One Sided Love: Moving Forward

4 0 0
                                    

Napakaganda ng gising ko ngayon. Ewan ?? Mukhang ang gaan na ng pakiramdam ko simula noong pagkatapos naming nag-usap ni Francis sa rooftop. Tama siya marami akong kaligayahan, hindi lang si Adrian.

Inferness kay Francis ha may alam rin pala. Kala ko puro lang pagwapo alam nun.

I decide na mag move-on ah No mag moving forward hindi naman kasi naging kami. May binigay sakin si Francis na list kung paano. Tutulungan daw niya ako.

Kaya bantay sarado ako ngayon.

First:
Huwag kang magpaapekto agad sa ginagawa nila. Kung gusto mong umiyak pigilan mo kahit masakit na. Kung maaari lumayo ka.

"Francis, samahan mo'ko sa canteen."

Hinatak ko na agad si Francis kasi papunta na sila sa pwesto namin. Ohh ?? Masunurin ako.

Pagkadating namin ni Francis sa canteen nag high-five agad kami.

"Masunurin talaga" sabi niya.

"Oo naman at dahil diyan libre mo'ko"

"Sabi na eh"

Nagtawanan nalang kami. Maypagka-abnoh rin pala tong gwapong allien na'to eh. Ayos rin maraming pera hahah mukhang palagi akong busog.

Second:
Keep yourself busy, upang hindi mo siya maiisip.

"Ms. Librarian marami pong tao sa loob ?"

"Wala pa hija, pumasok kana lang"

Nag-attendance muna ako bago ako namili ng libro. Magbabasa lang naman ako hehehe wag kayong maingay.

Third:
Itago mo ang mga gamit na bigay niya o yung gamit na pwedeng makita mo at malala mo siya dahil sa gamit na yan.

"Hija, Ella. Bakit ang daming nakabalot doon sa labas. Aanhin mo yun?"

"Ipapakarga ko po sa humahakot ng basura. Hindi ko na po yun magagamit"

"Ah sige yung akin rin mamaya ha"

"Sigee po"

After 20 minutes .

Natapos ko na rin linisin ang kwarto ko.

Fourth:
Magpakasaya ka. Bonding with Friends or Family.

"Ella, andito na si Anne bilisan mo diyan."

"Andyan na po"

Bumaba na'ko agad.

Nakita ko si Anne nakaupo sa sofa.

"Anong nakain mong babae kang inimbita mo ko para mamasyal eh noon ang-----------"

Hindi ko na siya pinatapos.

"Ssssshhhh .. tara na . Noon pa yun. Ano ka ba."

Nagulat siya. Sino ba naman ang hindi hihi xD .

Umalis na kami agad tsaka namasyal sa mall.

Paborito ko kasi ang Mall pasyalan eh hindi masyadong malaki tsaka medyo malapit lang isang sakay lng .

Kumain lang kami.

Tapos nanood ng horror movie yung coming soon tsaka silent night.

Tsaka naglaro kami doon sa Game World.

Tapos pumunta kami sa sea side nuod kami ng sun set. Tsaka nag selfie-selfie.

Click ! Click ! Click !

Fifth:
Ikaw na ang bahala

After 1 month


Pinuntahan ko agad si Francis pagkadating ko sa university .
"Francis!!" sigaw ko.

Mga kaklase ko napatingin sakin.

Dedma them si Francis lang kailangan ko.

Naglakad ako papunta sa kanya parang Miss Universe lang yung dating.

Tumayo siya sa kinauupuan niya.

"Anong arte yan Ms. Cruz??"

Tiningnan ko muna siya ng masama. Tapos hinug ko siya.

O_O

Nagulat silang lahat si Francis rin.

Kaya hinatak ko na siya palabas ng room tsaka pumunta kami sa rooftop.

Pagdating namin.

"Waaaahhhhhhhhh"

Sumigaw ako.

"Huwag ka ngang sumigaw Ella. Nakakabingi"

"Wow ?? Ang arte ha."

"Ano ba kasing kailangan mo ??"

"Good News!! NAKA-MOVE ON NA'KO !!"

"Edi masaya ?? Paparty kana"

"Heeh !! Parang ako lang atang masaya eh"

"Nokaba masaya naman ako hindi lang halata. Gwapo kasi eh"

Nag-acting naman siyang nagpapagwapo.

"KAPAL !! Saan banda ??"

"Sa puso mo"

"Ahsuss !! Luma na yan"

Corny ngayon ni Francis parang mais.

"Lika na nga. Baka nagkaklase na. Dinamay mo pa'ko sa hilig mong mag cutting"

"Wow ?? Nagsalita ang hindi.

Umalis na kami sa rooftop.

Pagkadating namin sa room.

"ANDIYAN NA SI MAYOR"

Sigaw ko. Nagulat mga kaklase ko HAHAHAHAHA xD laughtrip lang.

"Edi umiyak ka" Sabi ni Francis.

Ito yung gusto ko eh sasabayan trip ko. Nag high-five ulit kami.

"Uyy, Ella at Francis. May ano sa inyo ?" Tanong ni Jean.

Biglang napatingin sa Francis sakin, nakatingin rin ako syempre hihi.

"Oo nga. Ba't ang close niyo ngayon??" Nagtatakang tanong ni Eunice.

Gusto ko ng matawa kung alam lang nila talaga.

Lumapit si Archie kay Francis tapos umakbay.

"Nililigawan mo ba to si Ella ha ?"

Nagulat si Francis sa tanong ni Archie. Well, kung manliligaw to si Francis . Oo na agad sagot ko.

"Hindi ah"

Ayan nahiya na yan HAHAHA

Lumapit ako sa kanilang dalawa. Tapos tinulak ko ng mahina si Archie. Tapos inakbayan si Francis.

"Kami na ni Francis------------------------

Biglang tumahimik ang buong klase.

---------- sa panaginip" patuloy ko.

Natawa nalang tong kasama ko. Hahaha ewan ko nalang sa kanila.

Isipin niyo na kung anong isipin niyo. Kung ano man yan hindi yan totoo kasi ang totoo kaibigan ko lang si Francis.

One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon