Summer 25

26 0 0
                                    


Kasalukuyan kaming nakaupo ni Malcolm sa pool side. Ang saya saya ko talaga ngayon. Parang nabayaran na ang lahat ng kalungkutan na naramdaman ko noon. Ayoko ko nang matapos to. Kahit na sinasabi nilang WALANG FOREVER. Pake ko sa kanila! Mga taong bitter dinadamay pa ako eh nandito na ang forever sa tabi ko.

"Mikz?"

"Hmm?" Inangat ko ang ulo ko para makita siya. Nakatingin lang siya sa kawalan. Parang ang lalim lalim ng iniisip.

"What if hindi ako gumaling."

Bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya. Gusto ko sana siyang itulak dun sa pool baka sakaling matauhan siya at tumino kausap. Tinatakot kasi ako eh!

"Ouch!"

Hinampas ko nga sya. Tinatakot ako eh baka ako naman ang magkasakit sa puso nito. Edi pareho na kami.

"Ano ka ba naman! Wag kang magsalita ng ganyan. Pasalamat nalang tayo at gumaling ka at nabalikan mo ako. Ok? Don't worry. Aalagaan naman kita palagi." Sabi ko sa kanya na ikinangiti naman niya.

"Osige. Ikaw na ang magiging gamot ko starting now. Kiss ko." Sabi niya at biglang ngumuso. Kaya nabatukan ko tuloy.

Kinamot naman niya ang batok niya. Ang cute!

"Wala pa nga akong first kiss! Pero gusto ko ikaw. Pagkinasal na tayo." Sabi ko sa kanya.

"Eh ikakasal naman rin tayo pwedeng ngayon nalang ang kiss? I advance mo nalang."

Grabi! Ang gwapo niya parin pag nang-aasar.

"Hindi pwede! Tara na. Pasok na tayo."

Tumayo naman kaming dalawa para papasok na sa bahay. Pero biglang nadulas ang paa ko kaya nahulog ako sa pool. Nadala naman si Malcolm kasi nag holding hands kami.

Aish! Basa.

"Di mo naman sinabi na gusto mo palang maligo. Hinila mo pa ako." Sabi ni Malcolm.

Hinampas ko naman siya sa braso.

"Shit. Miku. Dugo!" Sigaw ni Malcolm.

Tiningnan ko naman ang pool at tama nga siya may dugo.

Teka! Di ko naman red day ngayon.

Isip-isip ko.

"Tara. Gamutin natin yang sugat mo."

Umahon naman kami sa pool at pumasok na sa loob. Nakita naman kami nila mommy na paakyat na sa taas.

"Hala anyare sa inyo? Teka Malcolm ang limitations ha." Sabi ni Mommy kaya nagtawanan naman silang lahat except sakin. Pulang-pula na talaga ako sa hiya.

Pumasok kami ni Malcolm sa aming mga kwarto para magbihis pero magkikita pa kami sa music room. Diba nga? Gagamutin niya ang sugat ko?

Naligo muna ako kahit na sobrang mahapdi ang sugat ko sa braso. Nagbihis ako ng short shorts at sleeveless. Mas komportable pag ganyan ang suot matulog kasi.

Kinuha ko ang cellphone ko and I tied my semi blonde hair into a messy bun. Ay oo nga pala. Pinablonde ko ang buhok ko pero hindi lahat. Hahaha! Timang lang noh? Pero trip ko lang.

Anyhow!

Pagkarating ko sa MR, nakita ko naman dun si Malcolm na nakaupo sa couch. Nasa tabi niya ang first aid kit.

"Ang ikli naman ng short mo." Bigla niyang sabi. Akala ko naman sasabihan niya akong sexy or nice shorts. Conservative lang pre? Well, ganyan naman talaga ang lalaki na mahal ka. Kaya intindihin nalang. Nakakakilig naman siya.

SUMMER LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon