Summer 28

30 0 0
                                    


2 weeks after...

Nakalabas na si Malcolm sa ospital. Busy kaming lahat para i welcome siya muli sa bahay.

Andito pa ako sa ospital para bayaran ang mga bills ni Malcolm. Sila Kuya Jordan na ang nag prepare para sa party pagdating namin.

Sumakay na kami papunta sa bahay. Habang nasa sasakyan kami, bigla nalang niyang hinawakan ang kamay ko at sumandal siya sakin.

"Malcolm. Ok ka lang ba? Anong nararamdaman mo?" Tanong ko sa kanya.

"Ang puso ko....." Bitin naman niyang sabi. Kaya bigla na naman akong kinabahan.

Masakit ba?

"Ang bilis ng tibok ng puso ko. i love you." Sabi niya at tumawa.

Namula naman ako sa sinabi niya kaya hinampas ko siya. Andyan pa naman si Manong driver.

"Nukaba Malcolm, wag mo naman akong takutin."

"Mikz." Then he poke me sa tagiliran ko. Napatalon naman ako kaya nauntog ako.

Hinalikan naman niya ang parte ng ulo ko na nauntog.

Ang sweet naman ng lalaking to!

"Mag ingat ka nga. Aanakan pa kita mamaya."

Hinampas ko na naman siya ng bonggang bongga!

Eehhh! Narinig ni Manong.

Alam kong narinig yun si Manong kasi tumatawa siya. Nakakahiya!

"Manong. Wag kang maniwala dito ha. "

"Ano po maam? Wala po akong narinig."

Tumawa naman si Malcolm. Grabi talaga kung makapang asar!

Pagdating namin sa bahay, nasurprise talaga si Malcolm. Andyan ang buong barkada, buong pamilya namin. Halata na masaya talaga siya.

"Uyy! Ba't parang may mga bagong mukha akong nakikita dito." Sabi ko.

Totoo naman eh. May nakita akong apat na babae. Mga magaganda naman. Alam ko na kung sino to.

"Axel, Brandon, Trick at Kit. Come here." Sabi ko sa kanila at agad naman silang lumapit sakin.

Hinila ko sila papunta sa veranda para makausap.

"Girlfriend nyo? Kailan pa?"

Di naman sila nakasagot agad. Hahaha! Aasarin ko talaga to.

"Ayoko sa kanila."

Nagulat naman sila sa sinabi ko at sabay-sabay na lumuhod sa harap ko. Mga praning.

"Mikz! Maawa ka. Mahal namin sila. Sorry di namin nasabi agad sayo kasi palagi kang nasa hospital." Sabi nila.

Di ko na napigilan ang sarili ko at tumawa na ako ng malakas. Grabi ang epic ng mukha nila.

"Joke lang. Pakilala nyo na ako."

Tinawag nila ang mga girlfriend nila at pinakilala sakin.

"Mikz. Meet Lennel Stairway Gonzaga." Sabi ni Axel

"Nice name. Nice meeting you." Sabi ko.

"Mikz. Meet Samantha Nicole Garsuta." Sabi ni Trick.

"This is Isabey Jean Dela Serna." sabi ni Brandon

"ah! ikaw yung anak ni Mayor Dela Serna?" tanong ko sa kanya. tumango naman siya.

Parang natakot sakin. Ganun na ba katakot ang mukha ko?

"Oh! Kit. Pakilala mo na yan sakin." Pang-aasar ko kay Kit.

He smirked.

Aba't may pa smirk-smirk pa siya ngayon? Batuhin ko kaya to ng bato para akong naman ang mag-smirk.

"No need for me to introduce my girl. You know her already. Psssh!" Sabi ni Kit.

Ayy? Badtrip si Manong Kit?

Pero seriously, kilala ko na talaga ang girlfriend niya. Batchmate lang namin yan nung highschool.

"Sammy! How are you?" Lumapit ako kay Sammy at niyakap siya.

"I'm fine. I'm so glad to see you Mikz. I missed you and our basketball team." Sabi ni Sammy.

Ay oo pala. Kasamahan ko si Sammy sa basketball team. Tinutukso pa namin yan kay Kit nuon at di ko akalain na sila pala ang magkakatuluyan.

Natapos ang hapunan na sama-sama kaming lahat. Grabi talaga! Unti-unti nang lumalaki ang populasyon ng aming barkada. Siguro sa susunod, ang mga magiging anak naman naming lahat ang magpapatuloy sa samahang to.

"Mikz. Tulog na tayo." Kasalukuyan kaming nasa pool side ngayon nang nag-aya na si Malcolm na matulog. Bawal pa pala siyang mapuyat. Pinayagan narin kami ni Mommy na magsama sa isang kwarto total daw magpapakasal rin naman kami pagdating ng panahon kaya dapat masanay na kami. Muntanga lang nanay ko noh?

Nagpaalam na kami sa lahat at magpapahinga na kami ng asawa ko. Naks! Ang sarap naman pakinggan.

"Mikz. Anong sabi ko sayo kanina?" Biglang tanong ng asawa ko. Nubanaman to. Nasanay na 'ko sa asàwa.

"Sabi mo matulog na tayo."

Bigla naman niya akong kiniliti hanggang sa mahulog kaming dalawa sa kama. Aray ang sakit ng pwet ko.

"Teka Malcolm ang bigat mo! Tabi!"
Sigaw ko. Kayo ba naman madaganan ng napakagwapong nilalang na mas malaki pa sayo.

"Ang sabi ko kanina, aanakan kita." Sabi niya tapos tumayo siya. Inalalayan naman niya ako na makatayo.

"Hoy Malcolm. Tigilan mo ko ha! Kita mo ngang galalabas mo lang ng hospital yan na ang iniisip mo. Pagaling ka muna. Kahit isang dosenang anak ang gusto mo ibibigay ko."

Tumabi siya sakin sa kama at sumandal ako sa dibdib niya.

His heartbeat is like a lullaby.

"Don't worry gagaling ako." Sabi niya at hinalika  ako sa ulo ko.

Pano kung hindi siya gumaling? Aish! Mikz. Think positive! Makakayanan nyo rin to.

We stayed in that position until we fell asleep.

JORDAN'S POV

Hi guys! Muling nagbabalik ang POV ko. Grabi kasi to si Author! Nakatuon ang atensyon sa kapatid ko't kay Mikz! Pano naman ako.

(AN: Tumahimik ka. Pakasalan mo nalang ako.)

Cheh ka rin!

Sumilip ako sa kwarto ni Malcolm at Mikz. Napangiti nalang ako sa nakita ko. Totoo pala na love can wait, love can forgive and love will guide two strangers path to each other.

Bakla na kung bakla. Pero naniniwala na ako sa forever dahil kay Malcolm at Mikz. Alam kong makakayanan nila ang problema na to. Alam kong gagaling si Malcolm.
Magkakapamangkin na kaya ako?

Hahaha! Sana! XD

Kinuha ko ang DSLR ko at kinuhanan sila ng picture. Ilalagay ko na naman to sa Album na ginawa ko para sa kanilang dalawa. Ayy hindi pala. Baka i-lagay ko nalàng muna to ng envelope. Aish!

They're sleeping peacefully. I silently hoping na peaceful na sila until the end of time. :)

I pray for their happy ending.

-to be continue-

SUMMER LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon