Pagkagabing 'yon hindi ako nakatulog ng maayos sa kakaisip ng mga nangyari. Ang saya saya ako, masasabi ko talagang it was one magical and one of the most memorable experience in my 4 years in my high school life.
Akala ko talaga sa mga libro lang at sa movies mangyayari ang mga ganung mga pangyayari, I thought wrong. Gossshhh, hanggang ngayon namumula pa rin ako. I definitely like Enzo. I wonder if he likes me too? Haaaay (*///*)
After a week...
Busy lahat ng seniors para sa graduation, hindi ko na masyado napapansin si Enzo. Everytime na magkita kami timing naman na lunch time at inanyayaan ako ng mga friends ko na maglunch kasama nila. Ayoko din naman tanggihan offer nila, paminsan-minsan lang kami makapagbonding at malapit na rin graduation namin.
Pagkabalik namin sa Practice Hall, may humatak sa akin at naiwan ako ng mga friends ko, hindi nila nahalata na nawala ako. Kinabahan naman ako nun.
Nsnglingunin ko kung kanino kamay ang humahatak sa akin papunta sa isang tahimik at hindi masyado matao na lugar, si Enzo naman pala. Nakaramdam ako ng kaba at may saya. Iniharap niya ako sa kanya.
"Bakit tayo nandito?" Taka kong tanong sa kanya.
Bumuntong hininga siya at nagsalita. "May sasabihin akong importante sayo, Liz."
"O, ano naman?" -LZ
"A-ano k-kasi. U-uhm... I think I-i-i'm falling for y-you."
I think I-i-i'm falling for y-you
I think I-i-i'm falling for y-you
I think I-i-i'm falling for y-you
Paulit-ulit na umeecho sa utak ko ang sinabi ni Enzo. He's confessing his feelings for me. Ow-me-ghaaaawd!!!
"Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman para sa'yo. I know it sounds so corney saying these things." Bakas sa kanyang mukha ang sobrang kaba. Natameme lang ako. Ano ba dapat sabihin ko?
BINABASA MO ANG
An Invitation To His Heart
Novela JuvenilWho would have thought that an anti-social girl like me would meet a mayabang, panget, mahangin, korneee, pilingero, tamad, matalino (daw) and super (super?) talented guy in my last year of our High school life. If like niyo po story ko please don'...