Space

4 0 0
                                    

After nung nangyaring interrogation sa akin kahapon, napagisip-isip ako na dumistansya na kay Enzo.





"LZ!" -tawag sa akin ni Enzo

Hindi ko siya nilingon. Not now Enzo wala ako mood. Tsssk




"LZ!!!" -tawag niya ulit.

Ang kulit din ng lahi niya no? Nagpakabusy ako kunwari nagchecheck ako ng attendance. This time lumapit na siya at tinitigan ako sa aking mga mata. Nabigla ako sa biglang pagsulpot niya sa harap ko kaya napaatras ako.





"Ano problema mo, Enzo?" -LZ

"Kanina pa kita tinatawag. 'Di ka sumasagot." -tinitigan niya pa rin ako.

"Busy ako." -pangrarason ko sa kanya.

"Kaya umalis kana." -naghand gesture pa ako na pinapaalis siya.

"Tinatawag ka kasi ni ma'am." -umiba yung ekspresyon sa kanyang mukha. Nalungkot siya kaya pagkatapos niyang sabihin yun ay umalis na siya.

"Kala ko mangungulit nanaman." Tumayo na ako at naglakad papunta sa office ng adviser namin.






Pagbalik ko ng classroom, may biglang humila sa akin at si... Enzo yun.

Tiningnan ko siya ng masama. I'm sorry Enzo. Pero naguguluhan ako. Mukhang tama nga sila. Nagugustuhan na kita. Pero naguguluhan pa rin ako kaya kung pwede lang sana na layuan mo ako. Hindi nagawang masabi yun sa kanya. Pinagmasdan ko lang siya, kita sa mukha niya ang lungkot.





"Liz" -panimula niya.

"Ano?" Enzo pinapahirapan mo'ko e.

"Bakit ka ganyan?

"May nangyari ba?" -Enzo

"Anong pinagsasabi mo?" Alam niya siguro na iniiwasan ko siya.

"Bakit mo ako iniiwasan?" I knew it! Tiningnan niya ako ng seryoso.

"Wala ako sa mood." -Tama! Wala ako sa mood. Kaya layo-layuan mo na ako.

"Kung ano man yang problema mo. Andito ako." -Enzo

"Okay." -LZ

"Seryoso ako Liz." Nahihiyang sambit niya. Seryoso san?

"Okay." matipid kong sagot ayoko na tumagal pang pag-uusap namin.

Umalis na siya at halatang malungkot pa rin siya.






After one week... bumalik naman ulit kami sa dati ni Enzo. Ang pinagkaiba lang ay hindi na siya touchy pero hindi pa rin nawawala ang pagkamakulit niya.

Masaya naman ako at naging okay kami ulit. Siguro nalaman niya ang dahilan kung bakit ko siya iniiwasan nun.






Hindi pa rin maalis sa aking isipan kung ano ba talaga 'tong nararamdaman ko sa kanya. Noon naiinis talaga ako sa presensya niya, kasi ang napakatahimik kong buhay ay ginulo niya. Pero habang tumatagal nasanay na rin ako, at masaya ako kapag nandyan siya lagi. Parang isang anghel na binabantayan ako. Ang corneee ko na. OMG o.o






"Uy, guys ngayong friday na pala, Seniors Night natin."

"OMG I'm so excited."

"May dress na ba kayo?"

"Oo naman no, pinaghandaan ko talaga yan. Nagpatahi nga ako e."

"Last month reading-ready na yung dress ko."

"Sino kaya makakasayaw ko?"

"Sana makasayaw ko si crush. Ayyyiiiieeee..."





Nagkaguluhan mga kaklase kong mga babae sa room. Halatang excited na sila. Last event na namin ang Seniors Night bago kami grumadweyt sa high school. Kaya sobra makahanda yung iba. Meron na akong dress pero hindi naman ako ganun masyadong excited. Aaminin ko na, excited na ako. Haha pero hindi dahil gusto ko makasayaw ang special someone kundi dahil ito lang ang event na makapagbonding kami ulit ng mga friends ko sa ibang seksyon. Namiss ko na talaga sila. Wala na din akong time makapaggala sa room nila kasi sobrang busy ng naming mga Seniors.


An Invitation To His HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon