The First Time

19 1 0
                                    

"This is it! This is it! Excited na ako." masaya kong sabi habang nagpeprepare sa first day of school and my last year sa High school life.






My name is ElZe Cortes, LZ for short. "Short"... -________- Yes! Dahil short lang ang name ko ganun din ang height ko. Hindi ako mahilig gumala, at hate ko maglakad sa nakakasunog na init ng araw. Kaya lagi kong pinipray kay Lord na sana umulan nalang araw-araw. 16 years old palang ako at dito nagsisimula ang aking kwento.






"Hoy! LZ kung ayaw mo malate bilis-bilisan mo jan. Malayo pa naman byahe niyo!!!" -sigaw ni mama






"Yiiis, mother dear." -sarcastic kung pagkasabi. Kay aga-aga sumisigaw na. Kung alam ko lang mas excited pa siya kaysa sa akin.





Bumaba na ako sa kwarto at sumakay na sa kotse. Syempre hinatid ako ni papa. 45 minutes yung byahe at tahimik lang kami. Ganun kami palagi walang imikan. Hindi naman sa hindi kami close ni papa, tahimik lang talaga ako. Haha nakakalito ba? Ako rin nalito e. Nabasag lang ang katahimikan ng...




"LZ!!! LZ!!!"- nagsisigawan at kumakaway ang mga fans ko, este mga kaklase ko pala. Tumakbo sila palapit sa kotse ni papa.






"LZ mga kaklase mo ba yung nagsisigawan?" -Papa





"Mga fans ko po yan, gusto siguro magpa-autograph. Hinihintay nila ang pagComeback ko kaya ayun. Naloka ata at sobrang namiss ako." -LZ





"Haha Baliw ka talaga. Bumaba kana. Bye Ingat..." -papa

Alam ko naman po yan, matagal na.





"Okay po, bye-bye~" -LZ






Ganito kasi yun, kaya nagkakagulo yung mga kaklase kong mas baliw ba sa akin ay dahil nahiwalay ako sa section nila. Ang saya no? Hindi! Hindi ako masaya, syempre malungkot. Sino ba naman ang may gusto na mawalay sa mga kaklase niya na halos ituring mo ng kapatid ang mga iyon. At kung gaano man sila kabaliw, nakakahawa naman at iimmune na ako. Kaya nung nalaman ko na iba na yung section ko. Sobrang lungkot ko at hanggang ngayon nalulungkot pa rin ako at namiss ko na ang mga kabaliwan ng mga kaklase ko.





Pagkababa ko dinumog nila ako. NIyakap nila ako isa-isa ng napakahigpit, buti nalang nakahinga pa ako. May nagbeso-beso pa. May umiyak (Feeling artista ako ngayon, pagbigyan niyo na ako.) :p Nang matapos na ang mga kadramahang iyon. Nagsalita ang isa kong kaklase.





"LZ huwag na huwag mo kaming kalimutan ha?"-Kaklase 1

"Ang o.a mo naman. Hindi pa ako ulyanin." -LZ

"Basta bisitahin mo kami sa room namin." -Kaklase 2

"opo." -LZ

"LZ kumain ka ng mabuti dun, at magsalita kana. HAHAHA!"-Kaklase 3

"Haha baliw ka talaga, nagsasalita naman ako e." -LZ





Hinatid nila ako sa bagong classroom ko. Super kinabahan ako nun kasi andaming pumasok sa isip ko. Tulad ng "Pano kung hate ako ng bago kong mga kaklase.?", "Magkakaroon kaya ako ng bagong kaibigan?", "Pano kung... Paano kung..." Aaaaaargh, dami ko iniisip 'di ko namalayan nasa tapat na pala kami ng New Classroom ko.





Kinalabit ni kaklase 1 ang bago kung kaklase.

"Pssst..." -Kaklase 1






An Invitation To His HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon