One Sided Love: Peace

6 0 0
                                    

Papunta kami ngayon ni Anne sa E-Mall. Kainis nga tong babaeng to eh matagal na pala siya dito sa manila hindi pa niya sinabi.

"Girl, grabe ganito pala dito sa manila noh?" tanong niya.

"Tinanong mo pa"

"Ang gulo pero ang saya"

"Parang ikaw"

"Masaya ??"

"Hindi magulo."

Nagtawan lang kami habang nakasakay sa taxi. Hindi naman magagalit yang driver eh. Hihi


Nandito na agad kami sa E-Mall.

Papatunayan ko
Na ako lang sayo
Hinubog mong buhay ko
Na ang Pag-ibig mo
Mamahalin kita
Sa puso ko'y nandyan ka
Maiintindihan mo rin ako

Napatigil ako sa paglakad dahil sa narinig ko. Kanta niya. Yang kantang yan ang kinanta niya doon sa amin. Ang laki parin ng epekto sa'kin. Hindi ko alam umiiyak na pala ako.

"Girl, what's wrong ??"

Hindi ko pinansin si Anne. Umiyak lang ako ng umiyak. Nandito parin kasi ang sakit.

"Anne,next time nalang tayo mamasyal. Gusto ko munang magpahinga"

"Sure Girl"

Hinatid ako ni Anne samin. Tapos umuwi na siya.

Papasok na sana ako kaso may tumawag sakin mula sa likoran ko.

"Anong ginagawa mo dito? Umalis ka nga"

Ang kapal lang ng mukha at nagpakita pa sakin. Ano na naman kayang ginagawa niya dito?

"Ella usap tayo"

Tanga lang. Ayoko nga siyang makita tapos mag-uusap pa kami. Mukha niya KAPAL.

"Ano bang pag-uusapan natin?"

Bullshit lang.

Bigla niyang hinawakan ang dalawang kamay ko. Tapos tiningnan ako sa mata.

Lakas ng kutob ng dibdib ko. Ella huwag ganito huwag kang magpadala. Bakit ganun nawala ang sakit sa dibdib ko ?? Biglang napalitan ng saya ?? No ! Galit pa'ko sa taong to.

"Ella, kaya ako nandito kasi hindi ako pinapatulog ng consenya ko ..

Buti nga sayo. Tama lang yun noh.

... gusto ko sanang .. mag so-sorry sayo sa ginawa ko sayo. I didn't mean it Ella . Patuloy niya.

Wala akong masabi. Pinakinggan ko lang siya.

-- wala akong intensyon na saktan ka. Tawagin mo na akong selfish okay lang, kasi totoo naman talaga na sarili ko lang iniisip ko, sariling kaligayahan ko lang ang iniisip ko. Na napakasama ko ---- patuloy niya ulit.

Hindi ko alam sasabihin ko. Gusto ko nang umiyak pinipigilan ko lang. Ayokong umiyak sa harapan niya.

Pero nagulat ako ng nakita kong may tumulong luha galing sa mata niya. Umiiyak siya ??

-- sorry Ella. Alam kong masakit ang ginawa ko sayo. Sorry talaga. Kung hindi mo------

Pinutol ko na ang sasabihin niya.

"Sssshhhh . Adrian. Masakit nga yun. Napakasakit. Sa sobrang sakit parang ayoko ng kumain gusto kong umiyak nalang ng umiyak at matulog. Minsan iniisip ko na sana hindi to totoo na sana panaginip lang to bangongot lang to. Pero hindi eh For Real to. Noong una ayaw na ayaw kitang patawarin. Pero ngayong nakikita kita naisip ko "Nobody's perfect" kaya nga may eraser ang lapis eh. May liquid eraser ang ballpen. Hindi ka masama Adrian nagkamali ka lang. Kasi nga tao ka lang. Kaya pinapatawad na kita"

Tapos nag smile ako sa kanya.

Biglang nabuhayan ang loob niya.

Tiningnan lang niya ako. Tapos hinug niya ko bigla.

"Salamat Ella"

Hindi na'ko nagsalita. Niyakap ko narin siya. Sobrang miss ko na siya.

Sobrang higpit ng yakap niya sakin.

"Ahh Adrian hindi na'ko makahinga"

Kumawala na siya sa pagkayakap sakin.

"Ah sorry Ella. Masaya lang ako."

Pinahiran niya yung luha niya ng kanyang panyo.

"I need to go. Thank you talaga Ella"

Nag-wave lang siya tapos tumakbo na.

Pumasok narin ako. At umakyat na sa taas.

Pagkapasok ko sa kwarto ko bigla akong napahagulhul.

Masakit parin kahit pinatawad ko na siya. Hindi naman kasi madaling kalimutan yun eh.

Iniisip ko na sana sa paggising ko bukas bumalik na naman siya sakin. Na sana hindi si Jean yung minahal niya kundi ako.

Iniisip ko na ang lahat na'to ay hindi totoo. Pero hindi eh assuming lang ako. Sa kaka-assume ko, hindi ko alam sobrang nasasaktan na pala ako.

Minsan naiisip ko. Ano bang meron kay Jean na wala ako ?? Maganda naman ako diba ?sabi nila nasa akin na lahat ang katangian ng babae na hinahanp ng mga lalaki. Pero bakit ganoon, hindi ako minahal ng mahal ko.

Ano ba kasing wala sakin na meron sa kanya.

Umiyak nalang ako. Wala nakong magagawa, iba ang mahal niya at hindi ako.

Sana last na iyak ko na'to .

Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz

One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon