Chapter 4

105 6 0
                                    

Marco's POV

"Would you believe that girl? Alam mo ba kung ano ang sinabi nya sakin kanina?" Inis kong sabi sa aking Bestfriend.

Nandito kami ngayon sa boutique nya, actually sinadya kong puntahan sya dito dahil nga may ikwekwento ako.

Let me introduce myself first, Im Marco dela Paz... 24 years old at isang Photographer. Bata pa lang ako mahilig na talaga akong kumuha ng litrato kaya nagfocus narin ako sa career na to, although ayaw ng dad ko at gusto nya akong kumuha ng related sa business.

"Oh? Ano?" sagot sakin ni Vivien pero di sya nakatingin sakin, busy sa pagtingin ng mga designs

"Sinabi nga sakin straight to my face, na ayaw niyang makita sya ng ibang tao na may kasamang lalaki na may reputasyon tulad ko, baka daw sabihing easy girl sya"

"Well atleast nag-iisip sya"

Grabe ang sakit talaga magsalita ng Bes ko "Ano ba Viv! Napahiya na nga yung tao, aasarin mo pa"

"Hmm.. Anong naging reaksyon mo?"

"At 1st I thought nagpapakipot lang sya, So I said kung ano man ang balitang nakakarating sakanya about sakin, hindi totoo yun. I admitted that I do go out a lot, but those are friendly dates only"

"At nagsinungaling ka pa sakanya"

"Aissh! Pwede ba makinig ka muna sakin? Mamaya na yang trabaho, Pleaseee!!!" pangungulit ko sakanya na may halong galit.. ayaw kasi ako pakingaan ng maayos e

Inilayo nya ang mga designs na tinitignan nya kanina at humarap sakin

"Okay.. Im listening, go ahead"

At tinuloy ko na ang kwento "Then after that, She told me to stop making advances to her dahil wala raw akong maaasahan sakanya. Infact sa tingin daw nya walang matinong babae ang papatol sakin"

"OMG, Sinabi nya talaga yun? Okay lang yan"

"But she could just say no in a nice manner. Hindi yung papahiyain nya ko sa harap ng madaming tao"

Oo guys, sinabi nya yun sa harap ng maraming tao with a loud voice. Nakakahiya kaya!

"Hayaan mo na"

"NO! Sinaktan nya ko"

"Marco, you're not hurting emotionally, yung pride mo lang"

Di ako papaya na basta bastang ganun na lang.. Kailangan kong mag-isip ng paraan para mapatunayan kong hindi ako katulad ng iniisip nya.. Bigla akong napatingin sa bestfriend ko, alam ko na!

"Wait.. bakit ganyan ka makatingin. Parang ayoko ng ganyang tingin mo ha!"

"I should prove her na mali sya. At ikaw ang tutulong sakin"

Halatang nagulat sya sa sinabi ko "AKO?"

"Oo, Ikaw"

"Ano namang kinalaman ko sa problema mo" iniwas nya ang tingin sakin

"MALAKI! Diba matino kang babae?"

"OO NAMAN!" Agad nyang sagot.

"Then go out with me"

"Lagi naman tayong magkasama at alam nila na magkaibigan lang tayo"

"PLEASE BES! Just act like a sweet person when she's around. Kapag nalaman nya na tayo, that will make her realize na may nagmamahal na matinong babae sakin. PLEASEE!!"

Nagmamakaawa na talaga ako sanya..

"OK FINE!! I'll help you. Pero hangga't "TAYO" di ka makikipagdate sa ibang babae" Medyo galit nyang sabi

"Oo naman. PROMISE! Sabi na nga ba di mo ko matitiis!!!" niyakap ko sya ng mahigpit

"Ano ba? Di ako makahinga!!! Pasalamat ka, Mahal kita"

"BAKIT? Mahal din naman kita ha?"

Show me your "Real Feelings"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon