Vivien's POV
Sunday na! nandito ako ngayon sa kwarto ko at inaayos ang mga gamit na dadalhin ko sa friendly date/ outing namin ngayon ni Marco.
"Viv!!!!" mukhang si Marco na yung tumatawag sakin.
Dali dali akong bumaba at binuksan ang pinto.
"Good Morning!!" nakangiti kong sabi pero bilga ring nawala ang ngiti ko ng makita kong may kasama sya
"Hi Vivien" ngumiti ito
"Marco mag-usap nga tayo sa taas" inis kong sabi sakanya at umakyat sa kwarto ko. Eh sinong di maiinis? Bakit nya kasama yun.
"Wait lang Jessica ha?"rinig kong sabi ni Marco at umakyat narin
"Bakit kasasma sya?"
"Why? Is there a problem?"
"Akala ko ba treat mo sakin to? Kung alam ko lang na kasama sya edi kayo na lang ang umalis!"
"Let me explain first. Diba almost a week na akong nasa Palawan kaya isang linggo ko na syang di nakikita. She want us to go out, pero sinabihan ko naman syang aalis tayo kaya hindi pwede, pero sabi nya gusto nyang sumama. Alangang sabihin ko na di pwede edi magtatampo yun"
"Wow.. buti pa sya naintindihan mo yung feelings nya, samantalang ako di mo na lang kinunsulta" sarcastic na sabi ko sakanya. Parang gusto ko ng umiyak sa sobrang inis.
"But I know you'll understand my situation.. right?" nag-aalangan nyang sabi
"What made you think that I would understand you?"
"Because we're Bestfriends remember?"
Napabugtong hininga na lang ako. OO BESTFRIEND ako pero bawal bang magreact? Di ako katulad ng iba jan na Okay lang as long as Masaya ang BFF nila, selfish na kung selfish .
"Hindi na lang ako sasama"
Nakita ko ang lungkot sa mukha nya ng marinig ang sinabi ko
"Sasabihin ko na lang masama ang pakiramdam mo, kaya di na lang tayo matutuloy" aalis na sana sya ng bigla akong nagsalita
"Wait!"
"Bakit?"
"Do you really want to be with her?"
"Oo. Pero I want to be with you too"
"Okay, sasama na ako"
"YES! Thanks Viv!" niyakap nya ako ng mahigpit
Binabawi ko na ang mga sinabi ko kanina. Di ko naman kayang makitang nalulungkot ang Bestfriend ko tapos ako pa ang dahilan.
—
Nandito na kami sa isang resort sa Batangas.. Kahit na sumama ako di ibig sabihin ayos na akong kasama is Jessica. Masama parin ang loob ko. Pinilit kong matulog na lang sa byahe kahit di naman ako inaantok.. wala akong sa mood para makipag-usap, ay teka wala namang kumakausap sakin kanina e, ,may sarili nga pala silang mundo.
"Viv join us. The water feels so good!" sabi ni Marco
"Oo nga Vivien. Baka masobrahan yang pagta-tan mo" sigaw ni Jessica
"Later" maikling sagot ko sakanila
Wala pa ko sa mood mag tampisaw sa dalampasigan. Heto ako nakaupo lang sa isang tabi.
"Excuse me? Ms. Vivien Andrada right?"
Tinaas ko ang shades ko. Oh my Goshh.. Para syang si Christian Grey.. Ang gwapo naman nito. Teka? Kilala nya ako.?
"Yes I am. Do I know you?"
"No, let me introduce myself.. Im Brylle Sebastian, brother of Hannah Sebastian. Yung ginawan mo ng wedding gown last September.
"Ahh! I remember. Kamusta na pala sya?"
"She's 5 months pregnant"
"Wow that's good"
"Mag-isa ka lang ba?"
"No, may kasama ako. Nandun sila, naliligo"
"Akala ko wala kang kasama. Yayayain sana kitang mag lunch"
"Bakit wala ka bang kasama?"
"Wala na e. Nauna na silang umuwi kanina. Nagpaiwan ako di ko nga alam kung bakit e, now I know why" ngumiti ito
"Ahh" napatango ako
"So would you like to have a lunch with me?"
"Sure. Why not.. magpapaalam lang ako sakanila"
"Tara samahan na kita"
Nilapitan namin si Marco at Jessica na halatang ang saya sayang naliligo
"Marco, I want you to meet Brylle. Brylle this is my bestfriend Marco and that this Jessica"
"Hello Marco" sabi ni Jessica
"Is it okay with you if I join him for lunch?"
"Okay..Lunch nap ala, kaya pala nagugutom na ko" wala sa mood na sabi ni Marco
"Edi sabay-sabay na lang tayo mag lunch.."
"Great idea! Mauna na lang kayo dun, susunod na lang kami" sabi ni Jessica
"Okay, see you there."
Umalis na kami ni Brylle. Nakita kong nakatitig samin si Marco na parang may gustong sabihin ang mga mata nya.
BINABASA MO ANG
Show me your "Real Feelings"
Non-FictionI have read a story when I was in Grade School... And that story is one of my inspiration for this story. I only got some of the ideas but I am the one who really made this. Enjoy reading!! don't forget to vote.