Kilig (?)

5 0 0
                                    

"Joke lang. ^o^v" -Enzo

Lumapit siya sa akin tapos bumulong na "Mamimiss kasi kita."

"Miss mo mukha mo." -crossed arms kong sagot.

Natuwa ako sa sinabi niyan at kinilig. Wait... What? Anong pinagsasabi ko hindi ako kikiligin sa panget na 'yan. Oh my ghaaa! ><



"Totoo sinasabi ko."-nagbeautiful eyes ang loko.

"Say whatever you want."-I just glared at him. Hindi tumatalab mga moves niya sa akin. Hindi nga ba? What am I thinking. Tumino ka LZ, hindi mo siya gusto. Hindi! Hindi!





Dumaan ang Christmas Break... It was a big shock for me na nagtext ang panget. Kanino niya kaya nakuha number ko? I didn't bother asking, sayang load e, kakatamad pa magtap sa screen. Nirereplyan ko naman siya, buti mga importanteng bagay tinatanong niya. Masaya naman pala siyang katext, halos araw-araw nagpaparamdam. Ang yaman ng loko. Mayaman sa load. haha 





Sa kasamaang palad kagrupo ko nanaman siya sa isang Project. Nakakasawa na talaga ang pagmumukha ni panget. Nagkita nanaman kami... Sabay pa kami pumunta sa meeting place. Hindi kasi sumipot ang isang member namin, siya pa naman in-charge sa mga bibilhing gamit. Kaya napilitan akong bumili sa may hardware at nagpasama ako sa kanya. Yung ibang members kasi papunta pa. Tapos maaga siya dumating. Nabili na namin lahat. Pumunta na kami sa meeting place. Tahimik lang kami dalawa. Hindi talaga ako madaldal. Naiilang din ako.




Malapit na kami dumating. Huminto si panget... este Enzo sa paglalakad. Tiningnan ko siya "May problema ba?" pagtataka ko.

"Wala naman." -may kinuha siya sa bag niya at inabot sa aking ang maliit na stuffed toy.




"Ano 'to?" -tanga ka ba, LZ? Obvious naman na stuffed toy yan, tinatanong mo pa. Bobo mo talaga. E sa nagulat ako e. Ano ba problema mo? Masama bang magtanong? Kaloka ka. Haaaays, ewan ko sayo. Inaaway ko na ang aking sarili. Nababaliw na ako. Back in reality. Tiningnan ko lang si Enzo at hinihintay ang sagot niya.





"Regalo ko sayo. Christmas gift." -binigyan niya ako ng matamis na ngiti. Nahihiya pa ang loko. Haha infairness, natouch ako. 




"Ang sweet naman. Thank you, Enz—"- naputol ang sinabi ko nang nagsisigawan at nagtatagbuhan ang ibang members palapit sa amin.





"Tara na guys. Bilisan natin to. Pinapa-uwi ako ni mama ng maaga." -Member 1




"Ako rin may lakad kami ng family ko." -Member 2 






"Buti pa kayo may time pa kayong mamasyal." -emote kong sabi sa kanila.





"Ang oa mo naman LZ. Anjan naman si Enzo. Di ba nagdate na kayo kanina? Hahaha" -Member 1




"Gusto mo mamatay?" -pagbabanta ko sa kanya





"Joke lang! Hehe sige na... Go!Go!Go! Ayusin na natin itow." -Member 1




Natapos din namin ang aming project. Si Enzo walang nacontribute sa grupo namin. Pero joke lang. Busy siya sa kakatitig sa akin. Nakakailang na nga e, hindi ko nalang pinapansin. Pagdating ko sa bahay... Nakalimutan ko pala mag"Thank you!" kay panget. Tinext ko si Enzo Panget at nag "Thank you!". Nag"You're welcome" din agad. Fast hands ang loko.





Masaya naman ang Christmas Break namin kung pwede nga lang na hindi na kami pumasok e. Kakatamad na mag-aral may exams pa. Nagsimula na akong magcheck ng attendance namin. Habang nagchecheck may nagpat sa ulo ko at nagGreet ng "Good morning, LiZ!" ^_^ 





>_>





<_<





-__________________-





"hmmm, morning din, panget." -okay lang naman sa akin na i-pat ulo ko pero nakakapanibago na si Enzo pa talaga. New Year's Resolution niya ba yang pagpapat?






Mas lumala ang sakit este mga pinagGagawa ni Enzo sa akin. Noong una pat lang. Tapos after a week may pahawak-hawak na ng kamay. Another week nilalaro na buhok. Nagiging super touchy na si Enzo. At hindi ko na nagustuhan. Akala tuloy ng marami na kami na. Asa! Hindi ako magkakagusto ng panget.

-________-







An Invitation To His HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon