The next day...
Hindi ko pinansin si Enzo. Todo iwas ako sa kanya. Galit pa rin ako sa ginawa niya. Kaya ayun sa tuwing lumalapit siya, bigla akong tatayo tapos yayain kaibigan kong pumunta ng canteen. Hmp! Buti nga sayo. :/
After ng Calculus namin pumunta kami sa Computer Laboratory. Pagdating namin dun labis ang pasasalamat kay Lord God kasi may aircon na rin sa wakas at hindi na kami nagtitiis sa sobrang init ng panahon. Habang feel na feel ko yung hangin ng aircon, lumingon si Enzo sa likuran niya at tiningnan ako na para bang tuta na nagmamakaawa na pansinin ng kanyang amo.
Che! Bahala ka jan. ampangit mong magpuppy eyes, 'di bagay. :p
Pero sa totoo lang natatawa ako sa itsura niya. Pinipigil ko lang dahil galit pa rin ako.
Uwian... Lumakad na ako papuntang Bus Stop ng may...
"LZ!!! LZ!!! Wait lang!!!"-Enzo
Binilisan ko ang paglakad.
"HOY!!!"-Enzo
Tumigil ako at nilingon ko siya.
"Una sa lahat, hindi 'HOY' ang pangalan ko. Pangalawa, hindi pa tayo bati. Pangatlo, hindi kita mapapatawad sa ginawa mo. Pang-apat, tigil-tigilan mo na ako. Panglima, 'wag mo na akong disturbohin. Ang kulit mo. BYE!!!"- mahinahon kong sabi, mahirap na baka magkaHigh blood ako sa ganda kong 'to.
"Sorry!" -Enzo
"Ha? Ano? What?"-LZ Bingi bingian ang peg te? Haha :p
"Sabi ko sorry. Sorry kung nabadtrip kita. Sorry kung lagi kita kinukulit. Sorry na talaga LZ." -Enzo
BINABASA MO ANG
An Invitation To His Heart
Teen FictionWho would have thought that an anti-social girl like me would meet a mayabang, panget, mahangin, korneee, pilingero, tamad, matalino (daw) and super (super?) talented guy in my last year of our High school life. If like niyo po story ko please don'...