The First Time

9 1 0
                                    

Lumingon naman yung bagong classmate ko.





"Ano yun?"-New cm





"Favor please... Alagaan niyo 'tong si LZ ha. Kahit na super tahimik 'to, super bait naman niya. Huwag niyo awayig. 'Pag nalaman naming inaaway niyo siya makakatikim kayo ng suntok ko." -sabay clenched fist ni Kaklase 2, naka boxing pose pa ang loka. Infairness natawa ako sa pagmamalasakit nila sakin. Lab na lab talaga ako ng mga 'to, kaya sobrang nakakalungkot.





"Huwag kayo mag-alala. She's in good hands." -sabi ni New cm with smile pa yun. Nag-alangan tuloy ako kung papasok ako o hindi. Haha magcucut class kaya ako.





KrRrRiiing!!! KrRrRiiing!!! KrRrRiiing!!!




Natapos na ang flag ceremony namin at nagsipasokan na sa aming mga classroom. Hindi natuloy yung pagcucut class ko, sayang kasi check attendance pa naman.






Nakalipas ang ilang araw medyo masaya na rin ako sa mga bagong classmates ko. Masaya naman pala silang kasama. Ninominate nga nila ako bilang class monitor. Bale ako yung incharge sa pagchecheck ng mga classmates ko araw-araw, oras-oras. Nakakapagod nga e pero masaya naman kasi tinutulongan ako ng mga iba kong mga kaklase.





Pumasok ang English Teacher namin at pinapangkat-pangkat kami. Pagkatapos diniscuss ng teacher namin kung anong gagawin namin dinismiss niya kami agad, nagmeeting kami ng aking kagrupo. Magkikita kami sa weekend at gagawa kami ng aming props para sa aming paint-a-picture presentation, syempre with costumes na yun.





Sabado...


Pagdating ko sa meeting place namin, dalawa pa kami nandun.

"Ang aga ko pala." -LZ

"Oo nga e. Lagi ka naman maaga siguro dahil yan sa pagiging class monitor mo kaya, nakasanayan mo na."-Enzo


Siya si Enzo. Lagi siyang maaga dumadating sa school. Talented yan, 4 years niya na ata sa PE Club. Staying strong and loyal. Well, matalino din naman siya, super talino pala especially calculus. Ewan ko ba kung paano niya iniintindi yung mga numbers at letters na binibigay ng professor namin. Sumasakit nga ulo ko lagi e. Hindi naman siya nakikinig, natutulog lang siya lagi, buti nalang hindi nahuhuli ng teacher namin.





"Dapat pala ikaw nalang yung class monitor. Mas maaga ka naman dumadating sa school."-LZ





"Nakakapagod kaya." -Enzo





"Buti alam mo. At wag mo na nga yan ibanggit sa akin ang pagkaClass monitor ko. Feeling ko tuloy nakakaawa ang role ko sa room natin."-LZ



Oo, naiirita ako at naiinis. Ayoko na talaga maging monitor kasi magte-3 years na ako sa serbisyo na yan. And it has been a living hell. Nakakapagod sa dinami-dami ng kaklase ko, at 8 hours trabaho ko yang pagchecheck kung present, late, cut class, or absent ba sila. Okay lang sana kung may sweldo kaso wala e. Kaya lagi ako nahuhuli sa mga seat works namin at napapagalitan pa ako ng mga teachers.




Buti at tumahimik na rin siya. Nagsidatingan na rin ang iba naming mga kagrupo. Nagsimula na rin kami sa paggawa ng props. Habang besing-busy kami sa pagset-up ng props napansin ko na nasa gilid si Enzo at nagsasoundtrip.






"Hoy Enzo!!!" sigaw ko sa kanya. Hindi niya narinig. Inulit ko.

"HOOOOY EEENZO!!!" 'di pa rin kumibo. Kinuha ko ang packaging tape at binato sa kanya. Yun Head shot. Haha XD :P





Napa-aray siya at tumingin sa akin ng napakasama.




"O ano ha?!" -LZ

Gusto ko na sana tumawa, ang laki kasi ng bukol niya pero pinipigil ko ang aking sarili kunwari galit pa rin ako.

An Invitation To His HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon