"Ui guys punta na daw tayo ng meeting hall." -Elle
"Magsisimula na ba?" -Kambal 1
"Oo, dalian niyo jan. Inaantay na tayo." -Elle
May event kami ngayon exclusive lang sa mga Seniors. Tungkol sa Future Jobs na kukunin namin. PangFuture career ang aming attire ngayon. White pants, white long sleeves at flat shoes ang sinuot ko. Simple lang... Wala na kasi akong oras maghanap kahapon dahil natagalan byahe ko at gabi na ako nakarating sa bahay. Nagmadali na kami papuntang Meeting Hall, isa-isa kaming nagdala ng mono block para may maupuan kami.
"Guys, huwag niyo pala kalimutan na may Run way tayo mamaya." -Elle
"Bakit may ganun pa? Nakakahiya kaya." -LZ
"Wala na tayong magagawa LZ, 'yon ang sinabi ng School Principal natin." -Elle
"Wala nga." -LZ Haaay...
"Bago ko makalimutan, by pair ang runway." -Elle
"Elle pair tayo." -LZ
"Okay sige." -Elle ^_^
"Pssst..." -Enzo
"Bakit?" -LZ
"Partner tayo. 'Ge na." -Enzo
"H-huh ah e, mero—" -LZ o.O Elle?
"Okay lang, Liz. Kayo na pair ni Enzo." -Elle <o< Liz? o.O Bagong nickname. T-teka nga. Tinataboy niya ba ako. Traydor ka Elle. Huhu :'(
"Okay lang pala e. So, tayo na?" -Enzo Ha? Anong 'tayo na'? Walang TAYO. Gosh, kakagulat pinagsasabi mo Enzo. Nakaka-kili- este... nakakainis. Haaays...
"Walang tayo. -__________- May magagawa pa ba ako? Ayoko naman magsolo." -LZ
"Haha sabi ko nga." -Enzo
Pumunta na kami lahat sa likuran at naghanda na para sa Runway. Nakakakaba na nakakatakot. Ayoko talaga maging Center of Attraction. Turn na namin ni Enzo.
"WOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!"
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAYYYYYYYYYYYYYYYIIIIIIIIIIIIIIEEEEEEEEEEEEEE!!!!"
Nagtilian lahat ng mga seniors. This is what I am really afraid of. Ugh matutuwa ba ako? o maiinis? Ba't ganun 'di ako naiinis. Parang ang sa—... Pinagtitinginan tuloy kami ng mga teachers. Nasusunog ako Waaaaah >_< Nang makarating na kami sa harap bago kami humiwalay ni Enzo, inirapan ko siya. Mamatay kana! Dinamay mo'ko sa kalokohan mo! Syempre 'di ko yun sinabi. Ngumiti lang ang panget. Mas lalong lumakas ang tilian ng mga babae. Nakakabingi na. waaaaahhhhh!!! After nung Run way...
"Thank you, Liz! (^o^)" -Enzo NakikiLiz din ang panget. Tsk... Pauso...
"Okay." -LZ
"Sabi ko na nga ba ganun ang mangyayari. Hihihi" -Elle
"Traydor ka talaga." -LZ
"Haha Peace yow. (^o^)v" -Elle
"Ang sama mo. Niyo... Huhuh :'(" -LZ Gusto ko umiyak sa kahihiyan.
"Okay lang. You'll get over it soon." -Elle
-_______________- - LZ
^________________^v -Elle
Next nagRun way na section nina... Eya. Nung turn na ni Eya at ng isang guy nagtilian nanaman ang mga lalaki. Narinig ko si Enzo nagsalita sa likuran namin ni Elle.
"Haha hindi sila bagay. Nakakasuka sila tingnan." -Enzo Ba't niya sinasabi 'yan? Ang sakit naman niya magsalita. Akala ko ba gusto niya si Eya. Hindi kaya sinasabi niya lang yun dahil ayaw niya nung kapair niya? Ba't ba ako nakikialam. Wala na ako dun. Kainis...
"Oo nga e." -Kaklase 1 Aba! Sumasang-ayon din. Ano ba kasi meron sa kanilang dalawa. Naiintriga tuloy ako.
Natapos din ang event. Pabalik na kami sa kanya-kanya naming mga classrooms. Ang dami ko palang dala. Nahihirapan na tuloy ako dalhin 'to lahat.
"Akin na 'yan." -Kinuha niya gamit ko. As expected si Enzo. Napansin niya siguro na nahihirapan ako sa mga dala ko.
"Salamat." -LZ Naiirita pa rin ako sa sinabi niya kanina tungkol ni Eya. Gusto ko tuloy malaman ang past nila. 'The Past' Ano kaya nangyari sa kanila?
BINABASA MO ANG
An Invitation To His Heart
Teen FictionWho would have thought that an anti-social girl like me would meet a mayabang, panget, mahangin, korneee, pilingero, tamad, matalino (daw) and super (super?) talented guy in my last year of our High school life. If like niyo po story ko please don'...