Chapter 7

63 9 0
                                    

Vivien's POV


"Hoy Miss di mapakali. Nandito na po yung hinihintay nyo" sabi sakin ni Lovely

"Sino?"

"Asus. Ano patay malisya? Sino pa ba edi ang Bestfriend mo"

"Kanina pa sya dyan?"

Umupo si Lovely at ininayos ang make-up " Abay malay ko te, parehas lang tayong nandito sa backstage"

This is the day for the fashion show. Ibrobroadcast na ang mga designs at works na ginawa ko. Kasalukuyan kaming nandito sa backstage with the models.. and for a few minutes magstastart na ang event.

"Uhmm, Lovely pupuntahan ko lang sya saglit" aalis na sana ako ng bigla akong pigilan ni Lovely.

"Hephep!!! Wag ka ng mag-abalang pumunta pa dun friend"

"At bakit naman?"

"Naku maiimbyerna ka lang sa makikita mo, kasama nya yung girlalush na feeling virgin"

So I guess, si Jessica ang tinutukoy nito..

"Sino yung BESTFRIEND mo?" natatawa kong tanong kay Lovely

"Ewwww!! Para mo naman akong minura nyan"

At natawa ako. Pero di ko parin maiwasan na magtampo sa bestfriend ko. Di man lang nya naisipan na puntahan ako dito sa backstage, di tulad ng lagi nyang ginagawa noon.. may mga dala pang pagkain. Pero ngayon ito, nararamdaman kong nagiiba na ang lahat, simula ng may minahal na syang ibang babaeng higit pa saakin.

"Guys, We're about to start. Please prepare yourselves"

--

The fashion show is about to end. Tapos na ang pagmomodel ng mga designs, at ngayon isa-isang tinawag ang mga designers..

"And last but not the least, our very young designer... Ms. Vivien Andrada"

Tinawag na ako at lumabas na sa stage.. Kahit na kinakabahan ako, I try to put the best smile in my face, pero bakit feeling ko pilt na pilit yung ngiti ko. Gosh kinakabahan talaga ako.

"GO VIVIEN!!! BESTFRIEND KO YAN!!"

Narinig kong sumigaw si Marco mula sa mga audience agad ko naman itong nakita. Nag thumbs-up sya saakin at ngitian ko sya. Finally, its not a fake smile.

Natapos na ang Fashion Show at nandito kami ngayon nakikipag kamay sa kung sino-sino.

"Hello Ms. Vivien, I love your designs"

"Thank you maam"

"If its okay with you, I want you to design me a gown"

"Ofcourse maam it's a pleasure"

Nakakataba ng puso marinig na pinupuri ka pero bakit may hinihintay pa akong taong magpupuri saakin. Nagulat ako ng biglang may yumakap mula sa likod ko.

"Congratulations!"

"Oh, Ikaw pala Lovely, I thought"

"I thought ano? Si Marco?"

"Nakita mo ba sya?"

"Ayun oh."

Tinuro nya kung nasaan si Marco, nakita ko syang nakikipag kamay sa ibang mga designers at staffs dito sa event.. Totoo palang kasama nito si Jessica.

"Oh? Anong tingin yan? Wag kang mainsecure!"

"Insecure ka jan?"

"Look girl, kaninong araw ba to? Sayo o jan sa babaeng feeling virgin na yan? Kung ako sayo, puntahan mo na, baka hinahanap at hinihintay ka rin nyan"

Patungo na ako sa direksyon kung nasaan si Marco, ngunit bigla akong tinawag ng isa knog client..

"Ms. Vivien, can I talk with you for a while?"

"Sure, Maam"

Hay, alangang tanggihan ko?. Natapos narin ang pag-uusap namin ni client at papunta ako kung nasaan si Marco, pero pagtingin ko wala na ito dito.

"Girl! Bakit di ka nagpahatid kay Marco!"

"Pahatid?"

"Oo. Umuwi na sya e.. kasama nya parin yung girl. Dapat nagpahatid ka, tutal gawain nya naman yan e."

Bigla tuloy akong naiiyak.

"OMG! Why? May nasabi ba si Marco na hindi maganda?"

"No Lovely, wala syang nasabi kasi di naman kami nakapag-usap"

"You mean, umalis sya ng di ka kinakausap. My gosh, this is no good"

"Lovely, uuwi na ako"

"Uhhm Girl hatid na kita?"

"No, Im okay.."

"Pero di mo dala ang Car mo.."

Yes, di ko dala ang Car ko. Kasi ang buong akala ko ihahatid nya ako, tulad ng mga ginagawa nya dati.

"I'll just take a cab"

"You sure"

Tinanguan ko sya at tuluyan ng umalis. Bakit ganito? Ang sakit sakit.. dapat ko na talaga sigurong tanggapin na di habang buhay nasa tabi ko sya. Kailangan kong mabuhay sa sarili kong pamamaraan.

*Text message*

From Marco BFF:

Congratulations BFF! Sorry we could not stay too long in the party. Just enjoy the night bes, I know you deserve it.

"Ganun lang yun?" di ko na mapigilan ang sarili kong umiyak.





Author's note:

Im sorry for not updating this past few days.. babawi po ako.

Show me your "Real Feelings"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon