One Sided Love: Courting <3

5 0 0
                                    

Nasa bahay lang ako ngayon. Absent kasi ako kasi may lagnat.

Hmm ?? Sino kaya ang pwede ka text ??

Hi

Send to Many

Ang tagal naman nila mag reply -_- nabo-bored talaga ako.

Titirititit ...
1 new message

Inopen ko agad. Pagka-open ko. Si Adrian yung nag text kaso smart alert, excited pa naman ako na replyan siya.

Ahh alam ko na.

Humingi ako ng load kay mama tapos pinasa ko sa kanya.

After 3 minutes dumating na ang load ko, pinasa ko sa kanya ang 15.

5 minutes

Walang reply.

10 minutes

Wala parin =_=

Kakain nga muna ako.

Titirititit ...
1 new message

Bigla ko agad kinapa ang cellphone ko sa bulsa ko. Tapos inopen ko. Tama nga ako si Adrian yung nag text.

Hi

Syempre hindi muna ako nag reply tumalon muna ako ng tumalon tsaka sumigaw ng sumigaw wala pa naman si tita nasa trabaho pa, ako palang mag-isa dito sa bahay. Waaahhhhh

Hello

Nag reply nako.

Ano gawa mo?

Wala upo lang ^^ kaw ?

Andito ako sa bahay ng inaanak ni papa eh naglalaro kami.

Ahh ganun ?? Sino ba ??

Hindi mo kilala wag na

Okay :D

5 minutes

Hindi na siya nag reply :( bored na naman ako -_-

15 minutes ...

Ella, SLR kumain pa'ko

Kaya naman pala. :) parang girlfriend lang noh ?? Bakit masama bang mag-assume?

No it's okay.

Ahmm Ella, pwde ??

Ano raww ?? Anong pwede ?? Siguro mangungutang to. Hindi siguro kasi mayaman naman to. Di kaya ?? Oh My Geeedd !! Hindi kaya nagtatanong na siya kung pwede na niya ako mapakasalan?? Hindi pa'ko ready magagalit si Mama sakin nito bunso pa naman ako marami pa'kong pangarap para sa kanila. Pero fights narin yun mayaman naman pamilya nila balang araw siya na ang magmamana ng lahat ng kayamanan nila kaya okay lang ^_^

Ha ??

Ano ?? Pwde ??

Anong pwede di ko gets

Ah wala.

Okay ??

Ano nga ano pwede ba ??

Ano ba yung pwede ha ?

Yung ano.

Diretsohin mo na kasi ano ba yun ha ??

Pwde ba

Manligaw ??

O_O

Totoo ?? Waahhh ako na ata ang pinaka swerte sa balat ng lupa, may balat ba yung lupa ?? Basta ang swerte kona.

Tama ba basa ko. Binasa ko ulit yung text niya.

Totoo nga.

Ano na ?? Ano na eh rereply ko ?? Hindi ako sanay nito. First Crush ko siya tapos siya rin yung unang nanligaw sakin. Mabuti hindi ako nagaya kay Francis sawi sa Pag-ibig hahaha xD ang ganda ko talaga :D

Ano ba eh rereply ko sigurado akong naghihintay na yun.

Ano nalang.

Hindi ko nalang rereplyan, blangko ako eh.

Uyy ?? Ella ?? Gising kapa ??

Ayan na nag text na siya.

Nobayan hindi ko alam ano eh rereply ko.

Ano trip mo Adrian ??

Tekang naman ho bakit yan ang ni reply ko ??

Wala na Ella :(

Hindi ah. Seryoso ako.

Seryoso siya ? Wee ? Mukha niya.

Sige nga patunayan mo.

Seryoso ka talaga ha. Pwes bukas patunayan mo.

Kung yun ang gusto mo. FINE !! :)

GOOD !!

Okay.

Hindi na siya nag reply.

Matutulog na'ko. Seryoso kaya siya ? Kaso crush ko lang naman siya hindi ko siya Mahal. Eh ako kaya ? Mahal na niya kaya ako ? Niligawan na niya ako meaning non kaya Mahal na niya ako ? Ang bilis naman. August palang ngayon.

Papatunayan naman niya Ella eh. Malalaman mo rin ang sagot.

One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon