nasiko ko naman yung baso kaya nahulog ito at nabasag.

"Puta naman to.." Sabi ko habang pinupulot ang mga bubog sa sahig.

"MALCOLM!!!!!!"

Nagulat ako ng biglang may sumigaw sa sala. Tumakbo ako papunta dun at nakita ko siya...

O my God!!! What happened???

Tito Morgan is already pumping his chest. Tumatawag na ng ambulance si Tita Jean. Hindi ako makagalaw. Tinakpan ko ng kamay ko ang bibig ko. Parang anytime, sasabog na ang mga mata ko sa ma nakikita ko.

Maputla siya, nasa sahig.

"MIKU! PLEASE CALL MANONG!"

Narinig ko ang sigaw ni mommy pero hindi ako makagalaw. I can't.

"MIKU!" Sinigawan ako ni Mommy ulit at nabato niya ako ng tsinelas which is tumama sa ulo ko.

Dali-dali kong tinawag si Manong sa garahe.

Pinasok si Malcolm sa kotse. Gusto kong sumama pero iniwan nila ako. Si mom at parents nalang niya ang sumama. Umakyat ako sa taas at kinuha ang wallet at phone ko. Tumakbo ako papunta sa labas at pumara agad ng taxi.

Habang nasa taxi ako, wala akong ibang ginawa kundi ang magdasal.

Panginoon. Wag nyo pong hayaan na mawala si Malcolm sakin. I need him so much. His my everything dear Lord. Wag nyo po siyang kunin sakin please. Maawa po kaayu sa akin.

Pagkarating ko sa hospital, dumiretso agad ako sa ER at nakita ko sa labas sila Mommy.

"Where's he?" Tanong ko sa kanila na medyo basag ang boses ko.

Tinuro nila ang ER.

Pumasok ako dun kahit na pinipigilan ako ng mga nurse.

"123 Clear!" Sabi ng doctor.

Nagsilabasan na naman ang mga luha ko.

Tumakbo ako papunta kay Malcolm at hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamay niya. Pilit naman akong nilalayo ng mga nurse pero mahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Malcolm.

"Malcolm. Please wag mo akong iwan. Kailangan kita. Diba sabi mo magpapakasal pa tayo at bubuntisin mo pa ako? Sige na gumising ka na diyan at buntisin mo na ako. Wag mo naman akong iwan ulit please! I love you."

Hinila ako ng mga nurse at nabitawan ko ang kamay ni Malcolm.

"Anak. Please. Hayaan mo ang doctor." Niyakap ako ni Mommy at ni Tita Jean.

"123 clear!"

"No respond doc. Bumababa ang heart rate."

Paulit-ulit nilang ginagawa yun kay Malcolm.

Di ko na napigilan ang sarili ko at sumigaw na ako. Wala na akong pakialam kung basag ang boses ko.

"MALCOLM! GUMISING KA NA. DIBA NAGPROMISE KA SAKIN NA HINDI MO NA AKO IIWAN? WAG MO KONG BIGUIN MALCOLM. NAGMAMAKAAWA AKO SA YO. PLEASE DON'T LEAVE ME."

Mahigpit ang pagkakahawak nila Mommy sakin at ramdam ko ang pag-iyak nila.

"Doc! Nag respond na!"

Kinabitan nila ulit si Malcolm ng mga tubo.

"Ok. Ilipat na natin siya sa Intensive Care Unit." Sabi ng doctor.

Hinawakan ko ang kamay niya at hindi ko ito binitawan hanggang sa dumating kami sa ICU.

I'll never give up on you Malcolm. Please don't give up on me. We'll together. We'll get through this. I promise you this. I love you.

*to be continue*

SUMMER LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon