Wait... What?

11 0 0
                                    

Valentines Day...





Ringring!!! Ringring!!!

Nagising ako sa ingay ng phone ko. Kay aga-aga may disturbo na. Ganda na sana ending ng panaginip ko naputol pa talaga.



 



Ringring!!! Ringring!!!

"Oo naaaa~" -minulat ko ang aking mga mata slomo effect pa yun. Ansakit kasi sa mata ang liwanag sa phone ko, nafull ko ata yung brightness niya.





"Hmmm... Hello?"- hindi ko na tinignan kung sino ang caller.

"LZ, Happy Valentines Day!" -caller sino 'to?

"Likewise..." sagot ko naman. 'Di na nagsalita ang caller. Magtatanong pa sana ako kung sino siya. Pero binabaan niya ako. Lanya! Tatawag-tawag 'di naman magpapakilala.

"Disturbo, makatulog nga ulit." -LZ





Klase nanaman... The next day...





"Good morning!" -Bati ng kambal kong kaklase.

"Morning!" -antok kong bati.

"Kamusta Valentines Day niyo ni Enzo, LZ?" -Kambal 1

"Let me rephrase that... Kamusta date niyo kahapon? Hahaha" -Kambal 2

"Walang DATE! ok?! -_______- Tsaka Okay lang Valentines ko. Kadate ko lang naman sarili ko. Ewan ko lang kay Enzo." -LZ

"Haha Narinig namin convo. niyo kahapon." -Kambal 1

"Ha? Anong convo.? Nag-usap ba kami?" -LZ Hindi naman kami nag-usap kahapon e kasi Linggo kahapon. 

"Tinawagan ka niya kahapon. Haha" -Kambal 2 So siya pala yung caller. Kaya pala. Dahil sa sarap ng tulog ko kahapon nakalimutan ko ng iscan phone ko kung sino yung caller.

"Siya pala ang caller? Ang aga kasi niya tumawag. Tulog pa ako nun." -LZ

"Kaya pala. Haha" -Kambal 2

"Bakit? May nangyari ba kahapon?" -nagtataka na talaga ako sa dalawang 'to. tawa lang ng tawa.

"Nakakatawa kasi reaction ni Enzo kahapon." -Kambal 1

"At bakit?" -LZ

"Kasi nung nagGreet siya sayo sinagot mo lang ng 'Likewise', Hahaha" -Kambal 1

"Oo nga, from the look of his face parang iba yung inexpect niyang sagot mula sayo." -Kambal 2

wait... what?! o.O Ano ba dapat isagot ko nun, e bumati lang siya ng Happy Valentines tapos binabaan na ako.

"Baliw ba kayo? Alangan naman sabihin kong 'Ma—" -LZ

"Ang ingay niyo." -Enzo Dumating na pala si panget.

"Bahala kayo jan." -LZ

Tiningnan ko siya saglit sabay walk-out. Tinakasan ko sila para 'di na lumala ang panunukso ng kambal. Lanyang kambal pinagtitripan ako. (_-_)





—————————————————————————————————————————————————————-

"LZeeeee" -bumulong na pasigaw si Enzo.

"O?" -LZ Enzo tantanan mo na ako please.

"Okay ka lang?" -Enzo

"Yup." -LZ

"Mag-usap naman tayo o." -Enzo

"Yoko." -LZ

"Sige na." -Enzo

"No!" -LZ

"Importante kasi sasabihin ko sayo." -Enzo

Gaano ba ka importante 'yan at kailangan talaga ngayon na.

"Busy" -tipid kong sabi.

"Lunch time. Mag-usap tayo. Sa gusto mo o hindi." -Enzo

Haaaay, no choice... Talo nanaman ako.





Lunch time...





Wala akong takas. Palabas na sana ako ng room ng nahuli ako ni Enzo. Pinaupo niya ako sa arm chair ko at tumabi siya sa akin.

"Hindi mo ako matatakasan." -Enzo

"Alam ko... Naiihi kasi ako." -LZ palusot :p

"Samahan na kita." -Enzo manyakis!

"Gusto mo mamatay?" -LZ

"'Di, joke lang ^o^v" -Enzo

"O, ano na yung napakaimportante mong sasabihin sa akin?" -LZ

"Tungkol kahapon." -Enzo

"Bakit? May nasabi ba akong hindi mo nagustuhan?" -LZ eto nanaman...

"Hindi naman sa hindi ko nagustuhan. Unexpected kasi na 'yon lang 'yong sagot mo." -Enzo

"Ha? Ano ba dapat?" -LZ

"H-Ha? Ah, wala naman. Unexpected lang. 'Ge bye..." -Tumayo na siya at lumabas kasama bestfriend niya. Naiwan akong naguguluhan. Ano ba kasi dapat? tsk tsk tsk

An Invitation To His HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon