One Sided Love: Happy Feast San Juan

5 0 0
                                    

Nasa kwarto ako ngayon, masakit ulo ko kaya kulong muna dito wala namang ibang gagawin eh.

Tititit tititit

(Ella, nasa labas ako ng bahay niyo. Labas ka dali)

Nag text sakin si Eunice. Masakit pa naman ulo ko ano na gagawin ko?

(Baba kana Ella. I'll wait here)

Tatayo na sana ako kaso nahihilo talaga ako eh. Ano ba gagawin ko. Nakakahiya naman kung hindi ko lalabasan si Eunice baka may kailangan siya.

Ah bahala na.

Naglalakad ako sa hagdan na parang zombie na parang lasing. Masakit talaga ulo ko eh.

Malapit nako sa gate.

Ito na'ko, binuksan ko na. Andyan nga si Eunice nakatayo.

"Eun, bakit ?"

"Sama ka samin?"

Ano na naman ba trip ng mga to ? Masakit pa naman ulo ko.

"Saan ?"

"Going swimming"

"Ha ?? Pe--------------"

Hindi niya ko pinatapos.

"Tara tulungan kitang mag-impaki ng dadalhin mo. At sinabihan ko na tita mo, it's okay na daw"

Anooo ?? Patay to. Wrong tyming.

-------------

Paalis na kami ngayon. Masakit parin ulo ko nahihilo parin ako. Bakit ba ang hilig nila gumala ganyan ba mga mayayaman? Ayoko na pala yumaman . Di joke lang :)

Tumigil na kami sa kanino bahay to ?? Tapos sa di kalayuan may mga banderitas at tsaka ang ingay.

Anong date na ba ngayon ??

June 24,2014

San Juan ?? Kaya naman pala gusto nila mag swimming. Ba't ngayon ko lng naalala .

Pumasok na kami ni Eunice. Kanino ba bahay to?

"House to ni Jean"

Galing ni Eunice alam ang nasa utak ko. Ang laki rin, pero mas malaki ang sa kanila ni Francis. Siguro ito 1/4 lang ang laki dito kaysa sa kanila. Pero maganda naman kulay blue yung pintora.

"Tara pasok na tayo sa loob naghihintay na sila"

Umuna na siya sumunod narin ako. Hindi ko alam pa sikot-sikot dito kaya.

Pag pasok namin.

"Akin na gamit mo"

Alam niyo ba kung sino yan nagsasalita si Adrian. Waaaaaahhh Ang Gentlemen niya. Parang gusto ko tuloy sumayaw ng Gentlemen yung sa Korea na kanta ni Psy. yeeeehhhh ...

"DomadamObsss Adrian ah"

"Di ah. Tinutulungan lang naman si Ella"

"May ganun ba? Soss if I know may gusto kana kay Ella eh"

"Wala noh. Friends lang Friends"

"Diyan nagsisimula ang lahat pre, diba Francis ?"

Tiningnan ko si Francis ilang araw na niya ako hindi kinukulit. May problema ba siya.

"Tss."

Tapos nga walk-out. Ay ang gandang kausap. KJ Talaga noon.

"May problema ba si Francis?"tanong ko sa kanila. Mukhang meron talaga eh.

"Ewan ?? Hayaan mo na may period yun" sabi ni Archie.

Grabe talaga tong lalaking to parang hindi kaibigan eh.

After naming kumain ng almusal. Sumakay na kami sa Van ninah Jean. Ang cute nga kulay pink. Hindi na masyado masakit ulo ko, humingi kasi ako kanina kay Jean ng gamot, na-guilty naman si Eunice kasi sinama pa daw ako niya masama naman pala pakiramdam ko. Pero sinabihan ko na siya na okay nah.

Nga pala katabi ko si Francis ngayon. Hindi siya tulog. End of the world na.

"Francis" tawag ko sa kanya.

"Psst"

Hindi ako pinansin.

"Francis kung may problema ka --------"

"SHUT UP!"

Hindi ko na siya kinulit. Baka ihulog pako mamaya dito sa sasakyan. Sayang beauty ko.

Makatulog na nga lang.

---------------------

Nagising ako sa biglang pagtigil ng Van. Andito na siguro kami.

"We're here"

Andito na nga. Bumaba na kami at kinuha yung mga gamit. Tsaka pumasok sa resort. Ang ganda niya. May mga cottage. Tapos may mga rock formation malamit sa tabing dagat. Ang ganda. Ang puti pa ng sands.

"Ahh anong pangalan ng beach na'to ?" Tanong ko sa kanila.

"Pandan Beach Resort. Beach to nating mag babarkada" si Francis yan. Siya talaga sumagot ha.

"Wow ?? Binili niyo tong lahat ?"

"Obviously ??"

"Sabi ko nga"

Lakas talaga ng tupak ng lalaking to.

Nilagay na namin ang mga gamit tsaka pagkain namin sa cottage, yung mga pagkain syempre sa mesa yun.

Tapos naligo na kami.

Tapos kumain, ligo ulit. Naglaro pa kami ng volleyball, tsaka habol-habol.

Tapos huminto muna kami nagpapahinga nakakapagod rin kasi.

Tapos nagpasya na na umuwi na hapon narin kasi.


One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon