One Sided Love: BitterElla

5 0 0
                                    

Francis P.O.V

Pagkagising ko tumakbo na agad ako sa kwarto ni Adrian. Nag text kasi si Eunice sakin na bati na daw sila ni Ella. Paano nangyari yun ? Akala ko ba nasaktan talaga si Ella. Bakit nagkabati na sila.

Papasok na sana ako ng ---------

"May kailangan ka?"

Nasa likoran ko siya ngayon. Gising na pala siya.

"Totoo bang bati na kayo ni Ella?"

Tiningnan niya lang ako nang masakit na masakit, tapos unti-unting umiba hanggang sa tumawa siya. Baliw lang ??

"Laki ng topak mo Adrian. Anong nakakatawa?"

Baliw eh may nakakatawa ba sa tanong ko?

"Eh papaanong hindi ako matawa gusto mo pala si Ella ha."

Shit. Ito na nga bang sinasabi ko. Nakalimutan ko makulit pala tong basungot na'to.

Napakamot nalang ako sa batok ko.

"Eh ano naman ngayon ??"

Tumigil na siya sa kakatawa nag-iba na naman expression ng mukha niya naging seryoso.

"Ito lang masasabi ko tulungan mo si Ella na makalimutan ako. Ayoko nang makita siyang umiiyak, ayoko siyang ma-stress."

"ANOOO??"

Lintik na. Hindi nga ako kinakausap ng babaeng yun. Hindi kami bati nun.

"Anong ano ? Diba gusto mo siya. Ay mali Mahal pala?"

"Oo"

"Oh deh kaya mo yun. Ngayon kapa mato-torpe ??"

Kung alam mo lang kapatid hindi kami close ng babaeng yun. Amazona yun pagdating sakin.

"Ano na tol ??"

"Di ko ata kaya?"

"Tsk. Kaya mo yan. NoKaba ikaw pa lakas ng appeal mo. Dami nga nagkakagusto sayo sa school. Kung pano mo inakit sila, ganun rin kay Ella."

"Baliw hindi ko sila inakit hoy!!"

Lumakad na siya papasok sa kwarto niya habang tumatawa. Napatawa narin ako. Inakit ?? Psh >< kasalanan ko bang gwapo ako.

Pero pano na ngayon ?? Paano ko matutulungan si Ella na kalimutan si Adrian. Hayy !!

Ella's P.O.V

Kumakain kami ngayon ni tita kasama si Anne. Parang wala akong ganah.

"Ella hija, bakit ang laki na ng eye bags mo ??" nagtatakang tanong ni tita.

"Po? Ano po kasi a-------"

"Ah tita Lea palagi po yan umiiyak paggabi na-miss na daw niya yung palayan nila"

Natawa nalang ako kay Anne. Sa lahat ng namiss ang palayan talaga.

"Ganon okay" sang ayon naman ni tita.

Tiningnan naman ako ni Anne tsaka kinindatan. Ang galing lang talagang magpalosot ng babaeng to kaya bestfriend ko eh.

Papunta na akong M.University. Iniwan ko na dun si Anne sabi niya uuwi nalang daw siya pag ubos na ang laman ng ref namin. Ang takaw talaga. Pero joke lang yun. Pero totoo matakaw yun.

Nakarating narin.

Pagbaba ko ng taxi. Tyming rin ang pagdating ng magkapatid sina Francis at Adrian. Nakakotse.

One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon