Chapter 5
Vivien POV
"Ano ba? Kanina ka pa akbay ng akbay ha!"
"Shh.. Wag ka ngang magreklamo jan, pano natin sya makukumbinsi na tayo na kung ayaw mong gawin to"
"Sigurado ka bang nandito yun?"
"Oo. Nakita ko si Jaycee kanina e."
"Maupo na nga muna tayo."
Nandito kami sa launching event ng magazine na kung saan nakapabilang kami.. Si Marco ang photographer nun at some of my designs and works are also there. Pero ito kami ngayon, di mapakali tong si Marco.. gagawin na daw namin plano.
"Marco?" Napatingin ako sa babaeng tumawag sa bes ko, gosh ang ganda nya.. she must be that girl.
"Oh, Hi Jessica" hmm, so sya nga. Tinuon ko ang tingin ko sa mga taong nasa paligid.. hindi naman sa pag aano, pero she looks flirt pero I know wala akong karapatang magjudge.
"Its nice to see you here"
"By the way, this is Vivien Andrada"
"Hello" inilahad ko ang kamay ko for shake hands
"OMG, Ms. Andrada.. You know, I've been waiting to meet you. I personally like your designs" at iniabot nya ang kamay nya.
"Well, Thank you"
"Jessica, may kasama ka ba ngayon?" segue nitong si Marco at iniakbay nanaman ang isang kamay nya sa balikat ko. Napansin ko namang npatingin si Nathalie dito at medyo nagtataka ito.
"Yes, I came with Jaycee and some girls whose have a date" at pilit syang ngumiti
"Its really hard to find decent men. Mabuti na lang I have Marco"
HAHAHA. Halatang nagulat si Marco sa sinabi ko, Akala ko ba pagseselosin namin to. Pero I mean kung anong sinabi ko, kahit papano gusto ko rin namang ipakita dyan sa baabeng yan na di basta bastang lalaki si Marco.
"Marco, why don't you get us some food? Gutom na kasi ako e"
"Okay just wait for me then"
Umalis na nga si Marco at naiiwan kami ni Jessica sa Table.
"You kow what? Ang tagal ko ng gustong mameet ka personally. You're my idol, at your young age you became very successful."
"Thank you"
"I heard that you'll be having a fashion show for your newest designs next week"
"Yes, Di lang naman ako ang nagprepare nito.. kasama ko rin yung ibang designers"
"That's great. You know what, Its my dream to model your designs. I would be very glad if you let me then"
Aba! Nag-asume pa na gagawin ko syang model ko ha.. At grabe naman yung dream, Eh Ang alam ko loyal model to ni Jaycee. Nginitian ko na lang sya.
"By the way, Matagal na kayong magkakilala ni Marco?"
"Yes, halos sabay na kaming lumaki"
"If you don't mind my asking pero di ka ba nabobother sa playboy image ni Marco?"
"Ahh, about that. Mali talaga ang pagkakakilala ng mga tao lalo na ang mga babae kay Marco. They fail to see the real him. Gentle sya at Loving person, sensitive at inuuna ang kapakanan ng ibang tao, especially those who are close to his heart." And ayan talaga ang pagkakakilala ko kay Marco.
"Really? I thought he was a playboy.Nasaan ang parents nya?" Sabi ni Jessica habang nakikinig sakin
"Nasa Italy, may business sila dun.. isa sila sa may pinakamalaking Wine Company sa France. Infact, they want Marco to be the next president of their company"
"Talaga? He didn't told me about that. Then, bakit sya nandito sa Pilipinas kung may magandang career na naghihintay sakanya dun sa Italy? Don't tell me because of photography?"
"Exactly, Photography is his passion e, very understandable naman sila tito at tita so they let him choose his own path"
"Girls, mukhang seryoso ang pinag-uusapan nyo ha?"
Napahinto ako sa pagkwekwento ng biglang dumating si Marco.
"Di naman. May tinanong lang ako kay Vivien"
"Ano yun?"
"Girls talk, bawal. Diba Vivien?" sabi ni Nathalie na natatawa then I nodded
"Come on, lets eat."
At nag-umpisa na nga kaming kumain. Habang kumakain, di ko maiwasang di makaramdam ng inis! May times kasi na nag-uusap na lang bigla si Marco at Jessica.. parang yung getting to know each other stage. HELLO! May kasama kayo!! Nandito po ako!!!
Natapos na akong kumain pero sila di parin tapos ang kwento. Grabe para akong statue dito, buti na lang nakita ko yung kapwa designers ko.
"Excuse me? May pupuntahan lang ako saglit."
"Sure" sagot nila. Aw grabe, sabi sainyo e, invisible lang ako dito.
Ilang oras narin ang nakalipas.. grabe di man lang ako hinanap ni Marco, siguro nageenjoy syang kausap yung babaeng yun. Binalikan ko yung table at nakita kong nag-uusap silang dalawa at mukhang ang saya-saya nila, I know my bestfriend kapag Masaya sya at nakikita kong tunay ang mga ngiti sa mukha nya pero bakit ganun naiinis ako!
"Marco, I think I better go home. Medyo masama ang pakiramdam ko e" pagdadahilan ko sakanya, gusto ko na kasi talagang umuwi.
"Bakit? Anong nangyari?" tanong ni Marco sakin with concern. Alam ko namang nag-aaalala sya talaga.
"Biglang sumakit ang ulo ko e"
"Ikaw kasi e, masyado kang nagpapagod. Ayan tuloy sinumpong ka nanaman ng migrane mo"
"Take a medicine then" sabi ni Jessica
"I just need to take a rest"
"Matindi kasi mag migrane tong si Viv."
"Grr. Nakakainis naman" rinig kong sabi ni Nathalie pero pabulong. Pero sapat na para marinig ko
"Pano bay an Jessica, kailangan na naming umuwi. I'll see you again next time.." paalam ni Marco kay Jessica
"Okay then, call me ha?"
"Yeah, sure.."
Author's note:
Guys, nirevise ko ang part na to. Kasi may typo po ako. Tung girl po na gusto ni Marco name nya po tlga ay Jessica. Kaso ang napublish kong name last time "Nathalie" sorry po tlga.. matagal ko na kasi po tong story binago ko po kasi yung names ng cast. Thank you..
BINABASA MO ANG
Show me your "Real Feelings"
Non-FictionI have read a story when I was in Grade School... And that story is one of my inspiration for this story. I only got some of the ideas but I am the one who really made this. Enjoy reading!! don't forget to vote.